Chapter 27

51.8K 2.7K 267
                                    


"This is not just an ordinary clothes, Pira. This is a bulletproof vest, a suitable birthday gift for my dad!"


"A bulletproof vest? Is there such a thing?!" hindi makapaniwalang tanong ni Pira.


"Hmm..." nakangiti kong sang-ayon sa tanong niya.


Ang bulletproof vest kasi ay hindi pa naiimbento sa Pangaea, pero meron ng mga body armor na kadalasang ginagamit sa military. Pero kung ikukumpara mo yung dalawa ay higit na mainam na gamitin ang bulletproof vest, lalo na kung nasa labanan ka.


"Is it designed by you, my lady? What is it made of?" namamangha nitong tanong.


"Yes, this is quite easy to understand. This bulletproof vest consists of a panel, a vest-shaped sheet of advanced plastics polymers that is composed of many layer. Well, the panel provides protection but not much comfort. It is placed inside of a fabric shell that is usually made from a polyester or cotton. You see this, right? The side of the shell facing the body is usually made more comfortable by sewing a sheet of some absorbent material onto it." paliwanag ko habang tinuturo ang bawat parte ng bulletproof vest.


"This is a modern light armor specifically designed to protect the wearer's vital organs from injury caused by firearm projectiles. I think of this as a gift because this vest is intended to be worn in especially dangerous situations. You know Dad right? He's always in danger, so I believe that this will help him protect his life." nakangiti kong sabi.


Nagulat na lang ako nang bigla siyang napaluha sa hindi ko malamang dahilan. May nakakaiyak ba sa sinabi ko?


"You're really kind, my lady! You still didn't change! I can see that you really love your father..." naiiyak pa nitong sabi na kinanganga ko. Ano raw? Bakit parang may mali sa mga sinabi niya?


Sa totoo niyan, wala talaga akong pakialam sa ama ni Heavenhell. Kung hindi nga lang nasa panganib ang buhay ko ay hindi ako mag-aabalang magbigay ng regalo sa birthday niya. Kaya lang bigla kong naalala na pagkatapos ng birthday banquet ni Lord Caventry ay makikipagkita sila sa mafia group na naka-base sa Mordovia.


Dito magkakaroon ng problema ang operasyon, kaya maraming nasawing miyembro ang Caventry mafia group. Ang masama pa roon ay mababaril si Lord Caventry na maglalagay ng buhay niya sa peligro! Base pa sa nobela ay magtatagal ito ng ilang buwan sa hospital bago tuluyang makalabas.


Dahil sa nangyari ay maraming mafia group sa Atlante ang kumilos para mapababa sa ranggo ng Mafia Organization Sect ang Caventry. Ibig-sabihin lang non ay manganganib na naman ang buhay ko dahil siguradong ako ang magiging target ng lahat.


Hindi naman sa natatakot ako sa mga animal na 'yon, dahil bukod sa mga male leads at female lead ay wala na akong dapat katakutan. Ang mas iniintindi ko kasi ngayon ay ang kayamanan ng Caventry. Kapag nalagay sa peligro ang partriach ng pamilya ay magiging malaki rin ang mawawala, kaya hangga't maaari ay kailangan ko muna silang tulungan.


"This is just a small thing, Pira. You don't need to look at me like you're worshipping me, okay?" sabi ko na lang.


Kung makatingin kasi siya sa'kin ay parang ako na ang pinakahinahangaan niyang tao na nabubuhay sa mundong 'to. Seriously? Paano na lang kung makilala niya sila Einstein, Plato, Socrates at iba't-ibang tao na nasa history ng Earth? Baka atakihin siya sa puso dahil sa mga ambag nila sa mundo.


"Hindi lang 'to maliit na bagay, my lady! Hindi mo ba alam kung anong maitutulong ng naimbento niyo sa buong Atlante? Marami kayong matutulungan!" excited na sabi niya na kinaubo ko.

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossOnde as histórias ganham vida. Descobre agora