Chapter 62

220 10 4
                                    

Xandra

Nagising na lang ako ay nasa loob na ako ng kotse. Kinusot ko muna 'yong mga mata ko at natulala na sa bintana.

"Here" napalingon ako kay Hades na siyang nagd-drive.

"Thanks" inabot ko 'yong tubig at hinawakan lang muna ito, saka tumulala na ulit sa bintana.

"Are you okay?" tumango lang ako bilang tugon. Hindi ko alam kung nakita niya akong tumango pero hinayaan ko na lang.

"Sebastian?" tanong ko. Pero hindi ako naka-tanggap ng sagot mula sa kaniya. Kaya tumahimik na lang din ako.

Okay lang kaya si Sebastian?

"Buhay pa." walang emosyon niyang sabi. Tumango na lang ulit ako at hindi na nag salita.

Tarantado ampota.

Naiiyak ako. Feeling ko kasalanan ko lahat. Paniguradong ako 'yong target ng mga lalake kanina at hindi si Sebastian. Naalala ko ulit 'yong itsura niya na duguan at hinang hina na. Kung hindi sana ako sumabay, edi sana hindi mangyayari 'yon sa kaniya.

Huminto bigla 'yong kotse kaya napalingon ako kay Hades. Wala pa naman kami sa bahay, bakit siya huminto?

"Saan ka pupunta?" tanong ko habang tinitignan siya sa ginagawa niya.

"Babalik din ako, saglit lang." at lumabas na ng kotse. Habang tumatakbo siya ay sinusundan ko naman siya ng tingin. Nang hindi ko na siya matanaw, ay umiwas na rin ako ng tingin at nanahimik sa pwesto ko.

Saan naman kaya pupunta 'yon? Lagi na lang umaalis ang tukmol.

Dahil wala akong magawa, tumingin na lang ulit ako sa bintana at nagi-imagine na nasa isang music video ako.

Feeling main character vibes.

Wala kasi saakin 'yong cellphone. Nasa kotse ni Sebi. Nandoon lahat ng gamit ko.

Eto na naman. Nag tutubig na naman 'yong mga mata ko. Hindi ko kasi matanggap. Paano kung hindi ako lumabas ng kotse at nag hintay lang sa kaniya? Paano kung huli na ako dumating? Paano kung---

Napalingon ako sa kaliwang bintana at nakita si Hades na tumatakbo papunta sa kotse. May dala dala siya, pero hindi ko masyadong makita kasi medyo blur 'yong paningin ko dahil sa luha. Pinanood ko lang siya at mahinang natawa. Para kasi siyang bata kung tumakbo.

"Bakit?" tanong niya sa 'kin nung makita niya akong tumatawa. Umiling lang ako at pinigilang matawa ulit. Nag tataka naman siyang umupo sa pwesto niya at sinarado na ang pinto ng kotse. "Oh" napatingin ako saglit sa kaniya pero kinuha rin agad.

"May sakit ka ba?" hindi niya ako sinagot, pero imbis na mainis ako, kapag hindi niya ako nasasagot ay napangiti lang ako. "Thank you" dagdag ko at binuksan 'yong ice cream na binigay niya. Mas lalo akong napangiti dahil sa flavor na cookies & cream. Favorite ko kasing flavor 'to.

Napatingin ako kay Hades para sana kausapin ulit siya. Pero napatigil ako nang makita ko 'yong ice cream niya. 'yong ice cream niya kasi ay nasa cone lang. Habang 'yong sa akin naman, ay 'yong nasa parang baso ba, ganon.

"Bakit ayan lang sa 'yo?" lumingon siya sa 'kin at itinigil ang pag bubukas ng ice cream niya.

"Hindi ako masyadong mahilig sa ice cream" sagot niya. Napataas ang isang kilay ko dahil sa sagot niya.

"Eh, bakit ka bumili ng ice cream? Hindi ka naman pala mahilig?" tanong ko ulit, pero nag kibit balikat na lang siya, at itinuloy ang ginagawa niya.

Hinayaan ko na lang at kinain 'yong ice cream ko. The best talaga ang cookies & cream! Etong flavor na 'to ang hinding hindi ko pag sasawaan. Simula pa kasi nung hata pa ako, eto na 'yong lagi kong pinapabili kay mama sa tuwing umaalis siya.

Class ZWhere stories live. Discover now