Chapter 11

531 21 3
                                    

Xandra

"Aray naman hades!" reklamo ko habang ginagamot niya ang mga sugat ko sa braso.

"Kung hindi ka kasi tanga, hindi mangyayari sa 'yo 'yan." kanina niya pa ako sinasabihan ng tanga sa totoo lang.

"Alam mo badtrip ka. Kung gagamutin mo ako gamutin mo nalang 'wag mo na ako sabihan ng tanga." inirapan ko siya pero ngumisi lang siya.

Magkaharap kami ngayon at hawak hawak niya ang braso ko. Tangina talaga ng mga 'yon eh! Sinugatan pa ako!

Pero ngayon ko lang napansin na may first aid pala rito. No'ng pinaupo kasi ako ni hades pumunta siya sa pinaka dulo at pagbalik niya dala dala na niya 'yong first aid kit.

Nang matapos niya na akong gamutin sa braso, kumuha ulit siya ng panibagong bulak at nilagayan ng kung ano ano.

Humarap siya saakin at hinawakan ang mukha ko. Magkaharap ang mga mukha namin dahil ginagamot niya ang sugat ko sa ibabang bahagi ng labi ko.

Pinapanood ko lang siya sa pag gagamot saakin ng biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko habang nakatingin sakaniya.

Gago ka heart! 'Wag ka r'yan sa demonyo bwiset ka! Minsan ka na nga lang tumibok ng ganiyan sa demonyo pa!

Nang magkatitigan kami umiwas ako ng tingin dahil mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nagkakatitigan kami. Humigpit tuloy ang pagkakahawak ko sa coat ko na nakalagay sa hita ko.

Kingina naman...

"Aray ko gago! Dahan dahan naman!" diniinan niya kasi 'yong bulak sa sugat ko. Demonyo talaga.

"'Wag kang magulo." 'Yon lang ang sinabi niya at hinawakan ulit ang mukha ko.

Hindi nalang ako umimik at hinayaan siyang gamutin ang sugat ko para matapos na rin. Maya maya pa'y natapos na siya sa pag gagamot saakin. Inayos niya naman ang first aid kit at ibinaik sa lalagyan.

Sakto namang pag upo niya sa tabi ko ay siya namang pagdating ng mga ugok sa room.

"Na trace kona 'yong nag message kay xandra." sabi ni sky at sinoli niya naman sa 'kin 'yong cellphone ko.

"Nahanap na namin sila, nandoon na rin. Ano tara na?" tanong naman ni keven saamin. Tinignan ko si hades at tumango naman siya.

Lumabas na ang lahat maliban saaming dalawa ni hades. Tatayo na sana ako para sumama ng biglang mag salita si hades.

"Saan ka pupunta?" seryosong tanong niya saakin.

"Sasama sakanila. Babawi ako 'no!" inirapan ko siya at nag simula ng maglakad ng biglang may humatak sa kamay ko kaya napadaing na naman ako. "Tanginamo talaga sabing masakit eh!"

"Tara na." nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko at inalalayan ako sa paglalakad. Hindi na ako umangal dahil tinignan niya ako ng masama.

Hindi ko alam kung gusto ba akong alalayan nito eh, makatitig sa 'kin para akong kriminal.

Lumabas na kami sa room at umakyat sa pang apat na palapag habang inaalalayan niya pa rin ako sa pag akyat.

Ngayon lang ako makakapunta roon. Nakakapagod kayang umakyat lalo na nasa pang apat pa duh!

Nasa huling hakbang na kami ng marinig ko silang sumisigaw. Tangina kaya pala kami kami lang nandito sa building, dito pala ginaganap 'yong pag papahirap sa iba.

Pumasok kami sa isang room. Puro kagamitan pang papahirap ang nandito. May mga posas at kadena rin.

"Gago ka ah! Gamitin mo pa si xandra gamit saamin ah!"

Class ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon