Chapter 22

53.7K 2.8K 454
                                    

"What is happening here?!"



"S--sir!"



Napatigil ako sa narinig. Sir?! Oh shit! Dahan-dahan akong naglakad paalis. Nagbabakasakali na hindi ako mapansin ng sir kuno nila. Huwag niyong sabihin na kukumpiskahin nila ang pera na napanalunan ko?!



"Hold it right there!" 



Napahinga ako nang malalim at dahan-dahang humarap sa sir nila. Base sa itsura nito ay nasa mid-50's na yung lalaki at makikita mo sa awra niya na isa siyang sundalo na nakipaglaban sa mahabang panahon. Tulad ng mga estudyante ay nakasuot din ito ng military uniform pero kumpara sa iba ay may badge ito sa gilid na nagpapakita na mataas ang ranggo nito sa military. Geez! I'm dead!



"Good afternoon, sir!" sabay-sabay na bati ng mga estudyante habang nagbigay ng salute sa sir kuno nila.



"What's happening here, Captain Wood?" tanong nito sa ma-awtoridad na tono.



"Ahmm... They----" Naputol ang sasabihin ng Captain nang biglang ibaling sa'kin ng sir nila ang paningin. Shocks!



"Explain!" sabi nito habang nakatingin sa'kin. Wait? Ako raw ang magpaliwanag?!



"Ahh... Ganito kasi yan sir, itong si red-head--este Fey ay bigla-bigla na lang akong sinigawan nang makita niya ako dito sa military ground..." pa-inosente kong sabi.



"Why are you here?" kalmadong tanong nung sir. Geez!



"I just want to stroll and see what's inside the military ground. I have a pass so I can get in! But that girl keeps talking that annoyed me, that's why I challenge her! " nakangiti kong paliwanag habang nakatingin kay Fey.



"T--this girl is so weird!"


"Hindi niya ba kilala yung kinakausap niya?"


"Oo nga ehh! Hindi man lang natakot ang babaeng 'to. Ako nga makita ko pa lang si sir nangangatog na ako!"


"Parehas tayo! Ang tapang din ni Miss beautiful ehh!"


"Kung alam niya lang na Roosevelt ang pangalan ng kinakausap niya baka mangatog siya sa takot."


"Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa mga Roosevelt diba?!"



Napatigil ako sa narinig mula sa mga estudyante. T--this old man is a Roosevelt?! Shit! Sa pagkaka-alala ko sa nobela ang Roosevelt ay kilala sa buong Atlante bilang 'Military Family' dahil halos lahat ng miyembro ng pamilya nila ay nasa Military sect at may matataas na posisyon.



Bukod pa doon, ang Roosevelt ay ang family lineage ng mommy ni Vile na siyang male lead ng nobela! Kaya bakit?! Bakit ang daming nangyayari na lalong nagpapagulo ng buhay ko? Seryoso? Si kamatayan na ba talaga ang humahabol sa'kin?



"I see... You little girl, follow me! Captain Wood and Fey, I will talk to you later." Nabalik ako sa wisyo nang bigla akong tawagin ni Sir Roosevelt.



"Patay! Baka malaman ni sir yung pustahan!"


"Oo nga! Siguradong patatakbuhin tayo sa field bukas!"


"Pero ano kayang sasabihin ni Sir Roosevelt kay Miss beautiful?"


"Baka tatanungin yung deparment tapos paparusahan din?"



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon