Chapter 29

429 14 1
                                    

Xandra

Puro discussion lang si sir ngayong araw at wala siyang binibigay na quiz. Paano ba naman kami magq-quiz kung walang pumapasok na ibang teacher saamin noon?

At dahil hindi ako nakakain ng lunch kanina, kinain ko na lang 'yong isang chocolate. May letter din siya pero hindi ko siya binasa at nilagay na lang sa loob ng paper bag para mamaya ko na babasahin.

Wala naman siyang lason kaya safe naman. Pinatikim ko muna kay cyrus kanina kung may lason eh.

Better to be safe than sorry.

"Class Z, lalabas muna ako." tumango naman kaming lahat kay sir at lumabas naman siya.

At doon na nga nag simula ang gera. Lintek kahit saan kami ilugar maingay pa rin ang mga gago.

"Xandra sino nag papabigay niyan sa 'yo?" tanong ni jake saakin kaya napunta naman ang atensyon nila saaking lahat at inaantay akong sumagot.

"Malay ko. Kita mong tinanong ko rin sa nag abot 'di ba?" inirapan ko siya at binatukan naman siya ng mga ugok dahil sa obvious niyang tanong.

"Hindi ka ba nakikinig sakanila?"

"Halatang chismoso si oliver eh"

"Tinanong ni xandra 'di ba? Pero hindi siya sinagot"

"Gago eh"

"Nakikipag daldalan kasi kay ian eh"

"Ba't ako?"

"Painosente kang gago ka"

"Sabi ni xandra saakin kanina, hindi raw natin siya binigyan ng chocolates no'ng valentines" sabat naman ni cyrus kaya napatingin ako sakaniya at sinamaan siya ng tingin pero kinindatan niya lang ako.

May balak 'to na masama.

"Ay shit oo nga"

"Ehem galaw galaw"

"Oo nga, nauunahan eh"

"Wala lubog"

"LubooooOooooog"

"Nakalimutan namin xandra eh"

"Sorry na mommy"

"Anong mommy ka d'yan jace? Ampon ka lang gago"

"Wow hiyang hiya ako sa napulot lang sa basurahan."

"Away na 'yan!"

"Kay jace ako!"

"Kay keven ako wantawsan"

"Wala ka pala sa manok ko keven eh"

"Panis!"

Napairap na lang ako sa hangin at nag paalam kay cyrus na lalabas lang muna para mag cr bago tumayo. Hindi na nila ako pinansin dahil nag away away na sila roon kaya tuluyan akong nakalabas sa room. Hindi ako pupunta ng cr eh, pupunta ako sa likod ng campus dahil mas tahimik do'n at may memories pa ako ro'n duh.

Makita ko lang ulit 'yong tatlong 'yon, kakatayin ko sila ng buhay mga letche sila. Maka hampas sa 'kin akala mo may ginawa akong mali sakanila. Kingina dinamay pa akong walang alam sa nangyayari.

Kairita eh ginawa akong human punching bag. Eh kung sakanila ko kaya gawin 'yon? Na h-highblood na naman ako ha.

Ilang minuto pa'y nakarating na ako sa likod ng campus at humanap ng pwesto ro'n para tumambay. Mabuti na lang pala at may lumang playground doon kaya nakahanap ako ng mauupuan. May kalawang pero keri naman, hindi naman siya sumasama sa uniform ko. Hindi rin naman kasi halatang may kalawang dahil itim ang uniform namin dito.

Hindi pa man nag iinit ang pwet ko sa inuupuan ko ng biglang may nag salita galing sa kaliwa ko.

"Kita mo nga naman, nag kita ulit tayo" ngising sambit no'ng lalakeng humampas ng baseball bat sa 'kin at kasama naman ang dalawang alipores niya.

"Oh?" 'Yon lang ang sinabi ko at tumayo sa harapan nila.

"Yabang ah?" sabat naman no'ng isa.

"Ako lang 'to." ngising sambit ko sakanila.

"Aba gago ka--" akman susuntukin niya na ako ng inunahan ko na siya.

"Mas gago ka tanga." sinuntok ko siya sa mukha at tyan, dahilan upang matumba siya sa damuhan.

"Tangina matapang!"

Sunod namang sumugod 'yong dalawa at akmang susuntukin ulit nila ako ng maiwasan ko ito at agad silang pinagsusuntok sa mukha at saka tinadyakan hanggang sa maupo sila sa damuhan kasama no'ng naunang sumugod.

Sus weak naman pala.

Nang makita kong hinang hina na sila at napapa ungol na sa sakit sa damuhan ay may nakita naman akong kahoy, kaya agad ko itong kinuha at pinag hahampas sakanila.

Call me psychopath pero bumabawi lang ako sa mga ginawa nila. What i get is what you get too. Hindi pwedeng hindi ako makabawi.

Habang pinag hahampas ko silang tatlo ay puro daing na lang ang naririnig ko sakanilang tatlo. Nang masatisfied na ako sa ginawa ko ay tinigilan ko na sila at tinapon ang hawak hawak kong kahoy. Nakita ko naman ang itsura nilang puro pasa sa mukha at nang hihina na.

Buti nga.

"Isang beses pa na mag kita tayong tatlo, hindi lang 'yan ang maaabot niyo, mga WEAKSHIT." iniwan ko na silang tatlo roon na nakahiga at pumunta na sa building namin.

Napatingin naman ako sa relo ko at nakita kong 2:17 pm na pala, malapit na mag uwian.

Uwing uwi na ako kahit kakapasok ko lang kanina. Yari rin ako kay sir nito dahil anong oras na akong bumalik.

Sabi ko gusto kong mag pahinga at pumunta sa tahimik na lugar pero kita mo nga naman. Mapag laro ang tadhana at hindi ako hinayaang makapag pahinga.

Pero okay lang, atleast nakabawi na ako sa mga pinag gagagawa nila sa 'kin no'ng mga nakaraang araw. Mga weakshit naman pala sila. Partida tatlo pa sila no'n. Kung hindi lang ako piniringan at tinalian no'ng mga oras na 'yon eh baka napatay ko na sila.

Nakarating na ako ng Class Z at sakto namang wala pa si sir kaya safe. Pumunta na ako sa pwesto ko at umupo ro'n para mag pahinga saglit.

"Tagal mag cr ah?" sambit ng katabi kong si cyrus.

"Hindi mo naman sinabi na inaantay mo pala ako." sarcastic kong sabi at napairap na lang sa hangin.

"Accept mo mga friend request namin hoy" dagdag niya pa.

"Maya" tipid kong sagot at pinaglaruan ang ballpen na hawak ko.

"In-add ka namin sa gc eh, tignan mo mamaya ah?" tumango na lang ako dahil pagod ako dahil sa nangyari kanina bwiset kasi 'yong tatlong 'yon.

Kung hindi nila ako inunahan edi hindi ko rin sila ginalaw at hindi nila inabot 'yong gano'ng itsura.

Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko naman si cyrus na tahimik na nakayuko sa lamesa niya. 'Yong iba naman nasa harapan at nag babangayan. Lagi naman.

Class ZWhere stories live. Discover now