Chapter 27

437 16 3
                                    

Xandra

"Tangina nagutom ako ro'n"

"Kumain kana lang d'yan"

"Dada pa ng dada eh"

"Gago kayo, paabot nga no'ng gravy ko"

Nandito kami ngayon sa KFC para kumain. 7:49 pm na kaya dumiretso na kami rito. Inabot na kami ng gabi no'ng matapos kami sa pags-skating eh. Hanggang dito nga bangayan sila ng bangayan eh. May mga babae rin na tumitili dahil sakanila, pinag uusapan.

Hindi ko naman sila masisisi dahil gwapo naman talaga sila, mga siraulo lang. Kung hindi ko nga sila kilala baka kasama na ako sa mga babaeng tumitili sakanila.

Lalo na 'tong katabi ko puro siya ang pinag uusapan. Sino pa ba? Edi si sky. Malandi rin siya eh kinikindatan pa ang mga babae. Tapos itong mga babae naman lalong tumitili.

Sumunod sakaniya si hades at ace. Si hades walang pake sakanila pero si ace ngumingiti naman. 'Yong dating ni ace sakanila parang friendly na walang interes sakanila.

Hindi ko nga alam kung bakit puro babae nandito. Kaya siguro pinili ni sebastian na rito kumain kasi maraming babae. Oo si sebastian namili kung saan kami kakain. Dahil siya ang namili siya ang sasagot ng bill.

May pasok na rin bukas tinatamad pa ako kahit alam ko namang walang gagawin sa room. Pero naalala ko pumapasok pala si sir marc saamin. Tibay ni sir eh.

Ilang minuto pa'y natapos na kami sa pagkain, kaya lumabas na kami at pumunta sa parking lot para kunin ang mga sasakyan saka umuwi.

Gano'n pa rin ang arrangement, walang pinag bago. Nakikisakay na lang kasi mag rereklamo pa 'di ba? Ang kapal.

"Kanina ka pa tahimik" binasag ni sky ang katahimikan sa kotse habang nag d-drive siya.

"Ata." tamad kong sabi habang nakatingin sa bintana at pinag mamasdan ang paligid.

"Pagod ka siguro" tumango na lang ako dahil ayokong mag salita. Nakaramdam naman siya na ayokong mag salita kaya naging tahimik na ang byahe papunta sa bahay.

Simula no'ng natapos kami sa pagkain kanina pa ako tahimik. Hindi naman ako pagod pero ewan ko. Feeling ko pagod ako sa lahat pero hindi ako pagod. Gets niyo? Kung hindi balik ka sa sinapupunan ng nanay mo.

Pagod na ewan ako ngayon pero syempre maganda pa rin ako. Walang mag babago ro'n duh. Medyo naging mahangin kaya sige na hihinto na ako.

"Xandra, gising na" dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si sky sa labas hawak hawak ang pinto ng kotse.

Nakatulog pala ako. Parang kanina lang nagku-kwento pa ako eh.

"Inaantok pa ako sky, pwede bang dito na muna ako?" tanong ko sakaniya habang nakapikit. Inaantok pa talaga ako.

"Hindi pwede. Tara na" sambit niya pero umiling lang ako at natulog. "Xandra?"

"Bakay mo ako" sabi ko sakaniya habang nakaharap sakaniya.

"Hindi pwede, naka skirt ka." umiling lang siya at nag kamot ng batok.

"May cycling ako" sambit ko pero umiling lang siya ng umiling. Mamaya umikot ulo mo eh.

"Hindi pa rin." napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa upuan ko.

"Edi dito ako." pumikit na ako pero narinig ko siyang mag mura. Mainis ka lang sky.

"Tara na babakay na kita" aniya kaya dumilat ako't ngumiti sakaniya bago lumabas sa kotse.

Nang makalabas ako sa kotse pumunta siya sa likod ng kotse at may kinuha. Pumunta siya sa likod ko at tinali ang jacket niya sa bewang ko.

"Tara na" ngiting sabi niya. Ang gwapo talaga ni sky. Kung hindi ko lang nalaman na kapatid ko 'to malamang jojowain ko 'to.

Bumakay na ako sakaniya at binuhat niya naman ako. Pumikit na lang muna ako dahil inaatok talaga ako. Bali bakay ako ni sky papunta sa loob ng bahay.

