Chapter 34

419 16 1
                                    

Xandra

Saktong pagkalabas ko sa gate kanina ay may dumaan ng taxi kaya naman agad akong nakasakay at sinabi sakaniya kung saan kami pupunta. Kaya ayala ang pinili ko ay dahil doon ako tumatambay lagi. Saka saktong hapon na kaya makikita mo rin 'yong paglubog ng araw doon sa may pwesto ko.

Kahit sa bermuda grass ka lang humiga okay na okay. Wala naman siyang langgam pero may daga nga lang sa gilid gilid. Ang riverwalk kasi ay nilalagyan ng bamboo sa gilid pang harang doon para walang pumunta o mahulog. Malinis naman 'yon kaya nga hinarangan.

Pero kaloka mga bakla may dagang kasing laki na ng braso mo. Pero depende kung saan ang pwesto mo. Kung malapit ka sa may gilid kung saan may bamboo talagang may daga nga. Ewan ko kung bakit nandoon 'yong mga daga eh.

Minsan nga may nakita akong mag jowa sa may gilid naglalampungan. Hindi ko na sila pinansin no'n pero narinig kong tumili 'yong babae kaya napalingon ako ta's nakita ko 'yong daga nasa hita niya. 'Yong boyfriend niya naman kumuha ng pamalo tapos ipapalo na sana sa daga kaso biglang umalis 'yong daga kaya ang ending napalo niya 'yong hita ng girlfriend niya. Ayon nagbreak sila.

Bitter din ng mga daga eh.

Pero madalang lang magkaroon ng daga roon ah? Araw araw kasing naglilinis 'yong nakatoka roon. And take note kahit 'yong naglilinis do'n gwapo rin.

Kaya nga ro'n ako nakatambay eh.

Ilang oras pa ang inabot ng byahe ng makarating din kami sa ayala. Binigay ko naman ang bayad ko at lumakad patungong entrance nang may sumigaw kaya napatigil ako.

"Babe!" napairap naman ako sa lalakeng tumatakbo patungo sa direksyon ko habang ngiting ngiti.

"Parang hindi ka nasaksak kanina ah?" sambit ko at tumuloy na sa pagpasok sa entrance ng ayala. Sumabay naman siya saakin.

"Medyo okay na ako, wala namang lason 'yon" aniya at kinindatan ako.

Mautak talaga.

"Edi okay." tipid kong sabi at inirapan siya. Natawa naman siya sa inasta ko.

"Sungit talaga..." bulong niyang sabi pero sapat na 'yon para marinig ko.

"May sinasabi ka?" pinagtaasan ko siya ng kilay at napataas naman siya ng kamay niya.

"Chill babe, kanina ka pa kasi badtrip simula no'ng bumaba ka sa may taxi kaya pinapagaan ko lang." aniya at tumango na lang ako.

Lalo mo lang akong binadtrip.

Hindi na ako sumagot at pumasok na lang kaming dalawa sa may restaurant. Bago lang ang restaurant na 'to rito at hindi ko pa natiktikman kaya pumunta kami rito.

Umupo kami sa pinakadulo dahil ayoko ng medyo malapit sa may maraming tao dahil ang ingay nila. Mas okay na sa likod dahil onti lang ang umuupo roon.

"Order na, treat ko." ngiting sambit niya.

"Dapat lang dahil nag yaya ka." napailing na lang siya habang tumatawa.

Napansin ko lang ah? Hindi siya mukhang gago kapag ganiyan siya.

Ako na ang nag order dahil hindi raw siya pamilyar sa restaurant na ito. Ako rin naman gago. Nang matapos na ako sa pagsasabi ng order namin sa waiter, umalis na siya at naiwan naman kaming dalawa ni kayi.

"Bakit ka nag yaya?" bagot kong tanong habang pinaglalaruan ang kutsilyo na hawak ko.

Wala lang 'yon kasi ang nakalagay sa table namin eh.

