Chapter 12

509 19 1
                                    

Xandra

Nakapunta na kaming lahat sa room pero wala pa ring teacher. 3:24 pm na rin kasi nang makabalik kami rito.

Hindi pa ako nakakakain.

Ngumuso nalang ako dahil sa naisip ko. Nabugbog na nga ako kanina ta's hindi pa ako nakakain kinginang 'yan.

Napansin ko 'yong cellphone ko na umiilaw kaya agad ko 'tong kinuha. Tumatawag pala si mama.

Lumabas muna ako sandali sa room. Aalalayan pa nga sana ako ni keven pero sabi ko, kaya ko naman kaya ngumiti nalang siya.

"Hello ma?" sambit ko habang nakahawak sa railings.

"Hello xandra? D'yan ka muna kela sky ng 1 week anak, dahil aalis kami ni angel para pumunta sa tagaytay"

"Sige ma, enjoy kayo ro'n ah?"

"Ayoko nga sanang sumama dahil ayaw kitang iwan dito pero pinilit ako ni angel at sinabing sa bahay ka muna nila habang wala kaming dalawa"

"Pa'no naman si oreo?"

"Pinunta ko siya sa bahay nila sky, para naman may kalaro si princess do'n" huh? Sino si princess? "Aso nila anak"

"Kela sky ako uuwi ngayon?"

"Oo"

"Pero ano munang pangalan no'ng sinasabi mo sa 'kin no'ng nakaraang gabi?" pang aasar ko kay mama. Napalingon naman ako kay sky na nakikipag kulitan sa mga ugok.

"Malalaman mo rin. Oh sige na, iloveyou" si mama pabebe pa eh.

"Iloveyoutoo ma, ingat kayo ni mommy angel sa tagaytay ma"

"Bukas pa naman kami aalis. Pero mag iingat ka rin"

Pinatay niya na ang tawag kaya nilagay ko muna sa bulsa ng coat ko ang cellphone ko. Nanatili muna ako ng ilang minuto sa labas.

Princess pala ang pangalan ng aso nila. Pero ba't hindi ko nakita 'yon no'ng nakaraan?

Buti pa si oreo may lovelife na.

Pumasok na ako sa loob at pumunta sa pwesto ni sky. Nabaling naman ako tingin niya saakin at lumapit.

"Bakit?" tanong niya habang nakaharap saakin.

"Sainyo raw muna ako ng 1 week sabi ni mama" ngumiti naman siya.

"Yown!" ginulo niya ang buhok ko kaya inirapan ko siya.

Like duh? Ang hirap kayang mag ayos ng buhok ta's guguluhin niya lang?

Charot lang, bagsak na bagsak lang 'yong buhok ko kagaya ng aking grades jusko.

"Hoy ano 'yan!"

"Si sky dumadamoves oh!"

"Yari ka kay master!"

"Hoy skydra naglalayag!"

"Ang pangit naman ng pinangalan mo!"

"Anong pangit? Mas maayos pa nga 'yan kesa sa pag mumukha mong gago ka!"

Napailing nalang ako sa mga kalokohan nila. Si sky tawa lang ng tawa sa tabi ko.

Tuwang tuwa sa kalokohan namin eh.

Pumunta na ako sa upuan ko at nakita ko si cyrus na nakatingin sa 'kin.

Huh? Bakit? May dumi ba ako sa mukha?

Class ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon