Chapter 30

452 17 2
                                    

Xandra

Kanina pa natapos ang klase kaya nasa bahay na kami ngayon. Pero kami kami lang nila jake, sebastian at axel ang nandito. 'Yong iba hindi ko alam kung saan nag punta dahil wala naman akong pake kaya hindi ko na tinanong.

Anyway first time kong makitang hindi mag kasama sila sebastian at oliver. Speaking of sebastian and oliver. May natuklasan ako kanina. Kaya pala sobrang close nila sebastian at oliver dahil magkaibigan na pala sila simula no'ng mga bata pa raw sila.

Ayon lang ang chika ko rito mare. 'Yon lang kasi ang sinabi nila at mukhang nag iingat sa mga sinasabi nila dahil baka madulas sila.

8:23 pm na, at oo apat lang kaming nandito sa bahay nila sky. Dahil wala ang mga ugok nag saya ang tatlo rito sa may sala. At nag aaway pa nga kung anong papanoorin eh lahat naman na napanood nila.

"Xandra" tawag sa 'kin ni jake kaya pinagtaasan ko naman siya ng kilay. "Ang gwapo ko."

"Tanginamo." inirapan ko siya dahil sa sobrang kahanginan niya. Gwapo naman talaga siya pero sobra na talaga ang hangin dito. Kanina pa kamo siya ganiyan, walang ginawa kun'di mang bwiset.

"Oo nga pala xandra" sabat naman ni sebastian kaya napatingin ako sakaniya. "Sino 'yong caleb?" dagdag niya at pinause ang pinapanood namin.

"Oo nga"

"Kanina ko pa gustong itanong din 'yan"

Gano'n ba kahalaga ang sagot ko para ipause niya ang pinapanood namin?

"Kaibigan. Bakit?" tanong ko sakanila at umiling naman sila.

"Goods 'yan"

"Buti naman"

"Nakahinga ako ng maluwag do'n ah"

Sabi nilang tatlo at pinlay naman ni sebastian ang pinapanood namin. Mga siraulo 'tong mga 'to. Chismoso eh.

"Tara picture!" sambit ni axel at tumango naman kaming tatlo sakaniya.

Cellphone ni axel ang ginamit namin dahil ready naman na siya. Pwede namang ipasa sa messenger, kaya lahat kami merong copy.

Nakailan kaming take ng pictures bago kami tumuloy sa panonood. Si axel naman pinasa na saamin 'yong mga pictures sa messenger dahil in-accept ko na silang lahat, maliban sa tatlo. Kilala niyo na 'yon.

At dahil in-accept ko na silang lahat ay nakita ko naman ang GC na ginawa nila. Kami kami lang din ang nandoon dahil kami lang naman ang Class Z duh.

Hindi na nagluto si axel ngayon dahil nag order na lang kami, dahil kami kami lang din naman ang kakain ngayon. Tulad ng sabi ko kanina ay wala ang iba rito sa bahay dahil may pinuntahan daw.

Tahimik lang kaming apat na nanonood habang lumalamon ng pizza. Kinuha ko lahat ng pinya sa pizza nila dahil mas masarap ang pizza kung marami ang pinya.

Wala naman silang angal sa ginawa ko eh. Pinagbigyan naman nila ako kaya nginitian ko sila. Hindi ako amazona ngayon tulad ng sabi nila. Kahit naman maging amazona ako ng dahil sa pinya ay ibibigay pa rin nila sa 'kin 'yon, kaya bakit ko pa papahirapan ang sarili ko duh.

Pero aaminin ko no'ng una bwiset na bwiset ako sakanilang lahat. Syempre dahil sa ginawa nila sa 'kin noon sa room, sinong hindi maiinis do'n? Pero ngayong naging close na kaming lahat ay doon ko talaga nalaman na mabait naman sila, gago lang talaga.

"Jake peram cellphone mo" sambit ko sakaniya. Kinuha niya naman ang cellphone niya at binigay saakin.

Agad ko 'tong kinuha dahil alam ko naman ang password niya. Pumunta ako sa camera para mag picture kaming dalawa. Wala lang naboring lang kasi ako.

