Chapter 17

480 18 1
                                    

Xandra

After 30 minutes na byahe kanina nakarating din ako sa ayala. 4:39 pm na nga eh. May ilang oras pa ako rito para mag libot libot.

Sabi ko kasi kay sky kapag 7 wala pa ako alam niya na, kaya kailangan bago mag 7 makauwi na ako. Baka kung ano ano na naman ang isipin no'n at hindi na ako payagan gumala mag isa.

Habang nag lalakad ako papuntang river walk may nakabunggo ako. Nalaglag ang dala dala niyang plastic na may lamang chichirya at softdrinks. Agad kong kinuha ang mga nalaglag at inilagay sa loob ng plastic.

Nag angat naman ako ng tingin sa nakabunggo ko at natigilan naman ako sa pag abot sakaniya ng plastic.

"Caleb?"

"Xandra?"

Sabay naming sabi kaya natawa kaming dalawa. Iniabot ko sakaniya ang plastic na hawak ko at agad niya namang kinuha 'yon.

"Sorry ah?" sambit ko at ngumiti ng pilit sakaniya. Wala lang ang weird na mag kita kami ngayon dito.

Huli naming pag kikita o pag uusap no'ng naka bunggo ko rin siya. Baka gano'n ang ginawa ng tadhana para pagkitain kami.

"Ako dapat ang humingin ng sorry. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko eh" awkward siyang tumawa kaya ngumiti na lang ako sakaniya. "Ah ano nga palang ginagawa mo rito?"

"Dito ako pumupunta minsan para tumambay" napatango naman siya. "Ikaw?"

"Katulad lang din ng sa 'yo. Maganda kasi ritong tumambay lalo na tuwing hapon." nagsimula naman kaming maglakad at nag hanap ng natatambayan.

"Naalala ko tuloy 'yong una nating pag kikita. Ganitong ganito rin" natawa naman siya at napatango.

"Oo nga 'no?" umupo kami sa napili naming pwesto kung saan matatanaw mo 'yong pag lubog ng araw. "Tagal nga nating hindi nag kita eh"

"Busy eh" pag sisinungaling ko. Ni wala ngang pumasok na ibang teacher saamin.

"Sabagay. Ay balita ko may gaganaping program sa next next week" natawa naman ako sa sinabi niya.

Kasisimula pa lang may program na agad? Sabagay mas okay na rin 'yon saka matagal pa naman.

Inabot sa 'kin ni caleb ang isang vcut kaya tinanggap ko naman ito at nag pasalamat sakaniya. Nginitian niya lang ako at inabutan ng coke.

Agad akong tumanggi dahil hindi ako umiinom ng coke. Minsan lang. Hindi ko kasi siya bet mga sis, mas gusto ko 'yong mountain dew.

"Ayaw mo sa coke?" tanong niya saakin. Tumango naman ako kumain ng vcut. "Tubig na lang kasi ang meron ako rito, ayos lang ba?" tumango naman ako at ngumiti.

"Salamat" kinuha ko ang tubig na inabot niya sa 'kin. Ayos naman palang kasama si caleb eh, nalilibre ako sa pagkain.

"Mag isa mo lang?"

"Hindi. May kasama ako pero may pinuntahan lang siya saglit." syempre charot lang. Hindi naman sa wala akong tiwala kay caleb mas okay ng sigurado. May nang bugbog na nga saakin no'ng nakaraan eh, buti na lang at naghilom na agad ang mga sugat ko.

Salamat sa demonyong ng gamot sa 'kin.

"Kamusta ka naman?" pag iiba ko ng usapan. Tumingin naman siya sa 'kin saglit bago sumagot.

"Gano'n pa rin, busy sa mga paper works" napatango naman ako. Na curious tuloy ako kung anong section niya at bakit ang dami nilang paper works. "Ikaw?"

"Ako? Buhay pa rin naman" natawa naman kaming dalawa sa naging sagot ko.

Nag patuloy lang kami sa pagkwe-kwentuhan at pag aasaran. Na kwento niya na nga rin sa 'kin 'yong tungkol sa kinaiinisan niyang teacher eh.

Masyado raw madaming pinapagawa.

