Chapter 40

439 19 1
                                    

Xandra

"Ingat alipin ko" ngising kong sabi ng makalabas na ako sa kotse niya. Bilis ng byahe 'no? Nandito na agad kami sa school.

"Makakaasa ka mahal kong prinsesa" ngisi niya ring sabi kaya parehas kaming natawa.

Ewan ko ba. Minsan magkasundo kami, minsan naman hindi.

"Layas na sho!" sambit ko't ngumiti naman siya bago paandarin ang kotse niya.

Hinintay ko munang makaalis ng tuluyan ang kotse niya bago ako umakyat sa building namin. Tulad nga ng sabi ko ang parking lot at building namin, malapit lang kaya kering keri 'yan. Pero hindi ibig sabihin na parking lot 'to ay madami ng kotse na naka park. Syempre walang ibang naka park dito na kotse kun'di sa buong Class Z lang.

Sino ba naman kasing maglalakas loob na mag park dito kung kinakatakutan sila 'di ba?

Maya maya pa'y naisipin ko ng umakyat dahil wala naman na ang kotse niya at baka malate na rin ako.

Echos lang wala namang pumapasok na teacher saamin.

Lakad lang ang ginawa ko at hindi na nag abala pang tumakbo. Pinapagod ko lang sarili ko kung tatakbo pa ako. Saka para saan pa ako tatakbo kung wala namang papasok na teacher?

Nasanay na rin akong walang ibang pumapasok na teacher saamin dahil ilang araw na rin akong nananatili rito. Pero may natututunan naman ako kahit papaano. Nandito naman si sir marc na masipag pumasok.

"Ngiting ngiti."

"Ay gago!"

Napahinto ako sa paghakbang sa hagdanan ng may nagsalita sa likod ko. Kinginang hades 'yan. Multo ka teh?

Aatakihin ata ako sa puso nito eh. Bigla biglang may nagsasalita. Buti na lang at wala pa ako sa kalahati ng hagdanan.

"Bakit ka ba nang gugulat?!" irita kong sabi ko sakaniya pero wala man lang reaksyon ang mukha niya.

'Wag mong sabihing siya pa ang galit saaming dalawa?

"Hindi ako nang gulat, kusa kang nagulat." malamig niyang sabi at tumuloy na sa pag akyat kaya naman sumunod ako sakaniya.

"Saka ano bang ginagawa mo rito sa baba?" tanong ko sakaniya pero hindi man lang siya nag abalang tignan ako.

Luh Attitude.

"It's none of your business." pagsu-sungit niya saakin kaya napairap na naman tuloy ako.

Huwag kayong mag alala hindi pa naman siya nai-stuck. Kapag nai-stuck edi nai-stuck.

"May regla ka ba?" tanong ko ulit sakaniya pero hindi niya na ako pinansin.

Sungit.

"Hades." tawag ko sakaniya. Kukulitin ko lang wala akong magawa eh.

"Hades! Huy!"

"HaaaaAaaaaaadddddddEeeeeeSssssss"

"Hadesssss!"

"Luh."

"Snobber."

"Ah may regla."

"Gusto mo charmee?"

"Sister?"

"Modess?"

"Tampon?"

"Mens. Cup?"

"WHAT?!" natigil ako sa pagsasalita ng sumigaw siya. Muntik na nga akong mahulog sa hagdanan dahil sa sigaw niya eh. Bwiset 'yan.

Class ZWhere stories live. Discover now