Chapter 14

495 17 1
                                    

Xandra

Nandito ako ngayon sa kwarto ko nakahiga. Nang makauwi kasi kami kanina sa bahay nila sky, wala pa si mommy angel kaya nauna na kaming kumain ni sky. Si papa naman daw nag out of town dahil sa trabaho niya at next month pa siya makakauwi.

Bali dalawa lang kaming naiwan dito sa bahay. 7:30 na nga kami nakauwi dahil may pinuntahan pa siya. May bibilihin daw.

Napagkamalan pa nga kaming mag jowa habang naglilibot kanina sa mall eh.

Issue.

Pagod ako pero hindi ako makatulog? Kanina ko pa nga pinipilit matulog, sa totoo lang. pero tuckseal ang mata ko kaya hindi ako makatulog.

Eh kung puntahan ko na lang kaya si sky at guluhin ko siya roon sa kwarto niya? Gising pa naman 'yon eh.

Oo tama.

Tumayo na ako sa pag kakahiga at lumabas ng kwarto ko. Katabi lang naman ng kwarto ko 'yong kwarto niya eh.

Nang makarating ako sa pintuan niya kumatok muna ako ng tatlong beses. Hindi naman ako basta basta pumapasok 'no, mamaya naka anes lang siya eh.

"Pasok!" binuksan ko naman ang pintuan niya at tinignan siyang nag lalaro sa computer niya.

Napalingon siya saakin saglit at ibinalik niya na ang tingin sa computer. Pumunta ako sa kama niya at doon humiga.

"Can't sleep eh?" aniya habang nag lalaro ng barilan. Basta hindi ko alam pangalan.

"Obvious naman 'di ba?" inirapan ko siya kahit hindi niya nakikita.

Auto rolled 'yong mata ko eh bakit ba.

"Laro na lang tayo, wala namang pasok bukas eh" yaya niya sa 'kin pero hindi pa rin siya lumilingon sa direksyon ko.

Adik.

At oo walang pasok bukas dahil sabado. 1 week akong walang natutunan doon, puro kalokohan lang nila.

"Ayoko, pinipilit ko ngang matulog ta's yayayain mo ako" natawa naman siya sa sinabi ko.

"C'mon wala namang pasok bukas eh" pag pipilit niya sa 'kin.

Umupo ako sa kama niya at tumingin sa direksyon niya na katatapos lang mag laro. Victory pa nga eh.

Humarap siya sa 'kin at tinanggal ang headset sa leeg niya.

"So bakit hindi ka pumayag sa parusa ni hades? Madaya ka kamo" inirapan ko ulit siya.

"Yaman yaman niya ta's mag papabili siya sa 'kin"

"Pero parusa mo 'yon" tinignan ko siya sa mata at pinagtaasan ng kilay.

"At kinakampihan mo pa 'yong gagong 'yon?" umiling naman agad siya.

"Hindi ah! Tinatanong ko lang HAHA" pilit siyang tumawa habang nakasandal sa gaming chair niya. "Oo nga pala..."

"Oh?"

"Pupunta sila rito bukas" tinaasan ko naman ulit siya ng kilay. "Lagi silang tumatambay dito kapag walang pasok" wala ba silang bahay at dito sila tumatambay?

At bakit ba naiinis ako eh hindi ko naman 'to bahay?

"Hayaan mo sila" tumango tango naman siya.

"Paniguradong magugulat na naman 'yong mga 'yon kapag nakita ka rito" oo nga pala hindi pa rin namin sinasabi sakanila.

Pero si hades mukhang alam niya na, ewan ko kung paano niya nalaman o baka naman agad niyang napansin 'yong last name naming dalawa.

Class ZWhere stories live. Discover now