Chapter 33

419 18 1
                                    

Xandra

"Xandra! Alam mo bang delikado ang ginawa mo?!" panenermon saakin ni sky dito sa may sala kasama ang mga ugok.

"Bakit ba?" mahinahon kong sambit.

"Anong "bakit ba?" Mapanganib ang ginawa mo!" hindi ko siya sinagot at pinaglaruan lang ang kutsilyong hawak ko. Ang mga ugok ko ay tahimik lang na nakikinig. "At si kayi pa talaga!" galit niyang sabi.

Galit na talaga simula no'ng makauwi kami.

"Kumalma ka nga sky" sabat ni axel sakaniya at tinapik siya sa balikat ngunit tinabig ni sky 'yon at tinignan siya ng masama.

"Paano ako kakalma eh delikado ang ginawa niya!" sagot naman ni sky sakaniya na halatang nagpipigil na sumigaw.

"Kasama niya naman sila, hindi nila papabayaan si xandra" dagdag pa ni axel at seryoso na ang aura.

"Kaya ganiyan 'yan si xandra eh! Kinukunsinti niyo kasi!" sagot naman ni sky habang hinilamos ang mukha. "Hindi sa lahat ng oras mapo-protektahan nila si xandra, axel!" dagdag niya pa at tinuro kaming lahat.

"Naiintindihan kita sky." tanging sagot lang ni axel at walang mababasang emosyon sa mukha niya.

"'Yon naman pala eh! Bakit mo pa kailangang ipagtanggol si xandra?!" tanong sakaniya ni sky na inis na inis na talaga.

"Sky tama na." sabat naman ni keven pero tinignan lang siya ni sky ng masama kaya naman natahimik na si keven.

"At ikaw naman! Alam mong mapanganib ang ginawa mo bakit sumugod ka pa rin?!" tanong niya saakin pero hindi ko siya sinagot at hinayaan lang siyang magsalita. "Palibhasa wala kang alam."

Napatigil ako sa paglalaro ng kutsilyo ko ng dahil sa huling sinabi niya. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.

"Palibhasa wala kang alam."

"Palibhasa wala kang alam."

"Palibhasa wala kang alam."

"Sky"

"Kumalma ka"

"Hindi kasalanan ni xandra ang lahat"

"Kami ang kasama niya kaya kami ang sisihin mo"

"Sky masyado ka ng malayo sa limit mo"

"Huwag kang mag salita ng ganiyan kay xandra"

"Kapatid mo 'yan kaya alam mo kung paano siya didisiplinahin"

"Huwag 'yong ganiyan sky, nasasaktan mo si xandra."

"Hindi man physical pero sana alam mo kung hanggang saan lang ang limit mo sky."

Napatingin ako sakaniya at tinignan siya ng diretso sa mata. Walang reaksyon ang mababasa sa mukha ko habang tinitignan ko siya.

"'Yon na nga eh. Wala nga akong alam pero bakit hindi niyo sabihin ng malaman ko?" mahinahon kong tanong at tumayo na. Nilagay ko na sa bulsa ko ang hawak kong kutsilyo at nag simula ng maglakad patungong hagdan.

"Xandra..." sabay sabay na sabi no'ng mga ugok.

Hindi ko na lang sila pinansin at umakyat na sa kwarto ko para magpahinga. Ayoko munang makita si sky. Gusto ko munang ipahinga ang sarili ko dahil sa pagod na nararamdaman ko.

Nang makapasok na ako sa kwarto ay agad ko 'tong nilock at humiga sa kama. Gusto kong magalit, mainis, maiyak dahil sa nangyari.

Ginawa ko lang naman 'yon para sakaniya eh.

Masama bang mag alala sa kapatid?

Masama bang gumanti para sakaniya?

Masama ba lahat ng ginagawa ko?

Napatingin ako sa cellphone ko na umilaw at tinignan lang 'yon. 3:57 pm na pala pero puro pagod lang ang nararamdaman ko ngayon kahit onti lang ang ginawa ko.

May pasok pa pala bukas pero parang hindi ko gustong pumasok. Feeling ko kasi kahit anong oras babagsak ako dahil sa nang hihina kong katawan eh. Alam mo 'yon? Kahit wala kang ginawa feeling mo pagod na pagod ka.

Napatingin ulit ako sa cellphone ko na paulit ulit na lang umiilaw kaya inis ko 'tong kinuha at tinignan. May tumatawag pero number lang nakalagay.

"Finally!" sabi niya sa kabilang linya.

Boses palang alam na.

"Oh?"

"Sungit."

"End ko na." akmang pipindutin ko na sana ng bigla siyang magsalita.

"Wait babe geez!"

"Ano?"

"Let's meet babe" masayang sabi niya. Mukhang hindi nalason kanina sa kutsilyo niya eh?

"Okay." tipid kong sagot.

"Weh?"

"Hindi na--"

"Susunduin ba kita?"

"Sa ayala na lang tayo mag kita."

"Noted babe! Take care!" in-end ko na ang call at pumunta sa cr para maligo na.

Hindi ko alam kung bakit pumayag ako na magkita kami kahit na alam kong kalaban siya nila eh. Pero wala naman saakin 'yon. Kung gusto niya akong saktan edi gora na. Hindi naman ako takot masaktan o mamatay. Takot akong maubusan ng pagkain gago.

Saka ayoko rin magstay ngayon dito. Wala lang, lalo kasing bumibigat pakiramdam ko kapag nanatili pa ako rito eh. Kaya mas mabuting sumama na lang ako kayi.

Kapag may ginawa 'yong gagong 'yon kering keri ko 'yon aba. Pero hanggat hindi niya ako ginagalaw hindi ko rin siya gagalawin. Sinaksak ko na nga kanina eh.

Nagtataka nga ako kung bakit hindi man lang nahirapan 'yon ngayon dahil sa tinamo niyang sugat sa tagiliran. Ang saya niya pa nga kanina no'ng tumawag siya eh.

Siguro walang lason 'yong kutsilyo niya.

Pwede rin. Mautak din ang hinayupak na 'yon talaga eh. Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin kung anong meron bakit sila nag away kagabi.

Oo nga pala. 'Yong tungkol kay keven okay na. Nag sorry naman ako dahil mali rin naman ang inasta ko. Siya kasi eh nagtanong tanong pa edi siya tuloy na pag-interesan ko.

Ilang oras pa ang lumipas ay natapos na ang ritwal ko at nakapagbihis na rin. Simple lang naman ako manamit kaya madali lang akong nakakatapos sa pagbibihis.

Cellphone lang ang dala ko at hindi na nagdala ng bag at wallet dahil sa mismong case na ng cellphone ko nilagay 'yong pera ko. 'Yong pambayad sa taxi nasa short ko para madali na lang kuhanin.

Nang matapos na ako lahat lahat ay lumabas na ako ng kwarto at nilock 'yon bago bumaba. Tinignan ko ang relo ko at 4:10 pm na. Maaga pa naman kaya keri pa 'yan.

At oo hindi kami pumasok lahat dahil sa nangyari kanina. Ngayon lang naman kaya okay lang 'yon may bukas pa. Sana nga lang hindi kami pagalitan ni sir marc bukas.

Nang makababa na ako ay nakita ko silang lahat sa sala na tahimik. Napatingin sila saakin ngunit hindi ko sila pinansin. Nagkasalubong ang mga tingin namin si sky pero ako na ang naunang kumalas ng tingin at lumabas na sa bahay.

Class ZDove le storie prendono vita. Scoprilo ora