Chapter 32

428 19 2
                                    

Xandra

"Kompleto na?" tanong ko't tumango naman silang lahat at sinenyasang pumasok sa mga kotse nila.

Si hades ang kasama ko sa kotse dahil siya lang ang may space pa kaya hindi na ako umangal.

Kami ang nauuna kaya naman nasa likod sila at sinusundan kami. Tahimik lang ang byahe at tunog lang ng aircon ang maririnig. Yelo kasi 'tong driver ko.

At isa pa'y wala ako sa mood na magsalita dahil sa kayi na 'yon. Lakas saktan ng kapatid ko ah, tanginamo yari ka saakin ngayon.

Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang paligid patungong green yard kung saan ang base ng mga kalaban nila.

"Let me guess," napatingin ako kay hades na siyang nagsalita. "He's sick, right?" tumango naman ako sakaniya dahil tinatamad akong mag salita.

"The knife that used on him was mixed with poison." nakuha naman ng atensyon ko ang sinabi niya kaya lalo akong nag iinit sa galit.

"Kinginang kayi 'yan." bulong kong sabi pero halata namang narinig niya.

"Panandalian lang ang lason sa katawan ni sky dahil nagamot na siya bago kami makauwi." aniya kaya naman napataas ang kilay ko.

"At hindi niyo man lang sinabi saakin?" inis kong sabi. Tumango naman siya kaya mas lalo akong nag init.

Papatayin talaga kitang kayi ka.

"Lahat ng weapon ni kayi ay may halong lason." napairap naman ako sa sinabi niya.

Hindi ako mamamatay. Matagal mamatay ang masamang damo.

"Sino ba kasi 'yong mga 'yon at kailangan niyo pang makipaglaban sakanila?" hindi siya sumagot at nanatili lang na nagd-drive. "Hoy!" napairap na lang ako dahil hindi niya talaga sinasagot ang tanong ko kaya tumingin na lang ako sa bintana.

Walang kwentang kausap.

"Kapag hindi kinakausap, doon nagsasalita. Pero kapag kinakausap naman, doon siya hindi magsasalita, abnormal ampotchi." reklamo ko habang nakatingin sa daanan.

Napatingin naman ako sa salamin kaya nakita ko siyang nag smirk kaya napairap na lang ako at hindi siya pinansin.

Naging tahimik na ang byahe dahil wala ng isa saamin ang nag salita pa dahil wala siyang kwentang kausap. Nakita ko naman sa salamin na nakasunod pa rin sila saamin at mukhang nags-sound trip pa ang mga gago.

Ano field trip?

1:12 pm na at oo kumain na rin ako bago kami umalis. Duh hindi pwedeng hindi ako kakain dahil baka maubos ang energy ko kapag hindi ako kumain.

After 30 minutes na byahe ay nakarating din kami sa malaking bahay. Inshort mansion. Maganda naman at may bantay sa may gate.

Nagsibabaan naman kaming lahat pagkatapos naming mag park at pumunta sa harap ng gate nila kung saan may dalawang nag babantay.

"Kayo na naman?" iritang sabi no'ng isang lalakeng bodyguard. Tumawa naman ang isa at tinapik siya.

"Mga talunan eh" sabay silang tumawa kaya nairita ako. Napalingon naman ako sa likod at nakita ko namang seryoso lang sila.

"Tabi." sambit ko pero tinignan lang nila ako at tumawa.

"At may babae pang kasama?"

Class ZWhere stories live. Discover now