Chapter 35

421 18 1
                                    

Xandra

"Edi nakatumba HAHAHAHAHAHA!" tawang tawang sabi ng kasama ko.

"Luh ang korni ampotchi" binatukan ko siya pero tawa lang siya ng tawa.

Kanina pa siya ganiyan. Joke raw pero 'yong joke niya lagpas ilang dekada na. Ano raw 'yong punong bawal akyatin.

Edi nakatumba.

Sige pakisabi saakin kung saang part ako matatawa ro'n? Buti sana kung 'yong mga jokes niya mabenta pero hindi eh. Buti na lang talaga kami lang nandito sa tambayan ko kun'di ewan ko na lang talaga kung anong magagawa ko rito sa gagong 'to.

"N-naiiyak na 'ko babe HAHAHAHAHA" sambit niya at pinunasan ang luha niya habang tumatawa pa rin.

Wala na siraulo na.

"Ikaw lang natawa eh" sabi ko at inirapan siya.

"Weh? Kaya pala ngumingiti ka tuwing nagj-joke ako" pang aasar niya saakin kaya agad ko siyang binatukan kaya napadaing siya.

"Tawa 'yon?" iritang sabi ko. Aminado akong ngumingiti ako dahil natatawa ako sa mukha niya dahil pulang pula na siya katatawa pero pinipigilan ko lang.

"Chill masakit!" inirapan ko na lang siya't hindi pinansin.

Deserve mo 'yan.

"May itatanong ka kanina 'di ba?" seryoso niyang sabi kaya napatingin ako sakaniya. Tumango naman ako bilang tugon. "Nakilala ko si abby no'n dahil sa nagkalat na balita na siya 'yong girlfriend ni hades"

Seryoso talaga siya.

"Ano namang meron kung sila?" tanong ko sakaniya pero ngumiti lang siya kahit na pilit lang 'yon.

"Delikadong tao si hades xandra" sagot niya saakin. Bigla akong kinilabutan dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko ng seryoso ang tono. "Marami siyang kaaway na matataas ang posisyon kaya mainit ang mata nila sakaniya. Kahit na ang buong Class Z" tumango ako at nakinig lang sakaniya.

"No'ng malaman nila na may nag iisang babae sa Class Z at girlfriend ni hades si abby, nagtulungan ang mga kaaway ni hades para patumbahin siya. Pero hindi sila nagtagumpay, hanggang sa tinarget nila ang nag iisang babae sa Class Z. At 'yon ay si abby." seryoso niyang sabi at tinignan ako ng seryoso. "Dahil hindi nila mapatumba si hades ay ginamit nila si abby para mapatumba siya. Gumawa sila ng trap at nagtagumpay naman sila dahil sa nangyari." huminto muna siya at tumingin sa langit. "Ginawa nilang pain si abby kaya kumagat ang Class Z lalo na si hades. Pero mas pinili ni abby na mamatay na lang kesa madamay ang iba. Kaya bumitaw siya sa pagkakahawak kay hades kaya nahulog siya at tumusok ang katawan niya sa bakal kung saan siya bumagsak." dagdag niya.

"Pero..." nagtataka kong sabi at napalingon naman siya saakin. "Paano mo nalaman ang tungkol doon at paano mo nalaman ang dinanas ni abby noon?" dagdag ko at mukha naman siyang nagulat pero hindi niya pinahalata 'yon.

Ngumiti siya ng pilit at tinignan ako ng diretso sa mata. "Dahil isa ako sa nagplano at nautusan noon." mapait siyang ngumiti at umiwas ng tingin saakin.

Nagulat ako dahil sa sinabi niya kaya hindi agad ako nakapag react. Natahimik ang paligid ng ilang minuto at humangin ng malakas.

"Dahil isa ako sa nagplano at nautusan noon."

"Dahil isa ako sa nagplano at nautusan noon."

"Dahil isa ako sa nagplano at nautusan noon."

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko at narinig ko galing kay kayi. Pero parang may mali eh. May hindi tama rito.

"Sino sino ang mga kaaway nila?" tanong ko sakaniya kaya napalingon naman siya saakin.

"Organization. Inshort mafia." napapikit ako ng dalawang beses dahil hindi ko alam na nage-exist pala ang mafia. Akala ko kasi sa libro at movies lang 'yon nage-exist.

Cool.

