Chapter 42

419 20 1
                                    

Xandra

"Sigurado ka bang kaya mo na?" tanong saakin ni sky nang makababa ako sa kotse niya.

"Oo, magt-taxi na lang ako pauwi" sambit ko. Tumango naman siya at nginitian ako.

"Sige mag-ingat ka" tumango nalang ako at nagpaalam na.

Naglalakad lang ako dahil malapit lang naman ang computer shop dito kung saan niya ako binaba. Kaya nga hindi na rin ako nagpasama dahil malapit lang eh.

6:30 pm na kaya medyo pagabi na rin. Pero dahil bukas kona ibibigay kay maam 'tong pinapa-print niya, kailangan ko munang gawin 'to bago umuwi.

First time lang ako inutusan ng teacher namin ngayon. Kapag may iuutos do'n sumusulpot ang ampota. Kabute ka maam?

"Hello kuya, paprint naman po ako nito" sabi ko kay kuyang nakabantay ngayon sabay abot ng mga papel.

See? Ang bilis ko lang nakarating sa com shop. Maganda rito eh, aircon tapos laging mabango, hindi katulad ng ibang com shop parang trial sa impyerno ang animal.

"Long po?" tanong niya saakin kaya tumango ako bilang tugon. "Upo muna po kayo"

"Sige po, salamat po" nginitian niya naman ako kaya nginitian ko rin siya bago pumunta sa upuan ko.

Ang bastos naman kung susungitan ko siya 'di ba? Alam kong attitude ako pero depende naman 'yon.

Hindi ko alam kung bakit print ang gagawin do'n 'di ba dapat xeroz? Oh baka naman ip-print 'yong nakasulat do'n?

Ay siguro limang piraso lang naman 'yong papel na 'yon eh. Tapos ang daming nakasulat na hindi ko maintindihan. Maganda naman 'yong sulat pero dikit dikit kasi masyado kaya nakakaduling.

Mabuti na lang talaga at malamig dito, nakakarelax kapag dumadampi sa 'yo 'yong lamig ng aircon. Nilabas ko muna 'yong cellphone ko dahil wala naman akong magawa at free wifi rito 'no duh!

Sa totoo lang hindi ko naman kailangan ng wifi dahil wattpad lang naman ang gagawin ko. Tamang basa lang ng ehem rated kemerut. Walang edad-edad aba!

Dahil ako lang naman ang mag-isang nakaupo rito, wala naman sigurong makakakita hehe. Tsaka 'yong brightness ko ibang klase syempre. Alanga namang magbasa ako tapos lantad na lantad 'di ba. Malandi ka xandra.

"Hi" mas mabilis pa sa alas kwatro 'yong pagpatay ko sa cellphone ko at pagtago.

Sino ba kasi--

"We meet again..." nakangiti niyang sabi.

Bakit nandito 'to?

"Oh?" tanging sambit ko. Bigla akong nawala sa mood.

"Wala man lang hi hello?" natatawa niyang sabi pero inirapan ko lang siya. "Hindi ka pa rin nagbabago. Briella."

"Ano bang kailangan mo?" irita kong tanong sakaniya habang siya ay nakangiti pa rin.

"Wala naman. Gusto lang kitang makita at makausap, bawal ba?" ngisi niyang tanong din saakin.

Gago.

"Miss, okay na lahat" tawag saakin ni kuyang nagp-print kaya kinuha ko na ang bag ko at nagsimula ng maglakad. Nilagpasan ko lang siya at hindi na kinausap pa.

Umiinit dugo ko.

"Magkano po lahat?" tanong ko kay kuya ng makarating ako sakaniya.

Inabot niya naman saakin ang mga papel kaya kinuha ko 'yon at nilagay sa bag. Hindi naman malulukot 'yon dahil nakalagay sa folder at wala namang masyadong laman ang bag ko.

Class ZKde žijí příběhy. Začni objevovat