Chapter 47

398 21 11
                                    

Xandra

"Kaya ba wala ka sa sarili mo ng ilang araw?" tanong ko sakaniya at tumango naman siya.

Nandito kami ngayon sa 4th floor dahil walang ibang tao rito. Pwede siyang umiyak nang umiyak kahit ilang oras niya pang gustuhin.

"3 years 'yon eh" nakangiti niyang sambit pero halata namang pinipigilan niya lang umiyak.

Taray 3 years. Saakin nga 3 days lang dahil naka GoSurf 50 lang ako.

"Halika nga rito Ian" sambit ko at nagtataka naman siyang lumapit saakin.

Hindi ko alam kung paano magcomfort ng tao lalo na kung medyo ewan 'yong pinagdadaanan. Syempre naaawa rin ako kay Ian. Ikaw ba naman lokohin.

Nang makalapit na siya saakin ay niyakap ko siya. Halata namang nagulat siya sa ginawa ko pero niyakap niya rin ako

"Sa una lang 'yan masakit, hihilum din 'yan." bulong ko sakaniya at lalo niya pa akong niyakap.

Bwiset ka ha. Papatayin mo ata ako.

"Chansing ka Ian ha!" sabi ko sakaniya at natawa naman kami parehas.

"Pero xandra" aniya at kumalas sa pagkakayakap at hinarap ako. "Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya" dagdag niya at natawa naman ako.

"Ang korni mo gagu!" natatawa kong sabi at hinampas siya pero tinitignan niya lang ako kaya bigla akong umayos. Seryoso pala siya mga bEh. "Wala naman sakaniya 'yong puso mo tanga! Kaya 'wag mo akong ginaganyan kadiri ka"

Napangiti naman siya sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko kaya hinampas ko 'yong kamay niya.

"Ikaw tigil-tigilan mo kakagulo ng buhok ko ha! Hirap-hirap mag ayos ng buhok eh!" irita kong sabi pero tinawanan niya lang ako.

Pasimple naman akong ngumisi dahil mukhang ayos naman na siya ngayon kesa kanina na parang naghilamos na dahil sa sobrang dami niyang luha.

"Pumunta ka sa cr at ayusin mo 'yang mukha mo bago ka pumasok sa room, halatang umiyak kang gagu ka" sabi ko sakaniya at tumango naman siya bilang tugon.

"Tara na bumaba na tayo" yaya ko sakaniya at inakbayan ako bago kami bumaba.

"Salamat xandra" aniya at kinindatan ko naman siya kaya natawa kami parehas. "Alam mo xandra mas gumaganda ka kapag ganiyan ka, 'yong tipong naka ngiti lang palagi" dagdag niya.

"Ako lang 'to Ian, ako lang 'to." pagmamayabang ko naman sakaniya kaya natawa ulit kami.

"Pero seryoso" nakangiti niyang sabi.

"Sus inlove ka na naman saakin" pang-aasar ko sakaniya kaya natawa na naman kami.

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan at asaran habang bumaba ng hagdanan. Maya-maya lang ay nagkahiwalay din kami ng dadaanan dahil pupunta pa siya ng cr at ako naman ay pupunta na sa room.

Nakangiti akong naglakad patungo sa room. Wala lang, masaya lang ako na kahit papaano ay bumabalik na 'yong dating Ian na nakilala ko. Dati kasi down na down siya pero ngayon bumabalik na siya. Ang gagong Ian na nakilala ko.

Naaawa rin ako dahil sa 3 years na relasyon nila ng jowa niya eh lolokohin lang pala siya. Akala ko nga dati walang jowa si Ian eh, hindi naman kasi halatang may bebe siya. Lagi siyang nasa bahay hindi man lang lumalabas kapag hindi kami aalis lahat.

Oh 'di ba? Sinong mag-aakala na may jowa pala 'yong ugok na 'yon. At isa pa first time ko lang makitang umiyak si Ian ng gano'n. Masakit naman talagang maloko lalo na kung nahuli mo pa talaga at harap-harapan pa.

Kinginang babae na 'yon eh, lakas-lakas manloko akala mo naman kinaganda niya. At magloloko na nga lang eh mas panget pa kay Ian ang pinalit. Ang gwapo kaya ni Ian ta's nakuha niya pang humanap ng iba at mukha pang ingrown sa paa.

Walang taste ampota.

Naabutan kong nakabukas 'yong pinto kaya pumasok na agad ako. Wala pang teacher dahil wala naman talagang may balak na pumasok. Pag pasok ko ay may kaniya-kaniya silang mundo.

'Yong iba naglalaro, nag-aasaran, naghahabulan, nagrarambulan, nagpupustahan.

Kaya pumunta na agad ako sa pwesto ko dahil baka idamay na naman nila ako sa mga kalokohan nila. Alam niyo ba no'ng nakaraan? Syempre hindi pa.

So kasi ganito 'yan. Niyaya nila ako maglaro ng color game. Alam niyo ba 'yon? 'Yong tataya ka kung anong kulay 'yong lalabas, ta's kapag lumabas 'yong kulay na tinayaan mo, doble 'yong makukuha mong pera.

Ayan gets niyo? Kung hindi 'wag niyo ng alamin letche kayo.

So back to topic, ayon nga nagsimula kaming maglaro, no'ng una chill-chill lang naman, nananalo pa naman ako. Maya-maya lang inubos na agad nila 'yong pera ko!

'Di ba! Nakakabwiset kaya! Naubos 'yong baon ko para sa buong 1 week dahil lang sa laro. At ang mas nakakainis pa ro'n, lahat sila nanalo ako hindi!

Dinadaya talaga nila akong lahat eh! Ang yayaman naman nila! Pasalamat talaga sila at nagtitimpi pa ako. Kun'di ay nako! Makakapatay ata ako ng wala sa oras.

"Saan galing ang prinsesa?" sambit ng katabi ko habang naglalaro.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pinanood siyang maglaro. Tangina ang galing talaga nitong magsnipe eh.

"D'yan lang, ba't miss mo 'ko?" tanong ko sakaniya habang nanonood.

"Ulul, kanina ka pa kasi nawawala, baka mamaya nabugbog ka na naman" aniya at patuloy pa rin sa paglalaro.

"Ah concern naman pala. Ikaw ha~" pang-aasar ko sakaniya at natawa naman kami parehas.

"Aminin mo na lang kasi na magkasama kayo ni Ian kanina" sabi niya at napatingin naman ako sakaniya.

"Pa'no mo nalaman?" takang tanong ko sakaniya.

"Ako pa" pagyayabang niya kaya napairap naman ako. Napatingin naman ako sa cellphone niya at sakto namang nag-victory siya.

Sakto namang nagkatinginan kami at napangisi naman siya. May balak 'to. May balak 'to.

"'Yong isa r'yan puro lose streak, sino kaya 'yon~" nakangisi niyang sabi halatang nagyayabang. "Kilala mo xandra?" dagdag niya pa at inirapan ko naman siya.

"Bano" sambit ko at natawa naman siya.

"Cyrus rank!" sigaw ni keven na nasa harapan. Tumango naman 'tong katabi ko.

"G inv mo 'ko" aniya kaya sinandal ko ulit 'yong ulo ko sa balikat niya para panoorin silang maglaro.

'Wag na kayong magtaka kung bakit hindi ako kasali. Masyado na kasi akong malakas para sakanila kaya nahihiya sila baka maging pabuhat lang sila saakin.

"Nagyayabang ka na naman sa isip mo" sabi ng abnormal na katabi ko kaya sinikmuraan ko siya at ayon namilipit siya sa sakit.

Class ZWhere stories live. Discover now