Chapter 10

525 18 1
                                    

Xandra

Maaga akong nagising ngayon kaya maaga rin akong nakapasok sa school. Kung nasaan ako? Nandito sa room.

Kompleto kaming lahat maliban sa apat. Si hades, ace, sky at lucas.

Hindi ko nga alam kung bakit ang aaga pumasok ng mga ugok na 'to eh hindi naman sila nakikinig sa mga tinuturo ng teacher, kagaya ko.

Lumabas muna ako sandali para pumunta sa cr. At oo nakahiwalay din ang cr namin sa iba. 'Yong cr namin nasa gilid lang malapit sa may hadganan. Pero hindi siya sobrang lapit, kaya safe naman.

Malinis ang cr namin dito kahit papaano. Nag hugas lang ako ng kamay at nag hilamos ng may naalala akong isang bagay na nakalimutan kong gawin kagabi.

Kumuha ako ng tissue na nakalagay sa gilid at pinunasan ang mukha ko saka tumakbo papunta sa room.

Agad akong pumasok at wala namang nakahalata saaking nag mamadali ako kaya umakto akong walang nangyari.

Pumunta ako sa pwesto ko at hinanap sa bag ko ang folder na nakuha ko kahapon. Pero pag bukas ko sa isang zipper ng bag ko ay wala na roon ang folder.

Hinanap ko ng hinanap 'yong folder sa bag ko pero hindi ko talaga mahanap! Imposible namang makuha nila 'yon dahil hindi nila alam na nasaakin 'yon at isa pa hindi rin nila binuksan 'yong bag ko.

Imposible naman kasing isa sa kanilang lahat ang kumuha no'n sa bag ko. Hindi naman pwede si cyrus dahil literal na natutulog siya.

Hindi rin naman pwedeng si ace ang kumuha dahil na saakin 'yong bag ko kahapon at hindi niya nahawakan.

Imposible talagang isa sakanila ang kumuha dahil maayos na maayos 'yong bag ko.

"Oh xandra? Ba't parang badtrip ka?" tanong sa 'kin ni jace habang lumalapit sa direksyon ko kasama si axel.

"Oo nga, may hinahanap kaba? Kanina mo pa hinuhukay 'yang bag mo eh" dagdag ni axel na kumakain ng piattos.

Umiling ako. "Ah wala, hinahanap ko lang 'yong ballpen ko, nawawala kasi" palusot ko sakanila.

"Nako 'wag ka ng mag ballpen walang papasok na teacher" sabi sa 'kin ni jace kaya ngumiti nalang ako sakaniya.

"Sibat muna kami ni jace, xandra ah?" tumango naman ako at ngumiti sakanila.

Nang makalayo sila saakin doon na ako nang hinayang. Sayang nasa 'kin na 'yong sagot nawala pa! Badtrip ang kingina.

Biglang umilaw 'yong cellphone ko kaya sinara ko muna 'yong bag ko at kinuha ang cellphone ko.

Binuksan ko 'to at may nagtext saakin. Number lang ang nakalagay kaya hindi ko alam kung sino.

09*********

Xandra, si lucas 'to pumunta ka sa likod ng campus may kailangan kang malaman.

Huh? Paano naman nalaman ni lucas 'yong number ko? At isa pa, kailan pa ako kinausap ni lucas ng matino eh lagi nga akong binabara no'n.

Pero mukhang si lucas naman ata 'to, kaya tumayo na ako at lumabas ng room. Pupunta ako sa likod ng campus dahil may kailangan daw akong malaman.

Hindi naman malayo 'yon sa building namin kaya makakarating naman agad ako roon. Bumaba na ako sa hagdan, tumakbo ako pababa para mabilis.

Nasa huling palapag na ako kaya nag lakad na ako papuntang likod. Grabe hiningal ako roon ah. Habang naglalakad ako papunta sa likod ng campus ay wala naman akong nakitang lucas.

Inilibot ko ang paningin ko pero wala talaga. Sabi na eh prank lang 'to. Tumalikod na ako at nagsimulang mag lakad ng biglang may nagtakip ng mata ko gamit ang panyo.

Class ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon