Chapter 22

481 19 1
                                    

Xandra

"Ang lalim ng iniisip mo sis" bulong ni sky sa 'kin kaya agad akong bumalik sa reyalidad. "Okay ka lang ba? Bakit balisa ka?"

"Okay lang ako." ngumiti ako sakaniya ng pilit at tumayo na. "Tapos na ako." lumingon naman sila saakin at ngumiti.

Hindi ko sila magawang ngitian pabalik dahil sa mga naisip ko.

Sino ba talaga kayo?

Anong meron sainyo?

Bakit kayo kinakatakutan?

Bakit parang may tinatago kayo sa 'kin?

Dinala ko ang plato ko at nilagay sa sink. Ang dami kong tanong sa isip ko pero hindi ko magawang itanong sakanila.

Alam ko naman na hindi nila sasagutin ang tanong ko kaya bakit pa ako mag aaksaya ng laway sa kakatanong kung in the first place ayaw nilang sabihin sa 'kin ang totoo?

Sa sobrang pag iisip ko tungkol do'n ay may nakabunggo na pala ako at nahulog ang dala dala niyang plato kaya naman nabasag 'to.

Umupo ako para ipunin 'yong mga nabasag sa sahig para hindi na kumalat.

"Don't touch-- shit! Your hand is bleeding!" napatingin ako sa kamay ko at hindi ko na malayan na dumudugo na pala 'to.

Gano'n na ba ako kalutang sa kakaisip at hindi na namalayan na nasugatan na ako?

Napatingin naman ako sa kumuha ng kamay ko at ngayon ko lang napansin na si hades pala 'yong naka bunggo ko.

Pinatayo niya at hinila papuntang sala. Inutusan naman niya si sky na kumuha ng first aid para gamutin ang sugat ko sa kamay.

"I already warned you but fuck you're so hardheaded!" pasigaw niyang sabi at galit pa ata. Galit ba siya dahil nabasag ko 'yong plato?

"Chill ka lang hades, aksidente lang naman 'yon. Eto na 'yong first aid" binigay sakaniya ni sky ang dala dala niyang first aid at agad naman niya 'tong kinuha.

"Anong nangyari? Bakit sumisigaw si hades?" tanong ni jake kasama 'yong iba pa papunta sa direksyon namin.

"Shit bakit dumudugo 'yong kamay mo xandra?" sunod na tanong ni keven sa 'kin no'ng makita niyang dumudugo pa rin 'yong kamay ko.

"Oo nga. Anong nangyari?" sambit ni cyrus habang nakatingin sa sugat ko.

Walang sumagot saamin ni hades. Si hades kasi ginagamot na ang sugat ko. Kaya ako na lang ang sumagot.

"Hindi ko siya napansin kaya nag kabunggo kami at nahulog 'yong dala dala niyang plato kaya nabasag. Pinulot ko 'yong mga nabasag at hindi ko pala namalayan na nasugatan na ako." paliwanag ko sakanilang lahat na nandito sa sala.

"Teka ano?"

"Anong hindi namalayan?"

"Gano'n ka na ba kamanhid?"

"Paanong hindi mo namalayan eh masakit 'yon?"

"Oo nga ang laki pa ng sugat mo sa kamay"

"Ta's kanina kapa balisa"

"May sakit ka ba?"

"Gusto mo bang mag pahinga muna?"

"Kami na muna rito sa baba umakyat ka muna sa kwarto mo"

"Kaya na namin 'to"

"Pahinga ka muna"

Class ZWhere stories live. Discover now