Chapter 65

175 10 4
                                    

Xandra

"Saan ka pupunta?" agad na tanong sa 'kin ng kapatid ko.

"Gagala lang," nakakasawa na kasi pagmu-mukha nila eh. Eme!

"Gusto mo ba ihatid na kita?" umiling ako sabay yakap sa kaniya.

"Susunduin ako, don't worry!" humiwalay ako sa kaniya ng pagkakayakap at hinarap siya. "Mag-iingat ako palagi, tatawagan kita if ever na may nararamdaman akong kakaiba, iu-update kita!"

Natawa naman siya at ginulo 'yong buhok ko. Shuta naman Sky! Hirap hirap mag-ayos ng buhok tapos guguluhin mo lang?! Eme ulit baka hindi na 'ko payagan umalis.

"Oh sige na, nandiyan na sundo ko," agad akong tumakbo pababa ng hagdan at nag mamadaling lumabas.

Nagtataka kayo kung bakit ako nagmamadali 'no? HAHAHAHAHAHA malalaman niyo maya-maya sa sund--- Huy! Grabe naman ang bunganga na 'yan! Parang di nag-- Huy!

"Xandra?"

"Ba't nagmamadali 'yon?"

"Oo nga!"

"Saan naman kaya pupunta 'yon?"

"Xandra! Pasalubong!"

"Anak ka ng tokwa Jace!"

"Ang sakit sa tainga ng sigaw mo!"

"Ay sorry hehe!"

Nasa labas na 'ko lahat lahat rinig na rinig ko pa rin mga boses nila jusme! Sinarado ko na 'yong gate at sumakay na sa kotse na naka parada sa tapat. Hulaan niyo kung sino hehe.

"Lagi ka na lang maganda, bakit hindi ka kaya mapasakin?" aniya at kinindatan ako. Ew!

"Tatadyakan ko mukha mo Kayi. Tigilan mo ko!" inirapan ko siya pero natawa na lamang ang kasama kong shunga.

"Yes miss ma'am, titigil na." natatawa akong tumingin sa kaniya. Pogi niya pero siraulo. Reto ko na guys!

"BRIELLA!!!"

"Lagot na naman tayo beh! Bagal mo kasi!" pangsisisi ko sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawa. Ibinaba ko ang bintana ng kotse at nginitian si Sky. "HEHE! I LOVE YOU! BYE!" sinenyasan kong magdrive na si Kayi, kaya hindi ko na narinig ang mga sunod na sinabi niya.

Pasaway na kapatid be like.

"Paniguradong babantaan na naman ako ng kapatid mo," natatawa niyang sabi. "Alam mo bang mas mahusay niya kesa sa akin?" napalingon naman ako sa kaniya at tila namangha sa sinabi niya.

"Talaga??" tumango naman siya at ngumiti. "Eh paano mo siya natalo kung mas magaling siya kesa sayo?" tanong ko.

"Hindi niya ko kayang saktan, Briella." nakangiti ngunit seryoso ang tono.

Medyo nangilabot ako kasi tinawag niya ako sa first name ko. Hindi ako sanay na tinatawag niya ako sa ganoon dahil feeling ko hindi siya ang Kayi na kilala ko.

"Bakit naman?" nagtataka kong tanong ngunit hindi man lang niya 'ko pinansin at tumuloy lang sa pagd-drive.

Somethings fishy huh?

Nanahimik na lang ako at tumingin sa paligid. Ewan, habit ko na siguro 'yong ganito. At isa pa, hindi rin ako mapalagay sa sinabi niya lalo't na hindi niya pa sinagot. Parang may mali eh. Bakit hindi siya kayang saktan?

"Kasi crush niya ko" agad akong napalingon sa kaniya dahil sa sinabi niya. Wtf ka Kayi!

"Ulol! Kadiri ka!" sabay hampas sa kaniya. Tangina kinikilabutan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Class ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon