Chapter 89

100K 5K 8.3K
                                    


Jerry's POV

~ Day 5 of Hell Week Training

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang bangko habang tinitignan isa-isa ang mukha ng mga trainee. Sa bilang nila ngayon ay mapapansin mo kung gaano na karami ang natanggal sa kabuong dami nila bago magsimula ang training.

Napapahinga na nga lang ako nang malalim sa tuwing naiisip ko kung gaanong trauma ang naranasan nila sa nangyari kahapon. Isipin mo na halos umabot ng bente ang mga namatay na trainee nang dahil sa training na ginawa nila kahapon!

Kahit sino ay matatakot at kakabahan, lalo na't hindi pa sila nakakaranas ng tunay na labanan. At higit sa lahat, ito rin ang unang beses nilang makakita na ang maituturing nilang kaibigan ay namatay mismo sa harap nila.

Kung tutuusin ay maagang mental torture ito sa kanila. Mas maigi kasi na malaman nila na normal na pangyayari sa reyalidad ang masasaksihan nila ngayon.

May mga pagkakataon talaga na mamamatay ang mga kasamahan natin sa giyera at wala tayong magagawa kung hindi ang lakasan ang ating loob at tapusin ang trabaho. Tsaka na ang pag-iyak at pagluluksa, dahil mas malaki ang mawawala kapag nabigo kayo sa misyon.

Hayys! Nakakaawa ang mga trainee na 'to pero wala naman akong magagawa kung hindi ang panoorin na lang sila. Atsaka, kahit na napakahirap talaga ng training nila ay masasabi ko pa rin naman na mas makakabuti ito sa kanila.

Tulad na lamang ngayon kung saan magsisimula na ang pang limang araw na training nila. Walang pahinga-pahinga na magaganap, dahil kailangan agad nilang sumabak sa rappelling at airborne exercises.

Tsk! Tsk! Laking pasasalamat ko na lang talaga at hindi ko naranasan ang Hell Week Training na ginawa ng best friend kong si Lady Heavenhell. Hindi ko nga akalain na sa mukha nitong anghel ay may natatago pala siyang ganitong klaseng ideya na talagang matatawag mo na pang-demonyo.

My goodness, huh! Kahit naman kasi na may mga ganito talaga kaming training noon ay iba pa rin yung mga nangyayari ngayon. Hindi namin kailanman nagawang gawin ang mga training na 'to sa loob lamang ng isang linggo.

Kung minsan ay halos dalawa o higit pang mga araw ang kailangan namin bago kami makapagsimula ng training na tulad nito. Pero ngayon, iba na! Isang linggong training papuntang impyerno yata ito ehh!

Nakakatakot na mental conditioning ang kailangan ng mga trainee para makapasa at umabot sa last day ng training.

Hayys! Nakakailang buntong hininga na ako dito dahil pati ako ay nai-stress na. Nakakahawa kasi ang mukha ngayon ng mga trainee na para bang pasan-pasan nila ang lahat ng problema sa mundo.

Pasimple na lang akong umiling bago tinuon ang atensyon kay kahoy-este kay Captain Wood na kasalukuyang nagpapaliwanag na sa kailangan nilang gawin at tandaan.

Tutal ay napag-aralan na nila ang ibat-ibang klase ng rappelling at ang dalawang method ng parachuting na madalas na ginagawa sa military, ay masasabi kong mas mataas ang tsansa na walang masasaktan ngayon. Sana nga ganon ang mangyari!

Napalunok na lang ako nang bigla kong naisip na wala pa nga pala sa tamang kondisyon ang isip ng mga trainee ngayon. Mahirap ang rappelling at parachuting kung wala sa pokus utak at katawan ng trainee. Idagdag mo pa ang iilan na maaaring mangyari kapag ginagawa mo na yung mismong activity.

Paano kapag nagkaroon ng malfunction ang parachute? Makakapag-isip ba sila ng tama para mahila yung ripcord ng reserve nila?


Hayys! Kung maiisip lang nila lahat ng mga impormasyon tungkol dito ay magagawa nilang makaligtas kung sakali mang magkaroon ng problema.

Lahat kasi ng mga equipment na may kinalaman sa skydiving ay may tinatawag na second reserve canopy o sa madaling salita ay reserve parachutes. Ginagamit lang yun kapag may problema na talaga.

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now