Chapter 38

429 17 1
                                    

Xandra

Kanina pa nagd-discuss si sir para sa exam sa friday medyo nagets ko naman 'yong iba kaya kaya ko naman siguro 'no?

Charot.

Hindi ko alam kung kanino ako nag mana eh. Matalino naman 'yong mga magulang ko pero kinalabasan nagkaro'n sila ng anak na bobo.

Ampota.

Habang nagsasalita si sir sa harap napatingin ako kay ian na tahimik lang na nakatingin sa bintana. Himala natahimik. Siya pasimuno ng mga kaingayan dito eh.

Tinitignan ko lang siyang nakatingin sa may bintana. Wala lang first time niya kasing nanahimik sa room.

"That's all for today, pwede na kayong mag lunch." sabi ni sir kaya naputol ang tingin ko kay ian na natahimik pa rin. "Don't forget the exam Class Z!" dagdag pa ni sir bago umalis.

Nagsi ingayan naman ang mga ugok ng makalabas na si sir. Habang si ian ay parang walang narinig at tahimik lang na nakatingin sa may bintana.

"Gutom na 'kooooo"

"Bili ka nga"

"Si cywell utusan mo"

"Bakit ako? Ikaw inutusan d'yan!"

"Arte"

At nagsimula na nga silang mag away dahil sa lintek na utos na 'yan. Kinalabit ko naman si cyrus kaya dumilat siya't tumingin saakin habang nakayuko pa rin.

Hindi ba sumasakit likod nito?

"Cyrus, anong meron kay ian ngayon?" tanong ko sakaniya. Mukha naman siyang naguluhan kaya sinilip niya ang pwesto ni ian.

"Baka may iniisip lang 'yan" sagot niya't humikab.

Tagal naman niyang nag isip.

"Bakit mo natanong?" dagdag niya.

"Wala lang. Nakakapanibago kasi, siya 'yong nagsisimula ng ingay dito pero ngayon siya na 'tong tahimik." sambit ko at nilaro laro ang ballpen ko.

"Maya maya iingay din 'yan, 'wag kang mag alala" aniya kaya tumango na lang ako bilang tugon. "Hindi ka pa ba kakain?" dagdag niya.

Sasagot na sana ako ng may narinig akong sumigaw malapit sa room namin kaya napatingin ako sa may pintuan.

Natahimik ang paligid ng makita nila si kayi na nakatayo sa room namin. Wala na uminit na naman mga dugo nila.

"Babe!" aniya at akmang lalapit na sana siya sa pwesto ko ng harangan siya ni hades.

"Anong ginagawa mo rito?" seryosong tanong ni hades sakaniya.

Umayos ng tayo si kayi bago sumagot at ngumiti. "Si xandra ang pinunta ko rito hades." aniya habang seryoso ang tono ngunit nakangiti.

Bigla akong kinilabutan dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Ewan ko pero tuwing tinatawag niya ang pangalan ko ng seryoso ang tono hindi ko maiwasan na hindi matakot.

Pangalawang beses na 'to.

Oh baka naman nasanay lang ako sa pag tawag niya saakin ng "babe"?

"Bakit mo naman pupuntahan si xandra?" tanong naman ni sky sakaniya.

"Sup sky! Okay ka na pala? Bilis ah?" sambit ni kayi na tila nang aasar.

"Asshole." tanging sabi lang ni sky sakaniya.

Ngumisi si kayi ng makita ang reaksyon ni sky at tumingin kay hades. Habang kami ay nanonood lang sa tatlo.

Class ZWhere stories live. Discover now