Prologue

114K 4.7K 2.4K
                                    

My name is Carnelia Manelli, 30 years old. Isang anak ng military general at popular na designer na sina Jared at Kacey Manelli. Sa propesyon pa lang nila ay magkakaroon ka na agad ng ideya kung anong klaseng pamumuhay ang meron kami bilang isang pamilya. 


At dahil nga sa sobrang ginalingan ng magulang ko ay hindi naging madali ang buhay ko... 


"You must do this!" 


"You should excel in everything!" 


Those words are all over my head! I can't even rest! 


Alam ko naman na mayaman at popular ang pamilya namin dahil sa mga achievements nila. Pero hindi naman siguro sapat na dahilan 'yon para pagurin ko ang sarili ko, 'diba? 


Geez. Kahit ano mang reklamo at pangangatwiran ang gawin ko sa kanila ay wala pa rin naman akong nagawa sa huli kung hindi ang sumunod.


Noong nag-aaral pa ako ay kilala ako ng lahat sa pagiging talented at sporty. Pagdating sa mga physical strength, endurance at stamina ay kaya kong makipagsabayan sa mga lalaki. Sabi nga ng iba ay nasa akin na ang lahat... Kung hindi lang ako panget! 


"Oo, namana ko lahat ng talent ng magulang ko, pero bakit hindi ang kanilang kagandahan at kagwapuhan?!" 


Well, hindi naman talaga ako sobrang panget. Sadyang mga exaggerated lang manglait yung mga kaklase ko noon. Siguro may mga lihim silang galit sa'kin dahil sa mga kasamaan kong ginawa sa kanila. 


Hindi naman kasi ako mabait kaya hindi na bago sa'kin kung talaga ngang kinasusuklaman nila ako. Heh! Wala naman akong pakialam. Basta huwag lang nilang ipakita nang harap-harapan ang mga pag-uugali nila. 


Bukod pa sa hindi ako kagandahan ay may katabaan din ang katawan ko. Actually, hindi naman ako sobrang taba noon. Kung tutuusin ay puro muscles ang katawan ko. Ang kaso ay nasiyahan ako sa pagluluto kaya ang ending ay medyo nagkalaman ang aking tiyan.


Dahil tuloy doon ay madalas akong pinagbubulungan ng mga feeling magaganda kong kaklase. Sa tingin ko nga ay talagang hinintay lang nila na may mapuna sila sa'kin. Tsk! Ang lalakas ng loob hanggang bulong lang naman ang kaya nilang gawin.


Ako kasi yung tipo ng anak na sakit sa ulo ng magulang. Kaya kapag may ayaw ako ay sinasabi ko. Kapag may gusto akong gawin ay ginagawa ko. At kapag ayaw ko sa mukha mo, mas mabuti pang simulan munang magtago.


As you can see, I'm not a typical girl you could meet everywhere. Girls my age don't like to be around me since they think I'm a hot-headed girl with a personality disorder. They are right, tho.


So, if I'm not in the mood and you still love your life, you should run away from me. If possible, as fast as you can.


But aside from those small matters, I can say that everything was okay... 


My life... 


My family... 


My career...


Until everything changes. 


Nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano pagbabarilin si papa ng mga lalaking nakasakay sa van. Walang awa at nagtatawanan pa ang mga ito habang ginagawa ang karumal-dumal na bagay na siyang naglagay kay papa sa bingit ng kamatayan. 


"At simula nga nung araw na 'yon ay nagbago ang lahat..."

.

.

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon