Chapter 61

270 16 5
                                    

Xandra

"Bitiwan mo 'ko Ian!" inis kong sabi. "Ian! Ano ba?! Bitawan mo 'ko sabi!" nanlaban ako kaya nahulog ko na ng tuluyan 'yong baseball bat.

"Xandra! Please lang! Tama na!" sagot niya pero hindi ko 'to pinansin at patuloy pa ring nanlaban sa kaniya. "Cywell, Oliver tulungan niyo ako! Hindi ko na siya mapigilan!"

"Shit! Xandra, kumalma ka muna!"

"Xandra! Tama na 'yan!"

Lalo akong nainis dahil tatlo na silang may hawak sa 'kin at patuloy pa rin nila akong pinipigilang kumawala.

"HA?! Tama na?! Kumalma ako?! Nag-papatawa ba kayo?!"

"Xandra please lang... Tama na" sambit ni oliver pero tinawanan ko lang siya.

"Nakikita niyo ba ang kalagayan ni sebastian ngayon?! Nakikita niyo ba kung gano karaming dugo ang nawala kay sebastian dahil lang sa kanila?!! NAKIKITA NIYO BA?!!" pasigaw kong tanong sa kanila.

"Pero xan--"

"XANDRA! CYWELL! OLIVER! IAN!" natigilan at napatingin kaming apat dahil sa sigaw na ginawa ni jake. "HINDI NA MAGANDA 'TO! SI SEBASTIAN! NAWALAN NA NG MALAY!"

Nanlaki ang mga mata ko at hindi agad nakakilos. Nang maproseso na ng utak ko 'yong sinabi niya, agad kong tinanggal ang pagkakahawak nila sa 'kin, at nagmamadaling tumakbo palabas ng kotse para puntahan si sebastian, pero huminto muna ako sa harapan ni jake.

"Bakit?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot. "Jake? Bakit?" pagtatanong ko ulit, at sa pag-kakataon na ito ay sumagot na siya.

"Xandra... Sorry" aniya at nanatili lang na nakayuko at hindi ako tinignan.

"Jake! BAKIT?!" hindi ko mapigilan na maiyak dahil sa galit. "MALIWANAG NA MALIWANAG ANG PAGKAKASABI KO SA INYO JAKE!" dagdag ko pero hindi niya pa rin ako tinignan o sinagot man lang. "TANGINA NAMAN EH!!"

"Pasensya na, Xandra" nakayuko niya pa ring sabi.

"Hindi 'yon ang gusto kong marinig, Jake! Ang gusto kong marinig, bakit hindi niyo agad dinala sa hospital si Sebastian! Sinabihan ko na kayo 'di ba?!"

"Xandra." nalipat ang tingin ko sa nasa likuran ni jake. "Tama na." dagdag niya at tinapik nito si jake kaya umalis na siya kasama 'yong tatlo. Kaming dalawa na lang ang naiwan.

Hindi ako nagsalita at pinunasan na lang ang mukha ko. Napatingin ako sa kamay ko at nakitang puro dugo pala. Nak ng tokwa talaga. Huhubarin ko na sana 'yong coat ko, para sana punasan 'yong pagm-mukha kong dugyot ng biglang may nag abot ng panyo sa 'kin. Napatingin ako sa panyo at sa nag abot. Pabalik balik ko silang tinignan parehas hanggang sa mapagod na 'yong mata ko.

Kinuha ko 'yong panyo at pinunasan na 'yong mukha ko. Ngayon ko lang napansin na sobrang dumi ko na pala at puro talsik na ako ng dugo, lalo na 'yong uniform ko. Napairap ako sa hangin dahil paniguradong mag lalaba na agad ako ng damit pagka uwing pagka uwi ko sa bahay.

"Bakit?"

Napatigil ako sa pagpupunas ng mukha ko at napatingin sa kaniya. "Anong bakit?" pabalik kong tanong.

Hindi siya agad sumagot at tinignan lang ako.

Aba pota? Ano trip nito?

"Huwag ka ngang mag tatanong kung hindi ka naman sasagot, punyeta ka" sabi ko sa kaniya at itinuloy na ulit ang pagpupunas sa mukha ko.

Shuta kadiri. Ang dugyot.

"Bakit mo ginawa 'yon?" aniya pero hindi ko na siya pinansin. "Xandra"

Nang mapunasan ko na ng maayos 'yong mukha ko, doon ko lang siya nilingon. "Ngayon alam mo na kung anong feeling ng hindi kinikibo?" hindi niya ako sinagot at tinignan lang. "Tangina mo talaga" hinagis ko naman sa kaniya 'yong panyo at sinalo niya naman ito. "Buti pa 'yong panyo mo may silbi, ikaw wala" dagdag ko at nilampasan siya.

Punyetang Hades! Siya 'yong tipo ng tao na wala pang ginagawa sa 'yo, talagang sira na agad araw mo.

Hindi pa man ako nakakalayo sa pwesto namin, ay agad namang may humila sa kamay ko, kaya napatigil ako sa pag lalakad at humarap sa kaniya.

Problema ba nito? Kitang aalis na 'yong tao eh.

"Ano ba, Hades? Para kang tanga!" irita kong sabi sa harapan mismo ng pagm-mukha niya. Bali magkaharap kaming dalawa ngayon.

"Bakit mo ginawa 'yon?" seryoso niyang tanong kaya napataas ang kilay ko.

"Bakit ba paulit ulit mong tinatanong?" tanong ko rin sa kaniya. "Tanga ka ba? At hindi mo alam ang sagot sa tanong mo? O nag tatanga tangahan ka lang?" dagdag ko.

Wow ang tapang ko sa part na 'yan. Sino ka d'yan beh?

"Ganon ba kahalaga sa 'yo si Sebastian, at kaya mong pumatay ng tao?" nagkasalubong ang kilay ko dahil sa tanong niya.

"Ay, ano ba ang dapat gawin? Kapag nakita mong sinasaktan na sa harapan mo 'yong kaibigan mo? Tulala lang ganon?" nagbago ang itsura niya. Halatang nagulat siya sa sinabi ko, pero pinipilit niyang itago 'yon. At pinapanindigan talaga ang itsura niyang gwapo ay este, maging seryoso.

Pero bakit? Bakit kailangan niyang itago 'yong emosyon niya? Kung nagulat siya, edi magulat siya. Bakit kailangan pang itago? Bakit Hades?

"Kaibigan?" mahina niyang sabi pero sapat na 'yon para marinig ko.

"Oo, kaibigan. K A I B I G A N. Kaibigan, Hades" sambit ko at inirapan siya. "At isa pa, bitawan mo nga ako! Kanina ka pa nakahawak sa 'kin eh!" pagrereklamo ko, kaya napatingin siya sa kamay kong hawak hawak niya at binitawan naman agad. Napangisi ako dahil sa naisip kong kalokohan. "Kung gusto mong hawakan 'yong kamay ko, sabihin mo na lang. Hindi 'yong cha-chansing ka pa! Shy type ka ba?"

As expected, hindi niya ako pinansin at tinignan lang na parang isang baliw, na nakatakas sa mental hospital. Bwiset na 'yan! Haler! Ang ganda ko namang baliw! At isa pa, saan ka makakakita ng magandang baliw?

"Bakit, Hades? Kapag ba nakita mong sinasaktan sa harapan mo 'yong kabigan mo wala kang gagawin? Hindi mo man lang ba tutulungan?" tanong ko naman sa kaniya. Sasagot na sana siya ng bigla siyang matigilan.

Huh? Bakit?

"Huy? Hades?" tawag ko sa kaniya, pero tinignan niya lang ako at nag simula ng mag lakad. Iniwan ako? "WOW! ANG KAPAL!" sigaw ko, at ang hayop hindi man lang ako nilingon at dire-diretso lang nag lakad.

Tumakbo ako at sumabay sa kaniya sa pag lalakad habang kinukulit siya. Pero hindi man lang niya ako pinapansin. Para bang sa kaniya, isa lang akong makulit na ispiritong gustong makipag laro.

"Hades!"

"Huy!"

"Luh? Snobber?"

"Pst pogi!"

"Naks pogi!"

"150?"

"Uy~~~ Pogi!"

"Ayaw mo 150? Sige 1,500? Keri?"

Sa pag kakataon na ito ay lumingon na siya sa 'kin kaya natawa ako. 1,500 lang pala katapat eh. "Hahahaha ikaw Hades a--"

"XANDRA!!"

At tuluyan na ngang nag dilim ang paligid.

Class ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon