Special Chapter

408 18 1
                                    

"Mama gusto ko po ng ice cream"

"Ice cream? Kakakain mo lang ng cotton candy xandra"

"Sige na po~"

"Oh siya sige sige, d'yan ka muna, 'wag kang aalis maliwanag ba?"

"Opo!"

"Antayin mo si mama okay?"

"Roger! Hehe"

Umalis na si mama at mag-isa na lang akong nakaupo. Pumunta kami ni mama sa park dahil sunday ngayon at eto ang reward ko!

Top 1 kasi ako sa buong klase namin kaya natuwa saakin si mama at binigyan ako ng reward.

Wala si papa dahil hiwalay na sila. Simula no'ng nagkahiwalay sila hindi ko na siya muli nakita. Pero lagi niya akong pinapadalahan ng mga laruan o hindi kaya pera.

"Matapang kang bata ka ha!"

"Pare bata lang 'yan tara na baka may makakita pa!"

Napalingon ako sa bandang likuran ko at may nakita akong dalawang malaking lalake na paalis na at may isang batang lalake na may sugat sa mukha.

Umupo 'yong bata sa may upuan malapit sa gilid niya at hinawakan ang mukha niya. Nakita ko siyang napa-aray dahil siguro sobrang sakit ng pisnge niya sa natamo niyang suntok mula sa lalake kanina.

Agad akong bumaba sa upuan ko at tumakbo patungo sakaniya.

"Hello!" sambit ko pero tinignan niya lang ako at hindi na pinansin.

Kinuha ko 'yong panyo ko sa bulsa ko at dahan-dahang pinunasan ang mukha niya dahil may dumi sa may pisnge niya.

Napatingin siya saakin at nginitian ko naman siya habang pinupunasan ang mukha niya.

"Wala kang kasama?"

Umiling siya.

"Ayan tapos na!" nakangiti kong sabi sakaniya kaya naman napahawak siya sa mukha niya.

"Anong ginagawa mo rito mag-isa?"

"May hinahanap ako"

"Ahh... eto oh" bigay ko sakaniya ng lollipop.

"Bawal ako--"

"Sige na kunin mo na!" kinuha ko ang kamay niya at nilagay don ang lollipop na hawak ko kanina. "Ako nga pala si Xandra, 6 years old na 'ko!" nakangiti kong sabi sakaniya at umupo sa tabi niya.

"Ikaw anong pangalan mo?" tanong ko sakaniya.

Hindi siya umimik at nakatingin lang sa baba.

"Ha--"

"Xandraaaaa!"

Napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko naman si mama kaya dali-dali akong tumayo dahilan para mapalingon siya saakin.

"Hinahanap na ako ni mama, mauuna na 'ko! 'Wag mo 'kong kakalimutan ah?Babye!" sambit ko at kinawayan siya bago tumakbo patungo kay mama.

"Hades. Hades ang pangalan ko."

"Mama!"

"Xandra jusko! Saan ka ba pumunta?" niyakap ako ni mama kaya niyakap ko rin siya.

"Do'n po sa batang lalake na nakaupo. Tinulungan ko po siya dahil sinuntok po siya sa mukha no'ng lalake" paliwanag ko kay mama at napangiti naman siya.

"Very good xandra, pero 'wag basta-basta aalis ha?"

"Opo!"

"Oh asan 'yong bata?"

"Ayon p-- eh? Asan na siya?" tuturo ko na sana pero wala na siya sa pwesto niya.

"Baka umalis na kasama magulang niya" sabi saakin ni mama kaya napatango na lang ako.

"Alam mo mama ang gwapo niya po" natawa naman si mama sa sinabi ko.

"Ikaw talaga xandra!" natatawa niyang sabi.

"Hehe. Balang araw kapag malaki na kaming dalawa papakasalan ko po siya!" lalong natawa si mama sa sinabi ko kaya naguluhan ako.

"Kung makita mo ulit siya. Alam mo ba pangalan niya?" nakangiting tanong niya saakin kaya naman nanlumo ako.

Umiling ako. "Hindi po..."

"Gano'n ba? Oh siya eto na 'yong ice cream mo. Kainin mo na dahil baka matunaw"

"Wow! Salamat mama!" nakangiti siyang tumango kaya nagsimula na akong kumain.



Hindi ko man kilala ang pangalan mo, gano'n din sa mukha mo. Alam ko lang gwapo ka hehe.

Class ZWhere stories live. Discover now