Chapter 21

50.4K 2.8K 368
                                    

"Do you wanna play with me?" nakangisi kong tanong sa babae.



"...."



Gulat silang tumingin sa'kin na parang may sira ako sa ulo. Yung captain nila ay nakatingin lang nang seryoso, samantala ang iba ay nagtataka sa sinabi ko.



"What are you talking about?" tanong nung Fey na bakas ang yabang sa kaniyang tono.



"Let's play since I think this place is my playground."



"W--what?! You dare?!"



"Fey, bumalik ka na sa training mo, ako na ang bahala dito." Singit nung captain nila. Kita ko na rin na naiinis na siya dahil sa ingay ba naman ng babaeng 'to ay halos lahat ng mga nagti-training malapit sa'min ay nagambala.



"No! Makikipaglaro ako sa babaeng 'to nang makita niya na malaking kalokohan na pumasok pa siya dito!" Galit na galit na sigaw niya.



Napataas ako ng kilay sa kinikilos ng babaeng 'to. Hindi ko maintindihan kung anong ginawa ko at galit na galit siya sa'kin. Baka naman inggit lang siya sa kagandahan ko kaya ako napagti-tripan ng pagiging insecure niya?



"Uy! Tignan niyo oh, si Captain Wood at si Fey may kausap na magandang babae!"


"Oo nga no! Pero mukhang nag-aaway si Fey at yung babae..."


"Baka girlfriend ni Captain tapos nagselos na may ibang kasamang babae kaya nag-away!"


"Tara tignan natin! Mukhang galit na galit si Fey!"



Napataas ako ng kilay sa mga narinig sa paligid. Bakit panay sila tawag ng babae? May pangalan ako aber! At kailan pa ako nagka-boyfriend? Bakit hindi ko alam?



"Fey stop what you're doing! You're inside the military ground!" Seryosong sabi ni Captain habang nakatingin kay Fey na natigilan na rin sa kakatalak na dinaig pa ang manok sa sobrang ingay.



"I--I'm sorry, captain..."



"And you miss..." baling nito sa'kin.



"Please leave this place now." Tinaasan ko lang siya ng kilay sa sinabi.



"Sorry but I don't want to."



"Miss, I'm serious..." nagtitimpi nitong sabi.



"Ayy? Hindi siya girlfriend ni captain!"


"Oo nga! Pero paano naman nakapasok yung babae sa military training ground?"


"Malamang pinapasok siya! Pero bakit siya nakapasok?!"


Napailing na lang ako sa mga bulung-bulungan ng iba. Kahit ako ay magtataka sa kalagayan nila, pero hindi naman tama na sigawan nila ako para paalisin diba? Hindi pa nga ako nakakapag-paliwanag kung paano ako nakapasok dito, tapos sisigawan na ako ng bruhang babaeng 'to?! Sinasabi ko na nga ba kapag pula ang buhok malas talaga sa buhay ko ehh!



"Aalis lang ako kapag nakipaglaro na sa'kin si Red headed bitch..." seryoso kong sabi.



Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko, lalo na ang bruha sa tinawag ko sa kaniya. Pfft! She looks like a dog that likes to bark in my neighborhood!



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now