Chapter 15

491 16 2
                                    

Xandra

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko galing sa baba. Ano bang meron?

Inis akong bumangon sa kama at naalala ko pa lang hindi ko 'to kwarto. Nakatulog ako sa kwarto ni sky kagabi dahil inabot na kami ng madaling araw sa pag aasaran.

Pumasok ako sa cr niya at hindi na ako nag abala pang ilock 'yon dahil mag hihilamos lang naman ako at mag mumumog. Wala rito ang toothbrush ko kaya mamaya na lang pag labas ko ng kwarto.

Pagkatapos kong mag hilamos tinignan ko ang sarili ko sa salamin at inayos ang buhok ko. Ang haba na pala ng buhok ko, abot na hanggang pwetan. Hinayaan ko na lang na nakalugay 'yon dahil wala rin akong pang tali ng buhok.

Naka dolphin short lang ako na kulay black at oversize shirt na Iba't iba ang kulay. Bumili kasi ako ng pang kulay sa damit tapos nag experiment ako. Kunware DIY.

Blue, green, pink, yellow at red ang kulay ng damit ko. Maganda naman ang kinalabasan kahit na pinag tripan ko lang.

Lumabas na ako sa cr at inayos ang kama niya. Nakakahiya naman sakaniya eh.

Pinulot ko ang mga unan na nagkalat sa sahig dahil nag hagisan kami ng unan kagabi. Bwiset nga 'yon eh binato ako sa mukha babawi raw siya.

Nang matapos ako sa pag aayos ng kama niya lumabas na ako at pumunta sa kwarto ko para mag toothbrush.

Dumiretso ako ng cr at doon na ginawa ang ritwal ko. Ilang minuto pa ay natapos na ako kaya lumabas na ako ng kwarto at bumaba na.

Nasa hagdanan pa lang ako pero lalong lumakas ang ingay na nang gagaling sa baba kaya napairap ako ng wala sa oras. Speaking of oras, 12:14 pm na.

Lagot ka talaga sa 'kin sky!

Habang bumababa ako may naririnig akong nagkwe-kwentuhan. Grabeng bunganga naman po 'yan abot hanggang second floor.

"Tita hindi pa rin kayo nag babago ang ganda mo pa rin!"

"Oo nga tita ang sexy pa!"

"Tita bakit ang sarap niyo mag luto?"

"Oo nga lalo na 'yong kaldereta"

"Ay sus binola pa ako!"

"Hindi kaya tita!"

"Promise mamatay man si keven tita!"

"Bakit ako gago?"

"Oh siya maupo na kayo r'yan at kumain na"

Boses pa lang alam na. Sinabi pala saakin ni sky na pupunta sila rito, kaya pala ang ingay. Nasa huling baitang na ako at pumunta sa dining table.

"Oh sweetie! Halika na rito, anong oras kana nagising ah?" tawag saakin ni mommy kaya napatingin ang lahat sa direksyon ko.

"XANDRA?!!!" sabay sabay na sabi nila maliban kay hades at sky.

Inirapan ko lang sila at tumingin kay mommy at ngumiti.

"Si sky po kasi hindi ako ginising" tumingin ako kay sky na tumatawa lang sa upuan niya.

"Hindi ka ba niya pinuntahan sa kwarto mo sweetie?" tanong ulit saakin ni mommy.

Umiling ako. "Sa kwarto niya po ako nakatulog dahil nag kukulitan kami kagabi"

"ANO?!!!!!!" gulat na gulat nilang tanong habang nakatingin pa rin sa 'kin. Hindi namin sila pinansin ni mommy.

Class ZWhere stories live. Discover now