Chapter 55

445 21 5
                                    

Xandra

"SHUT UP!!!"

Nagulat kaming lahat ng bilang sumigaw 'tong babaeng 'to. Sakit sa ears. May echo pa nga eh.

Pansin ko lang, hilig sumigaw neto.

Umiiyak siyang nakatingin sa kanila habang kaming dalawa ni cedric, nakatayo lang sa tabi no'ng girl.

Tahimik 'yong paligid at halos paghikbi na lang ng babae 'yong maririnig mo. Mga gago kasi sila eh.

Wala akong kinalaman d'yan ah. Sila lang nag-paiyak d'yan.

Maya-maya lang ay humarap samin si pick me girl. Muntik pa nga akong magtago sa likod ni cedric eh. Katakot mars.

Chaka.

Gulo-gulo make-up. 'Di man lang nagwater proof na mascara para kapag nabasa 'di kakalat.

Ayan tuloy, parang umiyak siya ng ink.

"Ikaw!" duro niya saakin kaya napataas 'yong isang kilay ko.

"Huwag mo kong dinuduro-duro magkatabi lang tayo" sabay tabik sa kamay niya.

Malditang 'to.

"Babalikan kita!" sabi niya at tinitigan ako ng masama.

"Buti ka pa, bumabalik" sagot ko sa kaniya habang nilalaro 'yong buhok ko.

Ex ko 'di na eh.

Joke onlyyyy

Huy jokey jokey lang mga mars hehe

Wala akong narinig na tugon mula sa kaniya kaya tinignan ko ulit siya. Nakatingin lang siya saakin ta's Inirapan din ako at tumakbo na palabas ng room.

Baliw yarn?

Maya-maya lang ay umingay na ang buong paligid. Nagtatawanan sila dahil sa ginawa nilang pang-aasar do'n kay pick me girl kinemerut.

Gago talaga 'tong mga 'to.

"Xandra"

Nagulat na lang ako ng may biglang bumulong sa tenga ko, kaya napaatras ako at napatingin kay cedrick na tumatawa.

Hayop na cedrick na 'to.

"Sasapakin kita tamo" inis kong sabi sa kaniya pero tinawanan niya lang ulit ako.

Lumapit siya saakin at sumenyas na may ibubulong daw siya. Pinagtaasan ko siya ng kilay pero lumapit na rin sa pwesto niya.

Wala namang mawawala eh.

"He's waiting for you outside" taka akong napatingin sa kaniya kaya bumulong ulit siya.

"Alex"

"HA?!!!!!!!!" hindi sinasadyang masigawan ko siya kaya nag peace sign ako. "Seryoso ka ba? Siya? Naghahanap saakin?" tumango naman siya bilang tugon.

Napairap naman ako sa hangin at hindi sinasadyang mapatingin sa harapan.

Tahimik silang nakatitig lahat saaming dalawa ng katabi ko at parang sinusuri kami kung ano ang pinag-uusapan namin.

Mga chismoso.

"Sino naghahanap sa 'yo?"

"Oo nga"

"Baka may kaaway ka ah"

"Labas kaming lahat d'yan"

"Ay, bad influence si xandra"

Class ZWhere stories live. Discover now