Chapter 43

422 18 2
                                    

Xandra

"Table for two po?" tanong saamin ng babae na sumalubong saamin habang papasok kami rito sa wings resto.

Hindi ate. Table for three may kasama pa kaming hindi mo nakikita.

"What do you think?" walang ganang sabi ni hades sa babae kaya medyo nawala 'yong ngiti ng babae at bahagyang napayuko.

"A-ah yes! Table for two! This way maam, sir" pilit na ngiting sabi niya saamin dalawa habang ako ay pasimpleng tumatawa.

Nakasunod lang kami kay ateng nabara ni hades. Medyo maraming tao pero hindi naman puno.

"Hades libre mo 'di ba?" tanong ko sa katabi ko na tila bagot na bagot.

"Kanina mo pa tinatanong 'yan." masungit na sagot niya saakin kaya napairap ako.

"Better to be safe than sorry duh!" pataray kong banat sakaniya.

"Then pay for your food." ngisi niyang sabi kaya umayos na ako.

"Kidding, joke, charot, biro lang" ngiti kong sabi sakaniya habang naka peace sign pa pero tinaasan niya lang ako ng kilay at umiwas na ng tingin kaya napanguso ako.

Porket mayaman, mayabang.

"Here maam, sir" huminto kami sa paglalakad nang makarating na kami sa pwesto namin. Tumango lang si hades at umalis na ang babae.

Nauna na akong umupo dahil nangangalay na ako. Nakakapagod mag lakad lalo na kung amoy pagkain sa loob.

"Hades order na" sabi ko sakaniya nang makaupo na kami parehas. Hindi kasi ako pamilyar sa iba pang putahe. Kapag ako kasi um-order kung ano lang 'yong nagustuhan ko ro'n, 'yon lang io-order ko.

"What's yours?" tipid na tanong niya saakin habang nakatingin sa menu.

"Kahit ano basta pagkain" tumango na lang siya bilang tugon.

Hindi kaya napapanis laway nito?

Kinuha ko muna 'yong cellphone ko sa may bulsa ng coat ko. Iniwan ko kasi sa loob ng kotse niya 'yong bag ko. Alanga namang dalahin ko pa rito eh sabay naman kaming uuwi mamaya.

Hindi ako magbabasa ngayon dahil maglalaro ako. Kahit naman kasi kausapin ko 'tong kasama ko puro tango lang ang sagot.

Practice lang ako ngayon dahil baka mamaya dumating na 'yong pagkain namin. Gamit kong baril ngayon shotgun kasi mas malaki ang damage niya lalo na kung tama 'yong attachment mo.

Tinuruan ako ni cyrus kanina nito bago kami maglaro. Sinabi niya saakin 'yong tungkol sa mga baril, attachment, etc. Kahit ako naadik na rito eh. Dapat pala naglaban kami ni sky no'ng niyaya niya ako maglaro.

1v1, syempre ako ang mananalo kapag naglaban kami. Subukan niya lang patayin ako, papatayin ko siya in real life.

Charot.

Para nga pala sa kapwa kong mga bobo maglaro 'no. Eto nag motto natin.

KUNG HINDI KA MAGALING MAGLARO DAPAT MAGALING KANG MANG TRASH TALK.

Syempre maraming trashtalker kapag online games eh. Papayag ka bang insultuhin ka? Hindi 'di ba? Kaya kailangan mong maging magaling na trashtalker.

Hindi ka man magaling maglaro atleast natalo mo siya sa pagta-trashtalk. Pero kung magaling siya parehas, barilin mo in real life para madala.

"Xandra"

"Hmm?"

"Eat" napatingin ako sa lamesa at mare heaven! Ang daming pagkain.

Agad akong nag quit sa laro at tinago na ang cellphone ko sa coat ko. Syempre sinuot ko muna 'yong plastic gloves bago kumuha ng manok.

