Chapter 28

442 17 3
                                    

Xandra

Nandito ako ngayon sa kotse kasama si sky na nagd-drive kanina pa. Papunta na kasi kami ng school dahil 11:00 am na. Late na 'di ba? Sisihin niyo sila ang babagal kumilos.

Isipin niyo kasi 'yon, buong Class Z mag kakasama ngayon kaya sinong tao sa room? Si sir marc? Ewan ko na lang talaga.

Si sir marc naman kasi ang sipag pumasok saamin eh. Sabagay close niya naman ang Class Z. May asawa na kaya si sir marc? Bagay pa naman sila ni mama.

Gwapo si sir, mabait, maputi, makinis. Sana all talaga. Si mama kasi ayaw pa mag pareto eh kay sir ko nga siya irereto duh? Sayang ganda niya kung puro trabaho lang siya. Landi landi rin.

Ako nga sobrang landi eh. Pero kita mo nga naman hanggang ngayon wala pang boyfriend ang kingina. Sa sobra ko atang landi nag tago na sila sa 'kin. Duh? Ang ganda ganda ko ta's ayaw akong jowain. Mga walang taste.

Pinark nilang lahat ang kotse nila sa parking lot. Kaya nga parking lot 'di ba?

Sabay sabay kaming pumunta sa Class Z dahil mag kakasama lang naman kami. Wala ng tao sa campus dahil mga late na kami. 11:30 am na no'ng makarating kami sa school.

Kami lang ata 'yong late na nag m-model pa sa campus. Sabagay may ipagmamalaki naman kami.

Malapit ng mag lunch break no'ng makapunta kami sa building namin. Walang tao, kahit si sir marc wala. Baka mamaya pa dadarating.

12:30 - 12:50 ang lunch break namin, kaya malamang 12:50 pupunta si sir saamin. At dahil walang teacher sa room nag ingay na naman sila.

Kahit si cyrus na katabi ko lagi, nando'n na nakikipag asaran sa mga gago. Ako? Ito naka upo lang bored na bored.

Kung malalaman ko kaya ang mga tinatago nila ganito pa rin ba kaming lahat? I mean. Masaya, nag aasaran, nag pipikunan. Aayawan ko ba sila kapag nalaman ko ang lahat?

Bakit hindi na lang nila sabihin sa 'kin ang lahat? Ayan na lang palagi ang tanong ko sa sarili ko. Ang hirap kasi, napunta ka sa Class Z na walang alam. Walang alam sa background nila at walang alam sa nangyari no'ng 2 years ago.

Gano'n ba kabigat ang sikreto nila para hindi ko malaman? Simula no'ng napunta ako rito at nakita ko ang folder, 'yon na lahat ang pumapasok sa isip ko. Konti lang ang alam ko sakanila. Kinakakatakutan sila dahil sa nangyari 2 years ago. Kung hindi kaya ako napunta sa Class Z, wala akong dapat ipag alala? Pero kung hindi ako napunta rito hindi ko malalaman na kapatid ko si sky.

Hindi ko alam ang tinatago nila sa 'kin pero hindi ko naman sila iiwan kahit na anong mangyari eh. Oo nakakapikon sila, nakakainis, nakakabadtrip. Pero masaya ako kapag kasama sila, kahit na mga gago 'yong mga 'yon.

Paano kung hindi ko sila nakilala, ganito kaya ang buhay ko ngayon? Malamang hindi. Siguro kung hindi ko sila nakilala baka naging normal na istudyante lang ako rito.

"Ms. Garcia" napatingin naman ako sa tumawag saakin at nakita ko si sir na nakatayo sa harapan.

Napatingin ako sa relo ko at 12:54 na pala. Malamang tapos na ang lunch kaya siya nandito.

Nakita ko naman ang mga gago na tahimik lang habang naka upo. So kanina pa pala ako lutang? Bwiset.

"Yes sir?" tumayo ako at pekeng ngumti sakaniya.

"May nag hahanap sa 'yo" taka akong tumingin kay sir at mukhang napansin niya naman. "Caleb ang pangalan"

Shit...

Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si caleb na nakatayo at mukhang hinihintay ako. Tumingin ako kay sir at tumango naman siya kaya pumunta na ako kay caleb.

Class ZWhere stories live. Discover now