Chapter 81

71.3K 3.7K 6K
                                    

Nakatingin lang ako kay Javier na kasalukuyang bored na nakapamulsa sa harap ko ngayon. Kung umasta nga siya ay akala mo wala siyang sinabing kababalaghan kanina.


"Atsaka ano raw sabi niya? Kiss him? Ano siya sinuswerte?! Ayoko ngang mapunta ang first kiss ko sa baliw na kagaya niya. Nakakakilabot kung iisipin ehh!"


Pasimple na lang akong tumawa na agad niyang kinalingon. Nakatingin nga siya sa'kin ngayon na para bang ako na ang pinakabaliw na diyosa na nakita niya. Hehe!


"Why are you laughing?" Seryoso niyang tanong na kinatawa ko na lang lalo.


"P--pfft! Ehem! Carnelia, mukha siyang high blood ngayon kaya dahan-dahan sa pang-aasar kung ayaw mong mabaril ng animal!"


"Chill ka lang, young master! Ang gusto ko lang sabihin ay hindi na gagana sa'kin 'yang mga ganiyang words na 'yan no!" Nakangiti kong sabi na kinataas ng kilay niya.


Pinigilan ko ang sarili na huwag mapatawa nang makita ang pagtataka sa mukha niya. Sa itsura niya pa lang ay alam ko nang gusto niyang tanungin kung bakit? Aiya!


Hindi niya ba alam kung gaano kauso sa Earth ang mga ganiyang linyahan? Pati nga sa mga nobela na nabasa ko ay ganon din ang trip ng mga characters. Tapos sa huli ay gusto lang pala nilang makapuntos.


"Asus! Walang panama sa'kin ang mga linyahan ng animal na mga male leads na 'yan, dahil mas matanda pa akong nabuhay sa kanila no! Well, siguro may panama pa rin naman depende sa mukha nung nagsabi. P--pfft! Ehem! Ang landi ng isip mo, Heavenhell!"


Nang hindi siya magsalita ay nauna na akong naglakad sa kaniya na agad naman akong sinabayan. Bawat lakad namin ay nararamdaman ko na parami na rin nang parami ang mga matang nakatingin sa'min.


Lunch time na rin kasi ng mga instructors at estudyante ng military department kaya mas marami na ang nakakakita sa'kin. Sa tingin pa nga lang nila ay malalaman mo agad na nagtataka sila kung anong ginagawa ko rito at kung bakit ako nakasuot ng military uniform.


"Aiya. Bakit hindi kaya nila subukang tanungin si Lieutenant, tutal siya naman ang may pasimuno na ipasok ako dito no?"


"Anong ginagawa ni Lady Heavenhell dito?"


"Oo nga no? Ngayon ko lang din siya nakita dito? Nag-transfer ba siya?"


"Siguro! Kita mo naman na nakasuot siya ng uniform natin ehh."


"Ano ba kayo? Hindi 'yon ang big deal! Ang nakakapagtaka ay kung bakit magkasama sila ni Young master Gideon dito sa department natin?"


"Oh my gosh! You don't know that he's a Colonel?!"


"Re--really?! Oh my! He's so cool and handsome!"


"Pero bakit kasama siya ni Lady Heavenhell? Hindi ba't ex-fiancé siya ni Young master Lucretius?"



"That's right! Muntik ko na ring makalimutan na may galit pala si Colonel Gideon kay young master!"

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now