Chapter 39

410 17 1
                                    

Xandra

"Hoy ang kapal mo! Akin na 'yan!"

"Ayoko nga!"

"Bwiset ka! Tinatanong ka kasi kanina kung anong gusto mo tapos ngayon kukunin mo pagkain ko!" hindi niya na ako sinagot at nilamon na ang pagkain ko na kinuha niya saakin.

Bwiset.

Ayoko pa naman sa lahat 'yong kinukuha 'yong pagkain ko. Mayaman naman siya. At talagang 'yong jolly hotdog pa talaga na kayang kaya niyang bilihin!

"Ngayon ko lang natikman 'to kaya pag bigyan mo na ako babe!" aniya at nilamon ulit 'yong pagkain niya.

Napairap naman ako. "Sa yaman mong 'yan, hindi ka pa nakatikim n'yan?" tanong ko sakaniya at tinuloy na ang pagkain ko na naudlot dahil sa buraot na 'to.

Tumango naman siya. "Hindi naman kasi ako madalas dito pumupunta" sagot niya't uminom ng coke.

Syempre iced tea ang saakin dahil wala silang mountain dew. Loyal sa mountain dew 'to.

"Rich kid eh." sambit ko at inirapan siya.

"Babawi ako promise!" nag cross finger pa siya sa harap ko kaya inirapan ko ulit siya.

Thank god at hindi nais-stuck 'yong mata ko kakairap.

"Dapat lang siraulo." 'Yon lang ang sinabi ko at nagsimula na ulit kaming kumain.

Actually kanina pa talaga kami kumakain dahil maaga rin kaming nakarating dito. Wala kasing traffic kaya smooth lang ang byahe. Kaya lang naudlot 'yon nang natikman niya na ang jolly hotdog ng jollibee. Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi pa pala siya nakakatikim ng jolly hotdog.

Sabagay mga mayayaman nga naman sa fancy restaurant pumupunta.

Tahimik na lang kaming kumain at hindi na nagbangayan. Nakakahiya naman sa mga kumakain dito baka akalain ng dahil sa isang hotdog nag aagawan kami. Totoo naman.

Baka malate rin kaming dalawa sa kaniya kaniya naming klase dahil lang sa lintek na hotdog na 'yan bwiset. Pero isang himala kay kayi na pumasok siya, dahil sabi niya saakin hindi siya pumapasok dahil tinatamad daw siya at bagot na bagot daw siya school nila. Sa totoo lang maganda ang school nila kaso mas mahal pa sa buhay mo 'yong tuition nila, pero para saating lang 'yon, dahil para sakanilang mga mayayaman barya lang 'yon sakanila.

Hindi ko nga alam kung pumasok ba kami sa school para mag aral o para mag bayad ng napakamahal na tuition fee.

Hindi naman kami mayaman pero hindi rin kami mahirap. Kumbaga may kaya lang kami, kaya naming bilihin 'yong mga gusto namin tutal kami lang naman ni mama ang mag kasama sa bahay. Speaking of mama naalala ko na naman 'yong kinu-kwento niya saaking lalaki na bumihag ng kaniyang puso.

Cringe.

Sa naaalala ko teacher daw 'yon pero hindi niya sinabi saakin 'yong pangalan. Ewan ko ba kay mama at nahihiya pang sabihin. Alam niyo ba kapag inaasar ko siya sobrang namumula ang mukha niya sa kilig. Grabe.

"Huy ang gwapo no'n oh!"

Napatingin ako sa dalawang babae na nasa tabing table namin. Dahil ang lakas ng boses niya kahit na bumulong lang siya. Nakalunok ata ng microphone.

"Asan?!"

"Ayon!"

"Hala oo nga!"

"Kaso may girlfriend na bes!"

"Oo nga eh pero antaray bagay sila!"

"True ka r'yan! Halika na nga malate pa tayo!"

"May quiz pa pala tayo, tara na"

Napairap naman ako sa narinig ko habang 'yong kasama ko ngiting ngiti sa narinig. Gustong gustong nasasabihan ng gwapo eh.

"Sabi ko sa 'yo bagay tayo eh" ngiting sabi niya pero inirapan ko lang siya at uminom ng iced tea.

Pagkatapos kong ubusin 'yong iced tea ko tumayo na kaming dalawa dahil tapos naman na kaming kumain. Talagang hinintay niyang maubos 'yong iniinom ko bago siya tumayo. Gentle man 'yan?

Pati sa paglalakad at paglabas nag babangayan kaming dalawa. Bangayan hanggang sa makapunta na ng parking lot. Buti na lang talaga malapit lang ang parking lot dito dahil kun'di papara na lang ako ng tricycle.

Nang makapunta na kami sa kotse niya ay pumasok na agad ako dahil sa init ng panahon. Daig pa oven ang kingina. Pero 'yong kasama ko parang wala lang sakaniya dahil nagmomodel pa habang papasok sa kotse.

GGSS.

"Para kang tanga dalian mo na ang init!" puna ko sakaniya at inirapan siya.

"Eto na bubuksan na 'yong aircon" aniya ay at maypinindot na kung ano.

Wala talaga akong alam sa kotse, maliban na lang kung may magreregalo saakin.

"Sungit." bulong niya pero sapat na 'yon para marinig ko.

"At may sinasabi ka pa?" sambit ko at binatukan siya.

"Aw! Nagd-drive ako babe!" sagot niya saakin pero inirapan ko na lang siya. Habang siya naman ay hinihimas ang batok niya gamit ang isang kamay.

"Base niyo ang greenyard?" naalala ko kasi no'ng pumunta kami walang tao kun'di siya lang tapos 'yong dalawang body guard.

Tumango naman siya. "Yup! Bakit?"

"Parang walang tao eh" sambit habang tinatanaw ang paligid sa bintana.

"Kaya pala binaril mo 'yong mga bantay do'n ah?" natatawa niyang sabi kaya napangisi naman ako.

"Kasalanan kasi nila." sagot ko naman. Totoo naman kasi, ayaw nila kaming papasukin.

"Inutusan ko kasi 'yong iba kaya kami lang ang tao ro'n" paliwanag niya saakin kaya napatango naman ako.

"Naks leader 'yan?" pang aasar ko kaya napatawa naman kaming dalawa.

Kahit lagi kaming nagbabangayan nitong kasama ko, masaya rin siyang kasama.

"Hoy." tawag ko sakaniya ngunit hindi ko siya tinignan.

"Hmm?" tugon niya habang nagd-drive.

"Kapag ginusto kong maging isang mafia sa 'yo ako pupunta." sabi ko sakaniya pero wala akong narinig na tugon galing sakaniya kaya napalingon ako sakaniya.

Nakita ko naman siyang nakangisi habang nagd-drive. Wala talaga akong tiwala sa ngisi nitong hayop na 'to.

"Charot." dagdag ko at binatukan ulit siya kaya napalingon siya saglit saakin.

"Pangalawa na 'yan ah? Pwedeng ako naman?" aniya habang nakangisi.

"Sige subukan mo." panghahamon ko sakaniya pero ang ending natawa kaming parehas.

Sa buong byahe puro kami kalokohan at bangayan. Hindi na talaga ako mage-expect na magseseryoso kaming dalawa. Konting galaw lang bangayan o tawanan ang mangyayari.

'Yong tipong nag aaway na kayo ta's biglang nabulol 'yong isa sainyo kaya ang ending natawa kayong parehas at nagkaayos kayo.

Pero simula no'ng nakilala ko ang Class Z at si kayi biglang sumakit ang ulo ko dahil sa mga kalokohan nilang lahat. Akala niyo compliment ah? Ha! Asa! Never! No! Nah!

Charot.

Sabihin na nating 50/50. 50/50 kasi 50 dahil masaya silang kasama, 50 naman dahil nakakabwiset silang kasama.

Pero maaasahan mo naman silang lahat. Maasahan mong sasakit ang ulo mo sakanila dahil ang utak, puso, atay, ugat, buong katawan nila, puno ng kalokohan.

Class ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon