Chapter 92

34.3K 1.7K 459
                                    


Napalingon ako kina Clara nang mapansin ang pag-iiba ng mood nila. Hindi ko masabi kung may mali ba sa tinanong ko para biglang manlamig ang paligid.


"A–ahmm... May sakit ba siya o 'di kaya'y nagpapagaling pa?" Tanong ko na lang ulit habang nagbabakasakali na may isang sumagot sa kanila.


"She died."


"Oh, so she die—wait, what?!" Gulat na gulat kong tanong nang mapagtanto ang sinabi ni Major Hanz.


Teka? Patay? As in, natigok, hindi na babalik at nabura na sa mundo, ganon?! Seryoso ba? Patay na ba talaga ang babaeng 'yon o pinaprank lang nila ako? Atsaka dalawang araw lang akong nawala sa training, kaya papaanong namatay na agad siya?


"Tama ang dinig mo, Lady Heavenhell. Hindi man kami ayos ng babaeng 'yon ay hindi ko naman gugustuhin na mamatay siya bigla." Seryosong sabi ni Jerry na sinang-ayunan ni Clara sa gilid.


"T–that's too bad..." Maiksi kong sabi habang pinapakita ang panghihinayang sa mukha. Tsk! Tsk!


Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa narinig, lalo pa't kahapon lang ay sinusumpa ko pa siya sa isip ko. Pero ang tanong doon ay kung sino ang may pakana nang pagkamatay ni Abby.


Well, kahit pa na hindi ko narinig ang buong kwento ay mapapansin mo agad na may mali. Kaya sigurado ako na may tao sa likod noon, pero kung sino 'yon ay wala akong ideya.


"I'll go home first..." Nakangiti kong paalam sa kanila. Wala akong balak pa na makipag-tsismisan ganoong tapos na ang torture training na pinakahihintay ko.


Tsk! Bigla tuloy akong nainis nang maalala ang walang hiyang animal na sumira ng plano ko ngayong araw. Inaabangan ko pa naman ang magiging reaksyon ng mga trainees tapos... Hayys! Nevermind!


Kumaway muna ako sa kanila bago naglakad paalis ng training facility. Ngayon ay balak kong umuwi agad para makapagpahinga.


Bukas na kasi ang last day ng Hell week ng mga trainees. At pagkatapos ng dalawang araw na pahinga ay ang araw din ng annual departmental events ng AIA.


"Grabe yung nakita ko sa clinic kanina!"


Napalingon ako nang marinig ang sinabi ng lalaking military student sa kasamahan niya. Kasabayan ko silang naglalakad ngayon kaya naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila.


Well, ayokong maki-tsismis pero nang marinig na importante yung pinagsasabi nila ay tahimik akong nakinig. Like duh? Kung minsan ay kailangan din nating maging tsismosa para makasagap ng impormasyon no! Hehe!


"Sinabi mo pa, buddy. Grabe yung lagay nung isang junior natin. Sa itsura niya ay mukha siyang nabugbog ng maraming tao."


"Kaya nga ehh. Ang balita ko pa sa kaibigan ko sa isang subject ay isa raw ang kapatid niya sa mga first year na nagti-training para sa annual event."

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now