Chapter 52

54.2K 2.9K 1.1K
                                    


HEAVENHELL'S POV


Pagkarating ko pa lang sa kwarto ay agad kong pinatawag si Pira para pahanapin ng impormasyon tungkol sa mangyayaring battle bukas sa training ground. Alam ko na dahil sa bago lang si Trider ay meron talagang mga trainee doon na maghahamon sa kaniya. Ang hindi ko inaasahan ay ganito kaaga siya hahamunin at mapapasabak sa laban.


Like duh? Wala pang isang buwan si Trider na nagti-training kaya nakakapagtaka naman na nakuha niya kaagad ang atensyon ng iba nang ganito kabilis. Maliban na lang kung may mga tao lang talaga na nakatutok kay Trider dahil sa'kin.


Base pa sa sinabi ng ilan sa Elite guards ay si Henry ang nagpasok don sa Neri kaya hindi nakakapagtaka na naghahanap sila ng paraan para lalo akong bumagsak. Tsk!


"Milady, handa na ang 'yong pagkain." Magalang na sabi ni Pira dala-dala ang pagkain na pinakuha ko sa kaniya kanina.


"Ilagay mo lang 'yan sa tabi." utos ko dito. "Kumusta naman ang pagtatanong mo? Nakakuha ka ba ng impormasyon?" tanong ko rito nang makita na nailapag niya na ang pagkain sa lamesa.


"Yes, milady. Ayon sa isa sa mga trainee na napagtanungan ko ay nagkaroon daw ng alitan sa pagitan ni Ms. Neri at ni Sir Trider." diretso niyang sabi na pawang nagre-report.


"Nalaman mo ba kung anong dahilan?"


"Ang bali-balita sa buong training ground ay binastos daw ni Sir Trider si Ms. Neri kaya umabot sa punto na naghamon ng battle si Ms. Neri. Base pa sa usap-usapan kapag daw nanalo siya ay dapat daw layuan siya ni Sir Trider."


Napataas ako ng kilay sa narinig. Si Trider binastos yung Neri na yun? Tsk! Kung hindi ko lang kilala si Trider ay posible pa akong maniwala sa sinasabi nila. What the heck, right? Sa itsura ni Trider ay hindi mo siya mapag-iisipan ng masama dahil sa maamo nitong mukha tapos sasabihin nilang nambastos siya?


Kung si Deyl pa na isa rin sa supporting male lead ang tinutukoy nila ay maniniwala pa ako. Kasi sumobra yata sa kalandian ang character na 'yon at grabe kung landiin ang female lead. Mabuti na nga lang at si Lilian lang ang nilalandi nong hinayupak na 'yon at hindi kung sino-sinong babae diyan.


"Milady, im–imposible yung mga sinasabi ng iba tungkol kay Sir Trider kaya huwag kayong mag-alala."


Napatingin ako kay Pira na nag-aalalang tumingin sa'kin. Akala niya siguro ay naapektuhan ako ng mga sabi-sabi sa labas. Well, sorry sila dahil mas kilala ko si Trider sa kanila, kaya kampante ako na nasa tama siya. Alam ko na rin naman kung sino ang hinayupak ang may pakana nito at kung sinong bruha ang nag-udyok sa palpak nilang plano.


"Don't worry, I didn't believe every single thing they said." nakangiti kong sabi atsaka sinimulang kumain.


"Alright, milady. The battle will start at 9 at the battle arena."


Tumango na lang ako sa sinabi ni Pira atsaka siya pinalabas para makapag-isip naman ako kahit papano. Iniisip ko kasi kung paano ko patutumbahin yung Neri na 'yon para guluhin sa pagti-training si Trider. Tignan ko lang kung hindi siya magsisi na naghamon pa siya ng battle sa lalaking yon.


Lalo pa't kapag nasa battle arena ka na ay walang rules na sinusunod at pwede kang mamatay kung hindi ka mag-iingat, kaya 'a big good luck to you bitch!'



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now