Chapter 46

420 22 3
                                    

A/N: This chapter is dedicated to my silent readers. Stay safe everyone & Godbless!!❤️

Xandra

Ilang oras na ang lumipas, heto pa rin kami ngayong lahat. Maingay, magulo. Mga siraulo kasi mga kasama ko.

Wala atang lugar na hindi sila tahimik.

Siguro kung nasa A Quiet Place kami, hindi pa nagsisimula patay na kaming lahat. Putangina ang iingay grabe. Sila na ata naging human alarm clock ko sa bahay.

Pero mas okay na 'to kesa naman magklase kami. Ang boring kaya duh. Gusto ko matulog ng matulog at kumain.

Nag-aral pa ako. Huwag na kasi mag-aral mamamatay din naman.

'Yong iba bumaba dahil nagugutom na raw sila. Ikaw ba naman mag ingay ng mag ingay ng ilang oras, hindi ka magutom?

"Xandra laro" yaya saakin nila cywell.

"Pass lobat na 'ko" sambit ko kaya tumango naman sila at nagsimula na silang maglaro.

Sila kasi mga kasama ko maglaro para bubuhatin nila ako pa-legendary. Hirap-hirap magpa level eh. Bawat season bababa ng bababa 'yong rank mo.

Oh 'wag kayong mabigla kung bakit alam ko na 'yan. Inaral ko lahat para sa larong 'yan. Para lang sa laro, pero 'pag sa school, pass ako.

Naadik na ata ako. Minsan nga sa sobrang kaadikan ko hindi na ako nakakatulog. Buti na lang talaga at maganda pa rin ako.

Ako lang 'to. 'Yong natural ang kagandahan

Oo nga pala. Pumunta rito si ma'am kanina para kunin 'yong pinaprint niya saakin at etong mga abnormal na 'to, binola-bola pa. Eto namang si ma'am naniwala naman, ayan tuloy pinagti-tripan siya.

I mean, maganda naman talaga si ma'am, pero pati teacher dito papatulan pa nila. Mga babaero ang depota.

Well, age doesn't matter naman 'di ba? Ako nga no'ng junior high school pa lang ako, nagkagusto ako sa teacher ko eh. I mean student teacher pa lang naman siya. Sa sobrang gusto ko siya pati subject niya na ayaw ko dati, ngayon gusto ko na.

Hindi ko alam, pero ako lang ba? 'Yong mas gusto 'yong mas matanda saakin kesa mas bata? Like okay lang saakin na maging single habang buhay, 'wag lang pumatol sa mas bata saakin.

Huwag lang sugar daddy, hindi ko kailangan no'n dahil dito pa lang sa mga ugok na 'to hindi na ako nakakagastos. Sana all rich

Anyways, ang tahimik ng buhay ko ngayon. Walang nang bubogbog, nang-gugulo. Last na bugbog ata saakin no'ng last last last last week pa. Nakabawi naman na ako kaya okay na.

Sana naman kasi ina-update nila ako para naman ako na 'yong mag-aantay sakanila. Lagi na lang late 'yong dating ko eh. Alam ko naman na special ako. Special child charot.

Pero 'wag muna ngayon dahil exam namin bukas. At hindi pa ako nagr-review, feeling ko hindi ako makakasama sa pupuntahan namin. Sabi kasi ni sir kung sino ang hindi makapasa, hindi makakasama.

Eh ang passing score namin 40 ata? Hindi ko sure hehe. Hindi naman kasi ako matalino 'no! Lalo na't chemistry 'yon. Pinaglahong science at math edi sabog utak ko ro'n?

Echos lang wala akong utak.

Mangongopya na lang ako sa katabi kong si cyrus. Kapag ayaw niya kakatayin ko siya ng buhay tapos iihawin ko.

Charot lang ulit, mabait naman akong kaibigan eh, kaya hindi ko gagawin 'yon. Well maliban na lang kung inis na inis na talaga ako at hindi na ako makatiis.

