Chapter 60

65.3K 3.3K 2.3K
                                    

Makalipas ang ilang minutong pagtulala ko dahil sa nangyari kanina, ay tsaka lang ako bumalik sa pagtingin sa refrigerator. Nalilito kasi ako sa kung anong trip ng male lead at bigla-bigla na lang nagkaganon. Sa nobela naman ay iba ang trato niya sa mga taong tumatawag sa pangalan niya.






Dito kasi ay Eli ang tawag kay Vile ng mga taong may malalakas ang loob, tulad na lamang ng mga kapwa niyang animal sa zoo ng female lead na sina Vance. Well, Eli is a nice name but for me, Vile suited him most.






"That's because Vile is vile. I mean literally! He's so bad, wicked, merciless, ruthless and a person who doesn't have any guilt inside his body. So I called him like that! You see? Evil is for Vile, and Vile is for evil. "






Kinalma ko na lang ang sarili dahil hindi ko ini-expect na bigla nalang sasapian ang male lead at balak pa yatang patayin ako sa atake sa puso. Siguro aware naman siya na napakagwapo at napaka-hot niya diba? Kahit matanda na siguro ay mapapalunok pa rin kapag tinignan ka niya sa mata. Hayys! Those golden eyes is so beautiful!






Dumiretso na ako sa refrigerator at tsaka kumuha ng mga kakailanganin ko sa pagluluto. Tutal ay sobrang late na kami sa lunch ay sisimplehan ko na lang ang lulutuin ko.






Okay na siguro ang itlog? Heh! Sige, Carnelia try mong lutuan si Vile niyan baka isang kunot-noo lang ang matanggap mo sa kaniya.






Napailing na lang ako at tsaka nagsimula ng magluto. Last time kasi ay nag-research ako ng mga patok na pagkain dito kaya medyo may alam na ako sa kung anong lulutuin ko ngayon. Although, hindi ko maintindihan ang mga pangalan dahil pang-alien pakinggan ay mukha namang masarap sa picture.






Makalipas ang isang oras na pagluluto ay natapos na rin ako sa wakas, kaya naman ay agad akong naghanda sa lamesa nang makakain na kami. Alas dos na rin kaya maigi na mapakain na si Vile at baka bigla na namang sapian ng kung ano-anong espiritu. Tsk!





Nang maayos ko na lahat ay wala pa rin akong male lead na nakita. Nasaan na kaya ang hinayupak at bigla-bigla na lang nawawala?





Lumabas ako ng dining area atsaka hinanap si Vile sa sala. Pagkarating ko doon ay wala akong nakitang tao at tanging tunog lang ng mga ibon sa labas ng bahay ang maririnig sa buong lugar.






'Gosh! This is so creepy!' 






"Young master? Yohoow!" tawag ko dito habang naglilibot-libot sa first floor.






"Young master!!!" sigaw ko ulit pero kahit anong sigaw ko ay wala akong nakikitang Vile sa paligid. Damn! Saan na 'yon?






Nang wala pa rin siya ay naisipan ko na lang na bumalik na sa dining area at baka nandoon lang siya. Ngunit pagdating ko doon ay kahit anino niya ay hindi ko makita.






Actually, pwede naman akong umakyat sa second floor kaya lang tinatamad ako. Idagdag mo pa na kahit hapon ngayon ay creepy pa rin ang lugar.





Tumingin ako sa kaliwa't-kanan atsaka ngumisi. Hehe! He's not here so he can't hear me...






"Daddy Vile! Where are you?!" sigaw ko habang tumitingin-tingin pa rin sa paligid. Ngunit biglang nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ang itim na aura sa likod ko.






'O–oh? Do–don't tell me he heard it?'






Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko at doon nga ay nakatayo ang kapamilya nila Lucifer! Kung kami nila Lucifer ay tropa lang, sila pwede na maging pamilya! Kyahh!!! What do I do?






Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now