"Kung gano'n?"

"Oo. Isa ako sa mafia" hindi ako nakapag react agad dahil sa sinabi niya. Grabe, siya lang 'yong mafia na nagsasabi ng totoo.

"Cool." sambit ko at siya naman ngayon ang nagulat dahil sa sinabi ko.

"Hindi ka man lang natakot?" tanong niya at umiling naman ako.

"Bakit ako matatakot? Ang angas kaya." natawa naman siya't umiling. "Ano position mo?"

"Leader" aniya at napangiti naman ako dahil hindi halata sa mokong na 'to na leader pala siya sa isang mafia org. "Bakit ka ngumingiti? Creepy babe ah"

Inirapan ko naman siya. "Kaya pala mainit ang dugo ng Class Z sa 'yo." sambit ko at natawa na lang kaming dalawa.

"Patayin ko ba naman isa sa mahalaga sakanila eh" agad ko ulit siyang binatukan kaya napadaing siya. "Aray babe!"

"Si abby nag desisyon no'n kaya 'wag mo ng sisihin sarili mo gago" natigilan siya at natulala dahil sa sinabi ko.

"Pero kung hindi ko pinlano edi--"

"Edi sana buhay pa si abby?" pagpapatuloy ko at tumango naman siya. "Sa 'yo na ng galing na siya na ang bumitaw dahil ayaw niyang madamay pa ang iba. So basically hindi ikaw ang pumatay. Bakit binaril mo ba? Sinaksak mo ba?" umiling lang siya. "Oh 'yon naman pala eh! Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan dahil hindi ka talaga papakawalan niyan." natigilan naman siya ng ilang minuto pero agad din siyang napangiti.

"Picture nga tayo babe" aniya't nilabas ang cellphone niya at agad pumunta sa camera.

Agad kaming nag picture kahit na minsan magulo, wala lang 'yon dahil may sarili kaming mundo rito. Nakailang take pa kami ng pictures bago kami tumigil at tumingin sa langit.

Inabot na pala kami ng gabi. Napatingin naman ako sa relo ko't 8:34 pm na. Ilang oras din pala kaming magkasama at nagku-kwentuhan.

"Bakit mo nga pala sinasabi ang tungkol sa mafia?" pagtatanong ko sakaniya habang pinagmamasdan ang langit. "'Di ba, hindi dapat malaman ng iba na nage-exist 'yon?"

"Mas mabuti ng malaman mo ng mas maaga para maging aware kana sa mga gano'ng bagay." seryoso niyang sabi at tumingin saakin. "So lalayuan mo ba ako?" tanong niya kaya napataas naman ang kilay ko.

"At bakit kita lalayuan?" balik kong tanong sakaniya.

"Dahil isa ako sakanila" sagot niya pero hindi man lang siya ngumiti gaya ng tulad niyang ginagawa.

Mukhang seryoso talaga siya ngayon.

Tumayo na ako at nginisian siya. "Akala ko ba papatayin mo ako? Eh bakit mukha kang basang sisiw d'yan?" ngisi kong sabi at tumalikod na para maglakad.

Narinig ko naman siyang tumawa at sumunod saakin. Ang bilis kumilos.

"Gusto mo ngayon na eh" natatawa niyang sabi at naglabas ng maliit na kutsilyo.

Tinawanan ko lang siya at pinagpatuloy ang paglalakad. "Baka masaktan kutsilyo mo saakin eh"

"Tch hangin babe" natawa na lang ako at pumunta sa isang resto para mag dinner.

Syempre siya ulit magbabayad para sa in-order namin ngayon. Ang pangit naman tignan kung babae ang magbabayad 'di ba?

Echos lang. Ayoko lang talaga maglabas ng pera.

Mayaman naman siya kaya keri niya lang 'yon. Baka nga barya lang sakaniya 'yong mga price rito sa menu eh. Siya 'yong tipo ng tao na kapag nagutom bibilihin mismo 'yong resto.

Pero hindi lang yaman ang meron sakaniya. Gwapo rin. Kaya nga pinagtitinginan siya ng mga babae rito sa resto dahil sa gwapo siya eh. Minsan nga may lumalapit na ibang babae sa table mismo namin pero nginingitian niya lang, kaya naman 'yong babae halos himatayin na sa kilig.

Kadiri hayop.

Class ZWhere stories live. Discover now