Okay lang naman saakin kung hindi ako makakasama sa pupuntahan namin. Ako lang mag-isa sa bahay, walang maingay, magulo. Pero gagu paano ako kakain? Hindi naman ako pwedeng mag padeliver na lang dahil 'yong pera ko sapat na sa isang linggo. At syempre hindi rin ako hihingi ng pera kay sky 'no! Kahit buraot ako hindi ako basta-basta nang hihingi ng pera sa iba.

Gano'n na ba ako kademonyo para parusahan mo 'ko lord? Feeling ko wala talaga akong kawala sa mga ugok na 'to eh. Hindi na ata kami napaghiwalay lahat.

"Xandra~" napatingin ako kay jace na masayang tumatakbo patungo sa pwesto ko.

Walang halong biro, bata talaga 'to.

"Oh?"

"May chocolate ka?" tanong niya saakin nang makalapit siya sa pwesto ko.

"Wala. Naubos mo na agad?" ako naman ang nag tanong dahil kabibigay ko lang sakaniya kanina ng dalawang pack ng chocolate.

Umiling naman siya kaya napabuntong-hininga ako. "Oh last na 'to ha! Mamaya wala ka ng ngipin dahil sa katakawan mo!" binigay ko sakaniya 'yong isang pack ng chocolate. Buti na lang pala nag dala ako.

Masaya niya namang kinuha 'yon at niyakap ako. "Thank chuuuu~" sambit niya kaya natawa ako.

Walang duda. Bata talaga.

"Nasaan nga pala si Ian, jace?" tanong ko sakaniya kaya bumitaw siya sa pagkakayakap saakin at humawak sa baba niya na tila nag-iisip pa.

Cute.

"Nakita ko siyang bumaba kanina, pero hindi ko alam kung saan pumunta" aniya kaya tumango na lang ako at sakto namang tinawag siya nila axel kaya nagpaalam muna siya saakin.

Kanina pa kasi wala rito sa Ian. Pag-akyat ko hindi ko na siya nadatnan eh. Saan naman kaya nag-punta 'yong hinayupak na 'yon?

Tumayo na 'ko at lumabas na ng room. Hahanapin ko si Ian, baka kasi kung ano na ginagawa no'n eh.

Eto na naman ho tayo sa walang katapusang hagdanan. Hihingalin na naman ako nito eh. Ba't kasi nasa pangatlong palapag kami eh.

Sabagay 'yong pang-apat nga na palapag ginawa nilang pang-torture eh. Kaya siguro walang nagbabalak pumunta sa building namin. Baka hindi na sila makalabas ng buhay.

Ilang minuto pa ang lumipas ay matagumpay akong nakababa kaya pumunta muna ako sa parking lot kasi baka nando'n siya sa kotse niya.

Nang makarating ako ay wala namang ibang tao ro'n at wala ring tao sa loob ng kotse niya. Nakalock din naman kaya ibig sabihin wala siya rito.

Saan naman kaya pumunta 'yon? Maliban dito saan pa?

Nanatili muna ako ro'n ng ilang minuto dahil baka makita ko siyang umakyat sa building, pero wala akong nakitang Ian.

Aakyat na sana ako ng matanaw ko 'yong daan patungo sa likod ng building kaya agad akong pumunta ro'n dahil baka nando'n siya.

Nakakapagod tumakbo ha. Ian naman kasi kung saan-saan naglululusot ang depongal.

Maya-maya pa'y nakita ko na siya kaya napangiti ako. Worth it naman pala 'yong takbo ko.

Tumakbo ako patungo sa pwesto niya. "Hoy Ian nandit--" napahinto ako sa sasabihin ko sakaniya ng makita ko ang tinitignan niya.

Dalawang tao. Isang babae, isang lalake. Naghahalikan.

Napatingin ako kay Ian at nakita kong tumutulo na ang luha niya, kaya agad ko siyang hinatak paalis do'n.

So eto ang dahilan kung bakit down na down siya ng ilang araw?

Class ZWhere stories live. Discover now