Gentle man naman pala. Talagang nilagyan pa ako ng jacket para hindi masilipan.

Pero seryoso. Maswerte magiging asawa o girlfriend ni sky in the future. Husband/boyfriend material siya, pero syempre mag seselos na ako no'n kapag nagkaroon na siya ng girlfriend o asawa. Bakit? Dahil mamimiss ko 'yong mga ginagawa niya sa 'kin.

Pang aasar, pang iinis, pag aalaga sa 'kin, lahat. Pero syempre alam ko naman na hindi sa lahat ng oras ako ang aalagaan ni sky. Syempre kapag dumating na 'yong araw na 'yon, masaya ako dahil may pamilya na siya pero at the same times nalulungkot din dahil hindi na namin magagawa 'yong mga ginagawa namin ngayon.

"'Wag kang umiyak, dahil kapag nagkaroon na ako ng pamilya ikaw pa rin ang prinsesa ko." hindi ko namalayan na naiyak na pala ako. Pero mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya.

"O-ows" natawa siya ng mahina dahil medyo nautal pa ako. Bwiset.

"Promise" binatukan ko naman siya dahil nakakainis ang cringe, daig pa namin 'yong mag jowa.

"Huwag ka na lang mag kapamilya, maging single na lang tayong dalawa hanggang sa mamatay" natawa ako sa sinabi ko. Lintek ang cheesy ni sky.

"Mamimiss mo lang ako eh" napairap naman ako sa hangin no'ng ibaba niya ako sa may sofa at umupo sa tabi ko.

"Hindi masamang mangarap" natawa siya at pumikit. Pagod siguro kakabuhat sa 'kin. "Matulog na tayo sky" dagdag ko at tumayo na.

"Sige, mauna kana susunod ako" tumango naman ako at nag goodnight sakaniya. Gano'n din ang ginawa niya kaya umakyat na ako sa taas para matulog.

Nagawa ko na ang mga ritwal ko tuwing gabi kaya humiga na ako sa kama at pumikit. Hindi ko alam pero pagod na pagod ako ngayong gabi. Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid at tinignan kung anong oras na. 10:23 pm na pala.

Nag online muna ako saglit kahit wala namang nagc-chat. Echosera lang ganern. No'ng nag sawa na ako nag offline na ako at pumunta naman sa photos ko. May mga pictures kami ng mga ugok dito sa cellphone. Nag picture kaming lahat, syempre memories.

Meron din sa cellphone nila. Sa bawat cellphone nila may picture ako. Katulad ni jake sa cellphone niya nag picture kaming dalawa. Gano'n din ang ginawa no'ng iba kaya ayon. Puro pictures namin ang nasa cellphone namin maliban kay hades. Ayaw ipagalaw 'yong cellphone eh.

Dalawa dalawa kaming nag picture kanina. Kung kanino 'yong cellphone dalawa kaming magp-picture. Gets niyo? Kung hindi alam niyo na.

May mga stolen pa ang mga gago rito sa cellphone ko eh. Pinuno na nila ng pictures nila 'yong cellphone ko. Bumawi kasi puro pictures ko 'yong mga cellphone nila.

Nang makarating ako sa dulo nakita ko 'yong mga pictures namin ni hades kanina habang nags-skating. Mag kahawak pa ang mga kamay namin tapos nakangiti pa kami.

Tangina 30 pictures amputa.

Hula ko ito 'yong pinipilit ko siyang ngumiti. Pero infairness ang ganda ng pag kakakuha malinaw.

Pero hinding hindi ako mag kakagusto kay hades. Kung mag kakagusto man ako sa lalake hindi sakaniya na demonyo.

Hindi ko na dinelete dahil ipangb-blackmail ko 'yon sakaniya. 'Wag kayong echosera d'yan mga bakla hindi ko bet si hades. Kaya ko lang hindi dinelete dahil pang blackmail ko 'yon. Duh? May picture ako ni hades ng nakangiti kaya pwede kong ibenta sa mga fans niya 'yong picture na 'yon. Oh 'di ba kumita pa ako.

Icrop na lang ang picture.

Class ZWhere stories live. Discover now