"Jake picture tayo dalii!" agad ko siyang inakbayan at kahit hindi pa siya ready ay agad ko 'tong pinindot.

Syempre kapag pangit ako sa pictures namin id-delete ko 'yon. Pero kung siya lang ang panget syempre hindi ko id-delete.

Nakailang picture pa kami kahit hindi maayos ay hindi ko na denelete. Memories din 'yan 'no sayang.

Sa kanilang lahat kasi ay kaming dalawa ni jake ang pinakamaraming pictures. Wala namang siyang angal sa tuwing hinihiram ko 'yong cellphone niya, pinupuno ko ng pagm-mukha ko. Hindi naman kasi agad naf-full storage 'yong cellphone niya eh. Duh iphone 'to. Lahat sila naka iphone kaya keri lang ng storage nila 'yan.

Hindi lang halata pero close talaga kami ni jake. Matalino rin 'yan si jake, kaya kapag may hindi ako naiintindihan sakaniya ako nagtatanong. Kung ibang babae lang ako ay baka jinowa ko na 'tong si jake.

Chos lahat na lang jinowa ko na.

Napangiti naman ako habang tinitignan ko 'yong mga pictures namin. May mga stolen, wacky. Gwapo talaga ni jake kahit stolen, lugi ako kapag stolen eh.

Lalo akong napangiti sa nakita kong isang picture dahil ang cute namin ro'n. Naka wacky kaming dalawa. Nakahawak ang kamay ko sa pisnge niya habang pisil pisil 'yon tapos naka dila ako't nakatingin sakaniya, habang siya naman ay nagpipigil ng tawa at nakatingin saakin tapos ang isang kamay niya ay nakalagay sa ulo ko't tila ginugulo ang buhok ko.

Infairness ang gwapo.

Agad akong pumunta sa messenger para isend saakin 'yong mga pictures namin. Nang maisend 'yon ay pumunta naman ako sa settings para palitan ang wallpaper niya at ilagay ang picture naming 'yon. Wala ng paalam-paalam dahil hindi naman 'yan aangal kaya ako na ang nag lagay.

Nang mailagay ko na 'yon bilang wallpaper niya ay nag picture muna ako ng ilang beses bago ibigay sakaniya. Kinuha niya naman 'yon at binulsa, buti na lang at hindi niya tinignan.

Hindi kami napansin no'ng dalawa dahil naka focus talaga sila sa panonood ng anime. Lahat kasi ng pinapanood nila puro anime. Which is good din naman dahil mahilig din ako sa anime. Maliban sa mga romance 'yong genre dahil wala lang, nakokornihan lang ako. Wala na nga akong jowa tapos manonood pa ako about doon, edi nagmukha talaga akong single?

Bandang 10:37 pm na no'ng dumating sila sky sa bahay. Gano'n pa rin naman ang itsura nila, walang pinagbago mukha pa ring gago.

Si hades at ace ay umakyat nasa taas kung nasaan ang kwarto nila. Habang ang iba ay naiwan dito sa sala para manood at makikain saamin

Mukhang pagod sila dahil pawis na pawis sila kahit na may aircon naman sila sa kotse nila. May bahid din ng dumi 'yong mga suot nila kaya malamang ay may ginawa na namang kakaiba 'tong mga 'to.

Hindi ko na lang sila tinanong at hinayaan na lang silang kumain dahil kawawa naman, pagod na pagod daw sila. Si sky naman nanatili lang sa tabi naming dalawa ni jake at nananahimik. Mukhang pagod din siya kaya hindi ko na kinulit at hinayaan siyang magpahinga sa tabi ko.

Gusto ko mang macurious kung anong kinapagod ng mga 'to pero dahil dakila akong tamad ay hindi na ako nacurious. Nakakatamad kayang mag isip at mag tanong ng mag tanong sakanila.

Kaya imbes na macurious ako ay kumain na lang ako at nanood sa tv habang lumalamon.

Class ZWo Geschichten leben. Entdecke jetzt