Chapter 28

54.5K 3K 1K
                                    


''Anong ginagawa niya dito?!'
 

"W--why are you here?" utal-utal kong taong sa lalaking nasa harap ko.
 
 


Damn! Parang kanina lang ay pinoproblema ko pa kung anong gagawin ko kapag nagkaharap kami ng male lead, tapos ngayon bigla-bigla na siyang lilitaw sa harap ko?! Yeah, tama kayo ng basa dahil nasa harap ko lang naman ang male lead na si Vile!
 
 
  

Ang pinagtataka ko lang ay paano siya napunta sa lungga ng mga Caventry? Sa pagkaka-alala ko ay wala nang koneksyon ang dalawang pamilya dahil sa pagkansela niya ng engagement contract. Idagdag mo pa na ang kakaibang ugali ng lalaking 'to, yung tipong hindi mo maiintindihan kung anong tumatakbo sa utak niya.
 
 
 

Wait! Baka ito na ang oras para maging magkaibigan kaming dalawa? Bwahahaha! I see! Marahil may ganitong eksena talaga sa libro na nakalimutan ko lang, kaya naman ay maigi na kaibiganin ko na ang male lead ngayon patungo sa maayos na future.
 
 
 

"Hello!" nakangiti kong sabi habang winawagayway ang kamay ko sa harapan niya.
 
 


Hindi kasi siya nagsasalita at nakatitig lang sa'kin na pawang may nakitang alien na hindi pamilyar sa kaniya. Seryoso? Nakaka-insulto 'tong hinayupak na 'to ahh!
 
 
 

'Whoo! Kalma self dahil kailangan natin siyang intindihin kahit na may pagka-abnormal siya!' pagpapakalma ko na lang sa sarili.
 
 
 

"Why are you here?" malamig nitong tanong na kinanganga ko.
 
 
 

Ehh?!
 
 
 

Bakit ako nandito? Malamang dito ako nakatira! Siraulo ba 'to?
 
 
 

"Ahmm... I live here Mr. Lucretius, how about you? Why are you here in our kitchen?" nakangiti ko pa ring tanong kahit gustong-gusto ko na siyang sapakin.
 
 


"I want to." maikli niyang sabi bago ako tinalikuran.
 
 
 

'That's all? He wants to, so he can be here anytime?!'
 
 


Kinalma ko na lang ang sarili bago tinignan ang katawan niya. Gosh! Hindi halatang mahal na mahal siya ng author ng nobelang 'to. Paano ba naman pati tindig at aura ng lalaking 'to ay hindi pinalagpas ng author! Kahit kasi simple lang ang suot niya ay napakagwapo pa rin ng animal. Tinalo niya pa ang mga greek god, hollywood stars, korean actors at anime male characters na palagi kong napapanood sa kabilang mundo.
 
 


Sus! Sa itsura ni Vile ay walang-wala sina Edward Cullen, Lee Min Ho, Park Seo Joon, BTS V, at kung sino-sino pang kinababaliwan ng lahat sa Earth. Ehem! Ehem! Baka kapag may nakarinig sa'kin na fan nila ay siguradong iba-bash ako ng mga 'yon!
 
 
 

'Heh! Ano bang alam nila ehh wala naman sila sa Pangaea hahahaha!'
 
 
 

Well, mabalik tayo sa naglulutong si Vile na hanggang ngayon ay wala pa ring imik. Hmmm... Kailangan ba talaga perpekto lahat ng male lead sa nobela o talagang O.A lang ang author at talagang binigyang diin niya na walang mas pe-perpekto pa sa animal na 'to?
 
 

Lumapit ako at tinignan ang niluluto niya. Wow! This guy is not bad! Ngayon ay talagang nagugutom na ako dahil sa mabangong amoy ng pagkain. Pwede kaya akong manghingi sa kaniya? Hindi naman siguro siya magdadamot para sa kokonting karne diba?
 
 

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now