Chapter 16

497 14 2
                                    

Xandra

"ANO?!!! MAG KAPATID KAYO?!!!" pasigaw nilang tanong. Take note sabay sabay pa nga.

Maliban sa demonyong nakatingin lang saamin.

"Oo. Sa ama lang" napa ahh naman sila sabay tumango.

"Akala ko pa naman may kasangga na si master"

"Ako rin eh"

"Lubog ang skydra"

"Maganda naman si xandra eh. Gusto mo ligawan kita xandra?"

"Kadiri ka sebastian"

"Selos ka naman bebe oliver"

"Iw"

"'Wag kayong mag alala mga dre hindi ko liligawan si xandra. Ayoko pang mamatay"

"Awit umasa pa naman ako na mag lalayag ang ship ko"

"Tapos mag kapatid pala sila, kaya naman pala close"

"Hindi ko nga napansin sa last name nila eh"

"Ako rin, ngayon lang. Parehas garcia"

"Kasi siguro parehas sila ng tatay 'no, Cywell?"

Hindi ko sila pinansin at nilaro laro na lang sila oreo at princess.

Nandito kami ngayong lahat sa sala nanonood sila sa netflix. 2:15 pm na kasi nang matapos sila sa pag huhugas. Ang tatagal kasi nilang kumain.

"Anong oras kayo uuwi?" tanong ko sakanila pero hindi ko pa rin sila nililingon.

"Huh? Hindi kami uuwi" sagot ni keven sa 'kin. Napalingon naman ako sakaniya at pinagtaasan siya ng kilay. "Woah chill! Sky ikaw nga mag sabi, parang papatayin ako ni xandra eh" natawa naman si sky at inakbayan ako.

"Dito sila mags-stay for 1 week dahil wala rin naman tayong makakasama kaya pumayag na ako" tumango na lang ako at tumayo na habang karga karga ang dalawa kong alaga.

"Aalis pala ako, ikaw muna bahala sa dalawang 'yan" binigay ko kay sky ang dalawa at naglakad na papuntang hagdanan.

"Teka saan ka pupunta?!" tanong sa 'kin ni sky pero hindi ko na siya pinansin at nag tuloy tuloy na sa pag akyat.

1 week ko pa lang makakasama ang mga ugok dito. Hindi na ata kami pinag hiwalay ng tadhana.

Pumasok na ako sa kwarto ko at dumiretso sa cr para maligo. Aalis nga kasi ako.

Habang naliligo ako iniisip ko na kung saan ako pupunta dahil biglaang alis lang naman 'to. Ewan ko ba sa katawan ko at biglang nag yaya ng gala.

Id-date ko ang sarili ko.

Ah! Pupunta na lang ako sa ayala para mag libot libot at tumambay sa river walk.

Hapon naman na kaya malilim na roon sa pwesto ko. Sana nga walang nakatambay doon eh.

Madalas kasi roon nagpa-practice 'yong mga dancer kaya minsan pinapanood ko sila. Sa kakapanood ko nga sakanila inaabot na ako ng gabi minsan.

Kapag gabi naman, mahangin do'n at malamig ang simoy ng hangin. Kapag nauhaw ka o nagutom konting lakad mo lang nandoon ka na agad sa iba't ibang resto. Kung gusto mo naman ng chichirya pumunta ka sa puregold dahil mura lang lahat ng chichirya roon.

Ang kaso lang malayo ang bahay nila sky sa ayala. Pero meron namang taxi na dumadaan dito kaya magta-taxi na lang ako papunta ro'n.

After 30 minutes na pag iisip ko kung saan ako pupunta habang naliligo ay natapos na rin ako at nagpatuyo ng katawan.

Class ZWhere stories live. Discover now