Chapter 63

183 12 2
                                    

Xandra

"Bakit?" tanong niya pa. Akala mo naman talaga hindi niya alam kung ano 'yong dahilan.

"Ewan ko sa 'yo! Nakakainis ka!" irita kong sabi at inirapan pa siya.

Nakakabwiset eh!

Nakita ko naman na nag aayos na siya at handa nang mag drive. Kaya nag seatbelt na ako.

Sa wakas! Natapos din kumain ng ice cream.

"Sa bahay namin ako uuwi."

"Hindi" napatingin ako sa kaniya dahil sa naging sagot niya. Baliw na naman siya.

"At bakit? Bahay namin 'yon?" tanong ko na may halong pag kairita.

"At bakit? Kotse ko 'to?" pang gagaya niya sa tono ko.

"Putanginamo! Sa bahay nga, sabi eh!" medyo lumakas ang tono ng boses ko kaya nag kasalubong ang mga kilay niya.

Nainis ata.

"Uuwi ka ng ganiyan ang itsura?" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ganiyan ang itsura?" pag uulit niya pa.

Wow! na hurt ako dun ah.

"Eh ano naman sa 'yo?! Ikaw ba makakasama ko sa bahay?" pabalik kong tanong. So bali nag kakasagutan kaming dalawa ngayon.

Walang nag papatalo saaming dalawa. Parehas mapride.

"Ako naman ang mag hahatid sa 'yo. Kaya ako ang masusunod." kalmado niyang sabi.

Wow! Talaga lang ha! Anong akala niya sa 'kin? Hindi marunong umuwi mag isa? Ha! Oo! Hindi talaga! Ni hindi ko nga alam kung na saan kami ngayon!

"Dami mong alam, Hades. Iuwi mo na lang ako sa bahay." kalmado ko ring sabi. Pero sa kaloob looban ko, sasabog na ako.

"Hindi nga" pag mamatigas niya.

Sinusubukan talaga ako ngayong gabi ah?

"Hades"

"Xandra"

Hindi ako kumibo at binuksan na lang 'yong kotse. Baba ako. Hindi ko na kaya. Sasabog na ako.

Ay weh! Angry birds ka?!

Hawak hawak ko na 'yong handle at handa nang buksan ito, pero agad ko ring binitawan 'yon.

"Hades... Mapapatay talaga kita haha" sambit ko at nanatili na lang sa pwesto ko. Nilock ba naman 'yong kotse ampota.

"Let's go" aniya. Nakita ko sa side mirror na nakangisi pa siya, kaya umirap na lang ako ng sobrang tindi dahil sa galit.

Paano 'yong sobrang tindi? 'Yong sapat na. Para patayin siya.

Halos sumabog na ako sa galit dito, habang siya nakangisi? Ano beh? Enjoy na enjoy? Nakakatuwa 'yon?

Gusto kong mag sabi ng masasamang words. Pero mas pinili ko na lang na manahimik, dahil kapag nag salita na naman ako, hahaba na naman 'tong bangayan namin. At isa pa, baka huminto na naman siya sa pagd-drive. Kaka-drive nga lang ngayon, hihinto na naman?

"Peram cellphone" nilahad ko 'yong kamay ko, pero hindi ko pa rin siya tinitignan. Hindi siya kumibo, pero naramdaman ko na may nilagay siya sa kamay ko kaya kinuha ko na. "Passcode?" tanong ko at handa nang mag type.

"2229" sabi niya. Agad ko rin naman itong ginawa at nag bukas nga. Himala. Nag bigay ng passcode ang shuta?

Tatawagan ko na muna si mama. Baka mamaya kanina niya pa ako hinihintay, wala pa ako. Baka nag aalala na 'yon.

Class ZWhere stories live. Discover now