Chapter 42

57.1K 3K 669
                                    

Makalipas ang ilang segundong pagtutulog-tulugan ay naramdaman ko na lang ang sarili na nakasakay na sa loob ng sasakyan. Geez! Kung hindi lang sanay ang katawan ko sa kabilang mundo sa mga droga na 'yan ay malamang ay tuluyan na talaga akong nawalan ng malay.


Mabuti nga at pati ang katangian kong 'to ay hindi pinagkait sa'kin ng kung sino mang diyos na nagdala sa'kin dito, dahil kung nagkataon ay siguradong patay na ang side character na 'to. 


Pasimple kong pinakiramdaman ang palagid. Ngayon ay nakatali ang mga kamay ko ng lubid habang nakapiring naman ang mga mata ko. Wala man akong nakikita ay ramdam ko na nasa tabi ko lang ang batang balak na kidnapin ng mga lalaki kanina. 


Kung bakit naman kasi ako biglang natulala sa itsura ng bata ehh, ayan tuloy nandito ako ngayon sa sitwasyon na 'to. Actually, this kid beside me is so familiar! But I can't remember when did I encounter him or is he part of the novel.


Pinilit kong pigain ang utak ko at hinanap ang mga detalye sa nobela na pwedeng nabanggit siya. Sa tingin ko kasi ay kaedaran lang siya ni Cabell. Kung hindi nga lang dahil sa malakas ang aura ng batang 'to ay hindi sana ako magugulat at maiisahan ng mga kidnapper.


'Aish! Think, Carnelia! Saan mo ba na-encounter ang batang may grayish na buhok at may mala-abong mata?'


Nanatili lang akong nakapikit habang kinokonekta ang mga physical characteristics ng bata sa nobela. I need to think deeper! Makalipas ang ilang minutong pagpipiga ng utak ko ay tsaka ko lang naalala ang mga impormasyon na hindi masyadong importante sa plot ng istorya. Kumbaga napasadahan lang ang scene na 'to at hindi nakapokus sa mga main leads kaya hindi masyadong nabigyang pansin ng mga readers. 


My god, Carnelia! Sino ba sa mga supporting male leads ang may gray na buhok at mala-abong mata?!


Think...

.

.

Think...

.

.

Think...

.

.

O_O


'It's Vengeance Leroi Eckheart! It's him... right?!'


Napalunok na lang ako sa naisip. Sa nobela ay isang beses lang nabanggit na may nakakabatang kapatid si Vance dahil maaga itong namatay, kaya ang alam ng lahat ng mga readers na nag-iisang anak si Vance ng mga Eckheart. Hindi naman nakakapagtaka na makakalimutan lahat 'yon ng readers kung sa early chapters pa 'yon nabanggit diba? 


Well, that's not important for now! What's important tonight is to save this kid from his early death, because I remembered in the novel that after this kid died, Vance wreaked havoc in the whole country just to kill those people whose behind this. 


Geez! So scary! Ang masama pa ay ako ang kasama ngayon ng batang 'to kaya wala akong choice kung hindi ang protektahan siya. Like duh? Ayokong mamatay sa kamay ng bias ko no! Atsaka nakakaawa rin naman kasi kung hahayaan ko lang mawala agad sa mundong 'to ang gwapong batang ito, sayang naman ang future niya!


'But what should I do? Hmm... Let me think first.'


Nanatili na lang akong nakapikit at pinagpatuloy ang pagbibilang sa utak. For now, this is the only way I can do to guess how far are we from the slave market. 


"Hindi kaya magalit si boss na may dala-dala tayong pabigat?" 


Napakunot ang noo sa narinig mula sa isang lalaki na hula ko ay nakasakay sa passenger seat. Walang hiya 'tong hinayupak na 'to! Sino ba kasing nagsabi na dalhin nila ako diba? 


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon