Chapter 6

538 14 2
                                    

Xandra

Huminto kami sa isang kwarto at ibinigay niya saakin ang susi.

"Nilock ko 'yan kaya hindi agad makakapasok ang iba r'yan." aniya kaya tumango ako at ipinasok ang susi sa may doorknob. "'Yan ang totoong susi niyan at eto naman." pinakita niya saakin ang isang susi kagaya ng hawak ko. "Ang spare key, dalawa lang ang susi na meron para sa kwarto mo. Ang isa nasa 'yo at ang isa na saakin." tumango ako at binuksan na ang kwarto ko.

"Woah. Ikaw nag ayos nito?" tanong ko kay sky habang pinagmamasdan ang kwarto ko.

"Yup. Nagustuhan mo ba?"

"Syempre!" inakbayan ko siya sabay binatukan. "Para 'yan sa pang aasar mo sa room. Lalo na no'ng basang basa ako." dagdag ko at inirapan siya.

"Sorry naman ang epic kasi ng itsura mo eh HAHAHAHA"

"Manahimik ka!" naglakad ako sa buong kwarto ko. Grabe ang laki.

May walk in closet na kasing laki ng kwarto ko sa bahay namin. May mga damit na rin at sapatos. May cr na malaki at kompleto lahat sa loob. May study table at may malaking kama.

May bintanang malaki na kapag binuksan mo makikita mo agad 'yong labas ng bahay nila. Ang kulay ng kwarto ko ay black and white. 'Yong kurtina black and white rin.

"Paano mo nalaman 'yong gusto ko?" tanong ko sakaniya habang humiga sa kama.

"Si tita alexa nagsabi saakin na black and white raw ang design ng kwarto mo roon. Kaya ginaya kona lang." napatango naman ako. Infairness ang sweet maging kuya.

"D'yan ka lang, may kukunin lang ako." aniya at lumabas ng kwarto. Saan kaya pupunta 'yon? Mamaya titignan ko 'yong kwarto niya.

Grabe ang laki ng kwarto ko rito. Pero mukhang minsan ko lang magagamit dahil mas gusto ko pa rin sa bahay namin. Nakakahiya kaya.

"Oh" lumingon ako kay sky na nasa pintuan ko habang hawak hawak 'yong malaking stitch.

"Tangina ang cute!" hinablot ko sakaniya at niyakap 'yon. Si sky naman tawang tawa sa pinag gagagawa ko.

"Xandra." naging seryoso ang boses niya kaya umayos na ako. Ayoko rin namang masigawan 'no! Duh.

"Oh?"

"Gusto mo bang ipaalam sa buong Class Z na magkapatid tayo?" pinagtaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya.

"'Wag na. At bakit naman nila kailangan malaman?" tanong ko sakaniya. Nag kibit balikat lang siya. "'Wag na nating sabihin, hayaan mo silang pagkamalaman tayong mag jowa." natawa naman kami sa naisip namin kaya tumango siya. "G na g ka talaga sa kalokohan ah?"

"Syempre HAHAHAHA" at doon na ako may naalala.

"Sky"

"Bakit?"

"Anong meron sa Class Z?" tanong ko at doon na nawala 'yong kaninang saya.

"Sorry xandra" 'yon lang ang sinagot niya kaya hinayaan kona lang.

"Okay lang, tara na!" lumabas na ako ng kwarto pero agad din akong natigilan.

"Kung umalis ka sana agad sa Class Z, hindi ka sana madadamay." seryoso niyang sabi. Nakatalikod ako sakaniya pero nararamdaman kong nakatingin siya saakin.

Lumapit siya saakin at inakbayan ako. "Tara na!" ngumiti ako sakaniya at sinarado na ang kwarto ko.

Bumaba na kami at nakita naming nag aayos sila mama at tita angel sa dining table.

Class ZWhere stories live. Discover now