Chapter 2

65.9K 3.6K 473
                                    


Gosh! Hindi ako makapaniwala sa nakikita ngayon. I can't believe that everyone compared this goddess to some bitch! Tsk!



Sa ngayon ay dahan-dahan ng bumabalik sa'kin ang mga alaala ni Heavenhell, kaya masasabi ko na maganda naman talaga si Mitchel.



Bukod doon ay magaling pumorma ang bruha dahil sa sanay ito sa mga social gatherings, kumpara kay Heavenhell na buong buhay niya ay nanatili sa kwarto para mag-aral.



Hanggang sa tumagal ay na-realize na ni Heavenhell na kahit mag-aral pa siya nang husto ay hindi pa rin siya mapapansin ng mga magulang niya.



Kaya naman simula noon ay ginaya ni Heavenhell ang pananamit at pag-uugali ni Mitchel, pero hindi ito naging successful dahil sa huli ay nagmukha lang siyang katatawanan ng lahat.



Bakit? Dahil wala siyang alam sa fashion at humihingi lang ng payo sa mga maid na nagta-trabaho para sa bruha.



"She tried her best to be acknowledged, but in the end, she died by poisoning herself!"



I can't believe that Heavenhell's death this time is because of suicide! Dahil tuloy sa ginawa niya, ay ako na hindi tagadito, ang kailangang humarap sa katakot-takot niyang hinaharap.



Napabuntong hininga na lang ako. Habang patagal nang patagal ay dumarami na ang impormasyon na pumapasok sa utak ko, kung kaya't lalo lang akong nagagalit para sa sitwasyon ni Heavenhell sa kamay ng mga Caventry.



Kailangan ko nang magsimulang magplano ng mga dapat kong gawin para makatakas sa pamilyang 'to. I'll do what I want and start not to care about those rats! They are nothing but a trash!



Pinag-aralan ko ang buong kwarto hanggang sa mapansin ang isang pamilyar na bag. Teka? Paanong nandito ang bag na 'yan?!



"Lady Athy, your food is ready. M--my lady, what's wrong? You looked pale!" Tinignan ko si Pira at tinuro ang bag na nasa gilid ng lamesa.



"About that, I saw you hugging it so tight, my lady." seryoso nitong sabi.



"Me? I'm hugging my bag? How come?! That's my bag in the other world!"



"The design is weird, my lady. But it seems important to you, so I've brought it here when you passed out in the probation room." Tinago ko ang pagtataka sa mukha ko at tumango na lamang.



Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na napunta ang bag ko rito, ganoong bago ako mamatay ay sigurado akong kinuha ito ng mga lalaking nagpahirap at pumatay sa'kin.



"Leave the food here and you may go." Tumango ito bago lumabas ng kwarto. Agad akong nagtungo sa puwesto ng bag ko at mabilis itong binuksan.



"It's really here! How did this happen?!"



Naalala ko na pagkatapos kong matanggap bilang Financial Analyst ng malaking kompanya ay bumili ako ng bagong laptop at mga USB flash drive dahil marami akong files na gagawin.



Sinong mag-aakala na dudukutin ako para torturin at patayin diba? Geez! Maalala ko lang lahat ng pinagdaanan ko bago mamatay ay nanggigil ang mga kalamnan ko!



Kinalma ko na lang ang sarili at kinontrol ang emosyon na ayaw kong ilabas sa panahon ngayon. Pagkatapos kong kumalma ay hinalungkat ko ang bag at nakita ang bagong bili kong laptop at cellphone na Apple ang brand.



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now