Chapter 95

46.8K 2.5K 729
                                    


Napataas na lang ako ng kilay habang pinag-iisipan kung itutulak ko ba siya palayo. Kaya lang kakaiba rin ang aura ng side character na 'to. Baka mamaya bigla ko siyang ma-offend tapos madagdagan pa tuloy ang kalaban ko sa mundong 'to.



"A-ahmm, Sino ka?" Tanong ko na sa kaniya nang makitang hawak-hawak pa rin niya ang braso ko.



"Please just stay behind me, Ms. Caventry." Seryoso nitong sabi. Napakunot ako ng noo dahil hindi naman niya nasagot ang tanong ko. Geez!



"Okay. But who are you?" Tanong ko ulit baka kasi hindi niya naintindihan ang sinabi ko kanina.



Nilingon niya ako bago sumagot. "I'm Venom's boyfriend."



Nang marinig ang sinabi niya ay napaisip ako. Boyfriend kamo siya ni Venom... Ehh sino siya sa mga'yon?



Okay? Sino ba sa mga boyfriend ni Venom ang palagi niyang nakakasama. Yung mukhang matalino at magalang tignan. Hmm...



"O–oh, so you're Viper!" Excited kong sabi na agad ko ring kinatigil nang makitang tumingin na siya sa'kin.



"How did you know, my lady?" Malamig nitong tanong.



"Heh! Kahit ano pang lamig ng boses niya ay wala pa ring makakatalo kay Vile. Boses pa lang non ay nakakamatay na ehh. P–ppft! Nakakamatay sa takot ang ibig kong sabihin at wala nang iba."



"I just made a wild guess." Nakangiti kong sabi at nagkuwaring nanghula lang talaga ako.



"I see."



Hindi ko na siya pinansin at tinuon kay Venom na patuloy pa rin sa paghampas sa lalaki. Sa tingin ko nga ay wala talagang balak magsalita ang lalaki sa kung sino ang nag-utos sa kaniya.



Hmm... Ano kayang galit nila sa'kin para ipapatay ako? Masiyado na ba silang threatened sa kagandahan ko para ipabura nila ako mundo? Hehe!



"Sige lang! Magyabang ka, Carnelia, at baka sa susunod ay marami nang mag-aabang sa'yong assassin sa labas. Aish!"



Napatingin ako sa iilang mga bisita na nandito pa rin. May mga guards silang kinuha galing sa LTSA na nakapalibot sa kanila. Isa na nga doon ang daddy ni Lorraine na halos na sa bente ang bantay.

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now