Ilang oras din kaming nag kausap at napatingin naman kami sa araw na palubog na.

Shit!

Napatingin ako sa relo ko at nakita kong 6:15 pm na pala! Gago kailangan ko ng umalis.

"Ah caleb, mauuna na ako ah? Hinihintay na kasi ako ng kasama ko eh" tumayo na ako sa pagkaka upo ko at gano'n din ang ginawa niya.

"Gusto mo ihatid na kita?" agad akong umiling sakaniya at ngumiti.

"Hindi na malapit lang naman. Salamat nga pala ah?" ngumiti naman siya. "Mauuna na ako, bye!" kumaway siya sa 'kin at mabilis akong naglakad papunta sa loob ng mall mismo.

Oo nga pala. Sa labas kami nakatambay dahil river walk nga 'di ba? Alanga namang nasa loob ng mall 'yon?

Nang makapasok na ako sa loob, agad akong tumakbo papuntang exit. Lalabas na sana ako ng may nahagip ang mata kong isang milktea shop.

Tumigil muna ako sa pag takbo at tumingin sa relo ko. 6:20 pa lang aabot naman 'yan. Tumakbo ako papunta sa milktea shop at pumasok sa loob.

"Good evening ma'am may we take your order?" bati sa 'kin ng isang babae sa counter. Wala namang masyadong pila kaya aabot naman ako.

"14 large, classic milktea" sagot ko at kumuha ng pera sa wallet ko.

"Anything else ma'am?"

"Padagdag ng pearl 'yong dalawa, 'yon lang" tumango naman siya.

"Ano pong name?" tanong niya habang hawak hawak ang isang lalagyanan ng milktea.

"Xandra" ngumiti naman siya sa 'kin at nilagyan ng pangalan ko 'yong dalawang lalagyanan ng milktea.

"1,750 po ma'am" iniabot ko naman sakaniya ang bayad at ibinigay niya naman sa 'kin ang sukli ko.

"Here's your receipt ma'am, tatawagin na lang po namin kayo" tumango naman ako at kinuha ang resibo ko saka umupo sa isang tabi.

Tumingin ako sa relo ko at 6:23 pm na. Keri pa 'yan. Wala naman masyadong tao rito dahil hindi pa naman nag sisiuwian ang nagtatrabaho sa loob ng base.

Kinuha ko muna ang cellphone ko at nag basa muna ng wattpad. Wala naman kasi akong games dito sa phone ko.

Nag simula na akong mag basa at itinuon muna ang atensyon ko ro'n para hindi ako mainip.

Ilang minuto rin ang inabot ko sa pag babasa ng tawagin na ang pangalan ko. Agad akong tumayo at tinago sa bag ko ang cellphone ko bago pumunta sa counter.

"'Yong dalawa pong milktea na may pangalan niyo, 'yon po 'yong may dagdag na pearl" ngumiti naman ako sakaniya at kinuha ang plastic na hawak niya. Nag pasalamat naman ako bago lumabas ng shop nila.

At dahil malapit lang naman sa exit 'tong shop nila agad din kong nakalabas sa ayala at pumunta sa mga taxi na nakaparada sa gilid.

Sumakay ako sa pinaka unang taxi at sinabi ang pupuntahan namin. Tumingin naman ako sa relo ko at 6:30 pm na.

Mabuti naman na lang talaga at napansin ko ang oras habang kasama ko si caleb at kung hindi? Nako hinding hindi na ako makakalabas ng bahay ng mag isa.

Tahimik at smooth lang ang naging byahe dahil wala namang traffic dito. Tumingin na lang ako sa bintana at pinag masdan ang paligid.

Ang ganda talaga rito kapag sumasapit na ang gabi. Madaming ilaw ang nag sisibukasan bago pa sumapit ang dilim. Kapag pumunta ka rito, kahit saan ka lumingon may ilaw na nakabukas kaya hindi ka matatakot na mag lakad mag isa rito ng madaling araw.

Ilang minuto din akong nagmumuni muni sa bintana. Napatingin naman ako sa relo ko at 6:43 pm na.

Class ZOnde histórias criam vida. Descubra agora