Chapter 54

416 17 5
                                    

Xandra

"Hello guys!" bati ni cedrick sa apat pero hindi siya pinansin ng mga 'to at pumunta na sa kaniya-kaniya nilang pwesto.

Aww. Sakit sa hurt. #peykprends

"HAHAHA! Ngayong kompleto na kayo, pwede na siguro akong mag-announce" dagdag niya pero wala ni-isa saamin ang kumibo.

Ano na naman kaya ang ia-announce netong abnormal na 'to.

"Alam kong nasabi na sainyo ni sir marc ang tungkol sa program" huminto siya sa pag sasalita at tinignan kami isa-isa. "Well, alam ko naman na hindi kayo pupunta pero as a student council president! Ini-imbitahan namin kayong dumalo sa program." masaya niyang sabi pero nakatunganga lang kami habang nakikinig sa kaniya.

Ay nakikinig kami?

"Request din ng principal ang imbitahin kayo, kaya no choice kami kun'di ang sumunod sa nakatataas"

"Eh ayaw namin eh?" sagot naman ni cywell kaya napunta ang atensyon naming lahat sa kaniya.

"Oo nga.

"Boring lang do'n eh"

"Matutulog na lang ako"

"Same"

"Hindi worth it ng atensyon namin 'yan"

"Tama"

"Iba na lang ayain niyo"

Pagsang-ayon naman ng iba kay cywell kaya napangisi lalo si cedrick.

Wow goodluck sa panga mo

"Ang principal na mismo nagsabi na imbitahin kayo. Atsaka malay niyo.... patawarin na kayo ng principal" ngising sabi niya kaya naman natahimik ang paligid.

Tahimik talaga.

Si cedrick lang pala ang kailangan para mapatahimik 'tong mga 'to eh.

Sana pala matagal ko ng nakilala 'tong si cedrick.

"Mas gusto pa naming hindi na mapatawad kesa matulad sa traydor na akala mo kung sinong inosente." sagot naman ni keven.

"Bars"

"Kevs for the win"

"Sunoggg"

"Trastok ka 'di ba"

"Payag ka no'n pres? Syempre payag ka na tanga ka eh"

"Sinabi mo pa"

"Tanga pa sa mas tanga"

Napatingin ako kay cedrick na nasa harapan pero nakangiti pa rin siya. Hindi man lang ata nasasaktan sa mga sinasabi sa kaniya.

Bigla tuloy akong naawa.

Kung ako 'yan, iiyak na ako. Ikaw ba naman sabihan ng gan'yan ng lahat eh, 'di ka masasaktan?

"Kung 'yan ang desisyon niyo, wala akong magagawa. Pero kailangan niyo pa ring dumalo saamin"

"Tangina ang kulit ah--"

"Ian."

Napalingon si ian sa pwesto nila sky ng tawagin siya neto. Tumango ito sa kaniya kaya tumango rin si ian na parang nagkaka-intindihan sila gamit ang pag tango lang.

Class ZWhere stories live. Discover now