Iba't iba ang flavor na meron kami kaya na-excite akong kumain. May fries din at iba't iba
ang flavor. Kapag kasi um-order ka rito, kung ano 'yong flavor ng order mo, 'yon din ang flavor ng fries mo.

"Bakit andami?" tanong ko sakaniya at kumagat ng manok. Mare ang sarap pala nito, ngayon ko lang natikman 'to eh.

Palibhasa isang flavor lang kinakain ko.

"Halata namang gutom ka" tipid na sabi niya at kumain na.

"Sungit. Buti pa si kayi~" pang-aasar ko sakaniya. Nakita ko naman na humigpit ang pagkakahawak niya sa manok.

Kawawang manok.

"Kumain kana lang puro ka daldal." masungit na sagot niya saakin kaya imbis na mainis ako, ay napangisi pa ako.

Epektib mga mare.

"K."

Tumuloy na ako sa pagkain ko at tinikman lahat ng flavor na meron dito. Mamaya na 'yong fries take-out ko 'yon. Siya naman magb-bayad eh.

Lesson learned. Magtropa kayo ng mayaman para laging libre.

Charot 'wag. Ang pangit naman kung kinaibigan mo lang dahil mayaman siya 'di ba. 'Wag niyo akong tularan okey? Charot.

Anyways may trivia ako. No'ng nag figure skating pa ako, hindi ako nakakakain ng ganito o kaya marami. Kailangan kasi sumunod ka sa schedule ng pagd-diet mo. Pansin niyo kapag may nagp-perform na figure skater yong mga katawan nila payat o minsan sakto lang?

Kapag kasi gusto mong maging isang figure skater, required talagang magdiet o kaya balance 'yong katawan mo. Mahirap mag skate kung 'yong katawan mo med'yo mabigat, hindi mo mac-control kaya baka maaksidente kapa.

Maiiyak kana lang talaga kapag hindi mo nakakain 'yong mga gusto mo eh. Pero ngayong hindi na ako figure skater, nagagawa kona 'yong mga hindi ko nagagawa noon. Nakakain kona 'yong mga gusto ko na hindi napapagalitan.

So back to manok tayo mga mare. Naka anim na manok na ako dahil sobrang sarap talaga. Lasang lasa mo talaga 'yong flavor niya. Pero kasi halo-halo na 'yong flavor sa bunganga ko dahil iba't ibang manok 'yong kinakain ko.

Lowkey mixer.

"Hades bakit hindi mo kinakain 'tong buffalo flavor?" tanong ko sa kasama ko. Lahat kasi kinakain niya maliban sa buffalo.

"Hindi ko gusto." maikling sagot niya lang.

"Tangek! Tikman mo masarap!"

"Ayoko."

"Natikman mo na ba?" umiling lang siya. "Tamo mo na! Tikman mo muna kasi!"

"Ayoko nga"

"Dali na! Arte oh."

"No."

"Yes"

"No."

"Oh dali!" tinapat ko sa bunganga niya 'yong kinuha kong manok. Hindi 'yong isang buong manok ha! 'Yong kurot lang sa laman gano'n!

"Ayoko"

"Isa! Ang arte!"

"Kumain kana lang d'yan."

"Dalawa!"

"Tss."

Napangiti naman ako ng isubo niya 'yong manok na hawak ko. Dapat pala isang buong wing chicken pinakain ko sakaniya.

"Aray ko gago!" agad kong binawi ang kamay ko at napahawak sa daliri kong kinagat niya.

Oo kinagat niya! Sinasadya niya talaga!

"Ay paepal." inis kong sabi sakaniya pero nginisian niya lang ako at tumuloy na sa pagkain.

Napairap naman ako at hindi na siya pinansin. Gago ang sakit no'n. Tumuloy na rin ako sa pagkain at baka maubusan pa ako.

Nakakapikon kana talaga hades. Sa susunod lilibing talaga kita ng buhay. Nakakagigil kang hinayupak kang gago ka.

Class ZWhere stories live. Discover now