Chapter 40

62.5K 3.1K 1.1K
                                    

Nagising ako ng maaga nang mapanaginipan na may hindi mabuting mangyayari mamaya. Geez! Pati ba naman sa panaginip ay hinahabol pa rin ako ng problema!


Nang hindi na ako makatulog ay minabuti ko na lang na bumangon para gawin ang aking morning exercises at simpleng martial arts routine. Kailangan ko kasing mapanatili ang magandang katawan ni Heavenhell, dahil ayoko ulit mangyari ang nangyari sa'kin sa kabilang mundo.


Bilang sporty person ay masasabi ko na fit at may muscle ang katawan ko noon. Ang problema nga lang ay bigla kong nahiligan ang pagluluto to the point na kain lang ako nang kain. Doon ko na-realize na gusto ko pa lang magluto ng mga masasarap na pagkain!


Kaya nga simula noon ay unti-unti akong nagkalaman. Although, nagti-training pa rin ako ay masasabi ko na mas lamang ang pagkain ko. Like duh? Masarap kayang kumain! 


At magmula ng ma-ospital si daddy ay mas lalo lang lumala ang eating habit ko, kaya ang ending ay mas dumoble ang timbang ko.


"I don't want that to happen again!" 


Kung si Heavenhell nga na ubod ng ganda ay inayawan ng mga tao sa mundong 'to, paano pa kapag tumaba ulit ako diba? Siguradong magbubunyi ang mga kontrabida sa buhay ko!


Pagkatapos kong mag-training ng isang oras ay tsaka ko naman nilabas ang punyal na nakuha ko sa tauhan ng pamilya Diaz. Since hindi naman nakarehistro ang punyal na 'to sa Weapon Registry ng Government Sect at Military Sect ay walang makakaalam kung saan ko 'to nakuha.


Ang mga firearms o kahit anong weapons kasi dito ay kailangan ding irehistro katulad sa Earth na may mga batas na kailangang sundin. Kung gusto mong maka-acquire ng sariling armas ay kailangan mong kontakin ang Attorney General's office ng Government Sect at masunod ang mga requirements na meron sa National Weapon Act ng Atlante.


'Yan ang isa sa patakaran ng Government at Military Sector patungkol dito, pero iba ang batas kapag nasa Mafia Organization Sect ang pamilya mo. Tulad nga ng sabi ko ay napaka-wirdo ng mundong 'to kumpara sa Earth na iisa lang ang namumuno kada bansa depende kung monarchy man yan o democratic.


Atleast doon ay hari, reyna, at presidente lang ang iisipin mo. Dito ay hindi lang isa o dalawa kundi apat ang namumuno sa iisang bansa! Kaya mamamangha ka na lang kung bakit walang nangyayaring giyera ngayon sa apat na sektor.


Well, hindi naman nakakapagtaka dahil halos sakop ng pamilya ng male lead ang apat na sektor, kaya bakit pa kailangan ng giyera diba? Tsk!


Napailing na lang ako sa mga pinag-iisip ng author at talagang trip niyang pahirapan ang mga reader niyang magproseso ng impormasyon. Ayan tuloy, pati ako ay nadadamay ngayon! Hayys!


Mabilis kong ginalaw ang kamay habang hawak-hawak ang trench knife sa kanan ko. Nagpractice lang ako nang nagpractice hanggang sa ma-satisfy ako sa resulta. 


Actually, napapansin ko lately na bumibilis ang pagbabago ng katawan ni Heavenhell. Masasabi ko na dumoble ang lakas ko ngayon kumpara sa kung ano ako bilang si Carnelia. 


Feeling ko nga kapag sinampal ko ang makapal na mukha ng bruhang si Mitchel ay matatanggalan siya ng ngipin sa lakas non. Ayokong mag-assume pero malakas ang pakiramdam ko na may kakaibang nangyayari na hindi ko maintindihan.


Ito ba ang tinatawag nilang transmigration benefits?! Kasi sa mga novels at comics na nababasa ko ay may mga systems chuchu silang nae-engkwentro o kaya imposibleng talento na tutulong sa kanila.


Pero kapag iniisip ko na mangyayari 'yon sa'kin ay hindi ko maiwasang matawa. Gosh! It's so corny! Ayokong isipin na dahil sa kung anong kababalaghan nanggaling ang lakas na meron ako. In the first place malakas na ako noon pa, mas lumakas nga lang ngayon.


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon