Chapter 63

61.6K 3.5K 3.6K
                                    

Napasandal ako sa pinto habang pinoproseso ang nangyari. Kaya pala nakakapagtaka na ligtas akong nakapasok ng kwarto ni Vile ay dahil sa pinaplano ng bruha. Sigurado kasi ako na may kinalaman si Venom kung bakit nawala ang security system kuno ng kwarto ng male lead.




'Aiya! Venomous Claire is really a cunning person! I can't believe that she will do something like drugging his brother for her experiment.'




Sa nobela ay nabanggit doon na immune si Vile sa mga lason. Bata pa lang kasi siya ay umiinom na siya nito, para daw masanay ang katawan niya sa mga lason na pwedeng ilagay ng mga kalaban nila sa mafia world. Actually, kasama ito sa training ng mga Lucretius.




Pero ngayon na nakakaramdam si Vile ng epekto ng gamot, ibig sabihin napakataas na klase o dosage ang nilagay ni Venom sa baso ng male lead! What the heck?!




Kung normal na tao lang ang nakainom non, siguradong mamamatay agad siya sa side effects ng gamot. Geez! The Lucretius is really a heartless people!




Napasandal na lang ako sa pinto at nag-isip ng gagawin. Kung paglabas lang naman ng kwarto na 'to ang pag-uusapan ay hindi naman mahirap sa'kin 'yon.




Ang problema nga lang ay kasama ko ang male lead ngayon, kaya konting galaw ko lang na malayo sa katangian ni Heavenhell ay makakahalata siyang may mali sa'kin. Baka mapagkamalan pa akong alien ng mga character dito. Geez!




Napalingon ako sa male lead na kalmado lang na nakaupo sa paanan ng kama. Sa itsura niya ngayon ay para bang wala siyang nainom na aphrodisiac. Aiya!





"What are we going to do, young master?" kunwaring nag-aalala kong tanong.





Syempre wala kuno akong nalalaman sa nangyayari para hindi siya maghinala na alam ko na kaya niya ring buksan ang pinto kung gugustuhin niya. Yeah, Vile can also open that door if he wants to!





Pero syempre hindi ko siya tatanungin tungkol dito, dahil sa nobela lang naman nabanggit ang mga kakayahan ng male lead. Ngayon kasi ay marami ang hindi nakakaalam kung gaano talaga kalakas itong animal na 'to bukod sa'kin.




Ang alam lang ng nakararami ay malakas itong si Vile dahil sa katayuan ng pamilya nila sa buong Pangaea. No one know how monstrous this guy can get once he show his true capability as the male lead!




"Sleep and wait." walang emosyon nitong sagot habang nakatingin sa'kin ng diretso. *Gulp*





Pasimple kong pinakalma ang sarili dahil sa mga titig ng male lead. Lalo na't may kakaiba sa mata niya ngayon! Para bang may balak siyang mangain ng tao kapag may lumapit sa kaniya. Geez!




'Pero ano raw? Sleep and wait?! Ibig sabihin ay hindi siya kikilos para mabuksan ang pinto at may balak lang siyang manatili dito kasama ko? Hibang ba ako o sadyang tama lang ang iniisip ko? Aish!'




"A-ahmm... Wala na bang paraan para mabuksan ang pinto?" Tanong ko na lang habang nagbabakasakali na maisipan niyang buksan ang pinto para makalabas na ako. Shems! This is a problem!




'Did you fucking know what I'm wearing right now? If not, then I'll say that I'm wearing a night gown that is currently the most decent thing I've found in the closet.'

'

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now