Chapter 5

535 21 1
                                    

Xandra

"Anong bang problema mo hades! Alam mo ng namumutla siya binato mo pa ng bola!" sigaw ni sky kay hades. Pero si hades nanatili lang nakaupo.

"Eh ano bang pake mo?" tanong naman sakaniya ni hades habang naka ngisi.

"Gago ka pala eh!" sinuntok ni sky si hades kaya naman sinuntok din siya ni hades.

Agad pinigilan ng iba si hades at sky pero ayaw pa ring magpaawat ng dalawa. Patuloy lang sila sa pagsasapakan hanggang sa dumugo na ang labi ni sky.

Agad akong lumapit kay sky at inawat siya. Nilayo ko siya kay hades at pinakalma.

"Sky! Kalma ka muna!" hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin ng masama kay hades na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin. "Sky! Okay lang ako! Kumalma ka muna!"

Natuon ang atensyon niya saakin at ang kaninang galit na galit na sky ay napalitan ng nag aalalang sky.

"Shit! Bakit nandito ka?! 'Di ba dapat nasa clinic ka?!" hinawakan niya ako sa balikat at sinuri kung okay lang ba ako.

"Chill ka lang sky, okay na ako. Kumalma ka." ngitian ko siya at inakbayan. Hindi ko pinansin ang ibang nakatingin saamin. "Tara gagamutin kita." lumabas kami ng room pero nanatili lang akong naka akbay sakaniya.

"Bakit ba sobra kang nag aalala saakin sky? Okay lang naman ako eh, bola lang 'yon. Baka naman hindi niya sinasadya?"

"Sinadya niya 'yon xandra!" napalakas ang pagkakasabi niya kaya natigilan ako. "I'm sorry. Uwi na muna ako." dagdag niya at nauna nang maglakad.

"Teka sama ako!"

"Hindi pwede."

"Please?" bumuntong hininga siya at hinila ako papuntang parking lot.

Huminto kami sa isang kotse na itim. Grabe ang angas. Yaman pala nito? "Sa 'yo 'to?" tanong ko sakaniya habang nakaturo sa kotse.

"Oo. Sakay." sumakay na agad ako dahil ang init sa labas 'no! Kaloka! "Xandra. Gusto mo bang malaman ang dahilan kung bakit ako nag aalala sa 'yo kahit no'ng nakaraan lang tayo nagkasama?" napalingon ako sakaniya pagkatapos kong nagseatbelt.

"Depende sa 'yo, baka kasi ayaw mong sabihin kaya okay lang din naman."

"Totoo nga ang sinabi niya saakin." bulong niya pero rinig na rinig ko.

"Sinong nagsabi sa 'yo?" hindi niya ako pinansin at nag drive nalang papunta sa bahay nila.

Ang yaman pala nitong sky na 'to! Ngayon ko lang nalaman bwiset! Edi sana nagpalibre ako sakaniya!

"Hoy hindi pa kita nagagamot!" sabi ko sakaniya habang hawak hawak ang mukha niya.

"'Wag na. May kailangan kapang malaman." seryoso niyang sabi kaya hindi na ako umimik. Baka sigawan ako eh.

After a couple of minutes nakarating na kami sa bahay nila. Grabe ang laki! Mansyon na ata 'to! Ang cool nga eh kusang bubukas 'yong gate nila, kaya tuluyan kaming nakapasok sa bahay nila.

Lumabas kami sa kotse niya pagkatapos niya 'tong ipark. Pumasok naman siya sa loob ng bahay nila kaya sumunod naman ako.

Grabe ang ganda ng bahay nila. Kahit saan mo tignan ang daming kumikinang. Infairness malinis.

"Skyler oh my god anong nangyari sa mukha mo?!" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang babaeng kaedad lang ni mama. Maganda siya at mukha pang bata.

Class ZWhere stories live. Discover now