Chapter 3

599 21 2
                                    

Xandra

As always wala na namang pumasok na teacher saamin, maliban kay sir marc. Siya lang ata masipag na teacher na pumapasok saamin eh.

"So kamusta na 'yong ligo mo kahapon xandra?" pang aasar saakin ni sebastian.

"Sapak gusto mo?" tinaas ko ang kamay ko at pinakita sakaniya ang kamao ko.

"Chill, nagtatanong lang naman."

"Sabi ko kasi sa 'yo xandra, 'wag kang gagawa ng hindi niya magugustuhan, ayan tuloy." sabat naman ni oliver.

"Wala naman akong ginawa ah?" tatlo lang kami rito sa labas ng room, nag uusap.

Masyado kasing maingay sa loob at idagdag mona 'yong demonyo.

"Sinagot sagot mo siya 'di ba?" dagdag ni sebastian habang kumakain ng beng beng.

"Oh? Siya may kasalanan."

"Goodluck sa 'yo. Sana magtagal ka talaga rito xandra." sabi saakin ni oliver na nakikagat sa beng beng ni sebastian.

"Ano ba kasing meron sa section natin? At bakit eto lang nakahiwalay?" tanong ko sakanila. Pero parang wala silang narinig kaya inirapan ko sila.

"Tara na sa loob." pumasok na kaming tatlo sa loob at sakto namang nagkaharap kami ni hades.

Umalis ang dalawa sa gilid ko at umupo na sa upuan nila. Bali kaming dalawa nalang ang nasa harapan, nakatingin ako sa mga ugok na 'yon na tahimik lang na nakatingin saamin. Habang si hades naman ay nakatingin saakin.

"I'm absolutely aware that i'm gorgeous Mr. Hades. So stop staring." napangisi ako dahil sa naisip kong kalokohan.

"Eyy! HAHAHAHAHA"

"Bumabawi si xandra!"

"Xandra! Xandra!"

"Lumalaban ang manok ko!"

"2k ako kay xandra!"

"2k? Hina mo! 5k kay xandra!"

Tumikhim si hades kaya natahimik sila. Para silang mga sisiw na nahulog sa kanal.

Lumapit lalo si hades saakin kaya napaatras ako ng konti. Ngumisi siya saakin at tumigil sa paghakbang.

"Bakit ka nandito?" nagtataka akong tumingin sakaniya dahil sa tanong niya.

Ano na naman ba ang ginawa ko at palagi nila akong tinatanong?!

"Pake mo?" umalis ako sa harapan niya at papunta na sana sa upuan ko ng matigilan ako sa sinabi niya.

"Hindi mo ba alam na, ang nag iisang babae na nandito noon ay namatay 2 years ago." hindi ako humarap sakaniya pero ramdam kong nakangisi siya.

Ang buong paligid din ay natahimik. 'Wag kang maniwala xandra, tinatakot ka lang niya at plano kang paalisin.

"Kung sinasabi mo 'yan para takutin ako at paalisin dito. Pwes hindi gagana 'yan, hindi ako aalis." nagsimula ulit akong maglakad hanggang sa tuluyan na 'kong natigilan.

"At sinong nagsabi na tinatakot lang kita?" lumapit siya saakin ngunit nanatili lang akong nakatalikod. "Kung ayaw mong maniwala Ms. Xandra, ikaw ang bahala. Pero 'to ang tatandaan mo. Ang lahat ng malalaman mo tungkol dito ay totoo." umalis na siya sa likod ko at bumalik sa upuan niya. Nanatili lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko kanina.

"Xandra." napatingin ako kay cyrus na siyang tumawag saakin kaya umupo na ako sa tabi niya.

"Cyrus. Totoo ba?" hindi siya nagsalita at nanatili lang siyang nakatingin saakin. "Please gusto kong malaman." buntong hininga lang ang sinagot niya kaya wala akong magagawa. Hindi ko siya mapipilit, kung ayaw niya ayaw niya talaga.

Class ZWhere stories live. Discover now