Chapter 49

414 18 6
                                    

Xandra

"Antagal ha" sambit ko habang tinutulungan ko siyang ilatag 'yong binili niyang pagkain sa sahig.

Oo sa sahig lang. Dito lang naman kami sa building namin second floor sa may malapit sa hagdanan.

"Sorry madaming tao eh" awkward siyang ngumiti.

"Btw komportable ka ba sa ganito? Oh baka gusto mong sa iba na lang tayo pumwesto?" tanong ko sakaniya at sumubo na ng pagkain.

Gutom na ako eh.

"Huwag na, okay lang saka kumakain ka na eh" natatawa niyang sabi kaya ako naman ngayon ang ngumiti sakaniya at nag peace sign.

Natawa naman siya at kumain na. Sakin kasi Fried Chicken w/ rice & fries, sakaniya gano'n din pero ibang flavor lang 'yong chicken. Syempre matik na 'yong drinks duh!

"Huy 'di ba bet mo si sebi?" nabulunan naman siya sa sinabi ko kaya natawa naman ako.

Tinawanan ko muna siya bago bigyan ng tubig.

"B-bakit naman ayan agad topic?" ubo-ubo niya pang sabi pero tinawanan ko lang siya.

"Wala lang. So 'di ba bet mo nga?" tanong ko ulit sakaniya.

Dahan-dahan naman siyang tumango kaya napangiti ako ng may balak. HAHAHAHA charot.

"Gwapo?"

"O-oo"

"Maganda katawan?"

"A-ata?"

"Mabango?"

"Oo naman!"

Napatigil ako saglit ng mag-iba ang tono ng boses niya pero maya-maya lang ay napangiti na 'ko ng nakakaloko.

Tignan natin kung hanggang saan ka tatagal.

"Maganda mata?"

"Oo"

"Matangos ilong?"

"Naman"

"Personality?"

"'Yon nga ang gusto ko s-sakaniya"

Napangiti naman ako. "Oh narinig mo 'yon?" sambit ko at nagsimula na ulit kumain.

Nagtataka naman si scythe sa sinabi ko pero tinaasan ko lang siya ng kilay at nginitian.

"Alam ko naman na gwapo ako" sagot ni sebastian kaya napatigil sa pagkain si scythe at nanigas sa kinauupuan.

Habang ako ay tumawa lang habang kumakain. Anong gagawin mo ngayon scythe?

Umupo si sebastian sa tabi ko at nginitian si scythe. Namula naman siya at umiwas ng tingin kaya mas lalo pa akong natawa.

"Weh parang kanina lang sinasamba mo na 'tong katabi ko ah" pang-aasar ko sakaniya at mas lalo naman siyang namula. "Hoy sebi kakatayin kita, bumili ka ng sayo. Binili sakin 'to ni scythe" dagdag ko at iniwas ang pagkain ko sakaniya.

Class ZWhere stories live. Discover now