"Para patayin ka" ngising sabi pero ngumisi lang din ako sakaniya.

"Okay." halata namang nagulat siya sa sagot ko pero hindi niya 'yon pinahalata.

"Okay? Okay lang sagot mo?" tanong niya saakin kaya naman tumango lang ako dahil busy ako sa paglalaro ng kutsilyo. "Nice babe. Ikaw palang 'yong babaeng nakilala kong hindi takot mamatay" dagdag niya pa at ngumiti.

"Wala naman dapat ikatakot. Parte naman ng buhay 'yon, iba iba lang ng schedule." ngumiti lang siya saakin at pinanood akong paglaruan ang kutsilyo na hawak hawak ko.

"Mahilig ka sa kutsilyo?" aniya at tumango naman ako. "Ibang iba ka sa babaeng nakilala ko noon na kasama rin ng Class Z 2 years ago." napatigil ako sa paglalaro ng kutsilyo at napatingin sakaniya.

Kung gano'n kilala niya si abby? Si abby na nag iisang babae sa Class Z noon na namatay?

"Oo." aniya at ngumiti saakin.

"Paano mo nakilala si--" hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng biglang dumating ang waiter at nilapag ang mga in-order ko, kaya hindi ko na lang tinuloy ang sasabihin ko.

"Enjoy ma'am, sir" sabi no'ng waiter bago umalis.

Mamaya ko na lang siguro itatanong. Napatingin naman ako sakaniya at nakita ko naman na sarap na sarap siya sa pagkain.

Nagsimula na rin akong kumain at totoo ngang masarap ang pagkain nila rito. Sulit din naman pala 'yong binayad ng kasama ko rito.

Onti lang naman ang in-order ko pero sapat na 'yon para saaming dalawa. Carbonara at pizza lang ang akin dahil wala akong ganang kumain. Carbonara rin ang kay kayi pero chicken 'yong kaniya. Spicy na pinili ko para sakaniya dahil mukha namang 'yon ang gusto niya. Badtrip nga lang dahil walang mountain dew kaya nag iced tea na lang kaming dalawa.

"Paano mo nalaman na gusto ko 'yong spicy babe?" tanong niya saakin at uminom ng iced tea.

"Feeling ko lang." sagot ko at tumango tango naman siya. "Bakit ba babe ka ng babe?"

Napangisi naman siya at binaba ang hawak niyang baso. "Ibibigay mo ba ang pangalan mo?" tanong niya.

"Xandra." tipid kong sabi at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Kahit sabihin mo pa ang pangalan mo, babe pa rin ang itatawag ko sa 'yo" sagot niya naman saakin kaya napairap na lang ako at hindi na siya pinansin.

"Sayang hindi tayo parehas ng pinapasukan na school" aniya at napatingin naman ako sakaniya.

"Saan kaba?" tanong ko sakaniya at sumubo ng carbonara.

"Ceijoh" sagot niya pero halata namang hindi niya gusto roon.

"Taray mamahalin ang school. Ba't hindi ka ata masaya?" sambit ko at uminom ng iced tea.

"Boring kasi. Hindi na nga ako pumapasok doon eh" sagot niya at bumuntong hininga.

"Mayaman ka naman kaya keri mo 'yan" natawa na lang kami at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Napatingin ako sa paligid at onti lang pala ang tao rito. Sabagay ganiyan talaga kapag bago palang. Masarap naman dito tapos aircon pa.

Ilang minuto pa'y natapos na kami sa pagkain. Nagpahinga muna kami saglit bago magbayad ang kasama ko at umalis na. Balak kong pumunta sa tambayan ko dahil onti palang ang tao ro'n dahil may pasok.

Sa madaling salita kaming dalawa ni kayi ay parehas hindi pumasok sa school. Siraulo 'yon eh, boring daw kasi sa school mas gusto niya pa raw sa base nila dahil nakakapag practice siya, kahit naman malakas na siya.

Class ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon