Chapter 83

113K 4.9K 14.3K
                                    

Napaupo na lang ako nang wala sa oras sa narinig. Ni hindi ko nga maisip kung paano niya 'yan nasasabi na parang wala siyang ginawang kasalanan sa'kin?



Atsaka ano raw sabi niya? I didn't tell him where?! Aiya. Pigilan mo ang sarili mo na hindi masapak ang gwapong mukha ng male lead! Sayang namang kung magagasgasan ehh.



"So, kasalanan ko?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya.



Ngayon ay komportable siyang nakasandal sa puno habang nakatingin na sa mga ilaw na nanggagaling sa mga sasakyan at gusali sa baba. Nasa mataas na lugar kasi kami kaya kitang-kita dito ang naggagandahang ilaw mula doon.



Napatingin na lang ako kay Vile nang marinig ang sagot nito na halos ikausok ng ilong ko sa inis.



"Hmm... Who else?" Walang emosyon nitong tanong sa'kin.



"Aish! Kalma ka lang, self! Daanin na lang natin sa kalandian ang malamig na pakikitungo ng male lead. Hehe!"



Ito kasing si Vile kung ano-ano ang trip sa buhay at pati ako ay dinadamay. Sa pagkaka-alala ko pa naman sa nobela ay ang first kiss ng male lead ay mangyayari pa kapag namatay na si Lilian. Chos! Hahahaha!



Basta matagal pa dapat magkakaroon ng first kiss itong si Vile dahil ayaw niya talagang nadidikitan ng kahit na sinong tao. Kaya nga diba maraming readers na ang nagtatanong kung nasaan na raw ang "Romance" ng female lead at male lead?



Bakit raw mas nauna pang mahalikan ni Lilian ang ibang male characters kaysa kay Vile? Akala raw ba nila ay may emosyon na ang male lead dahil kay Lilian, pero bakit raw kung umasta ito ay parang hindi naman sila?



Ang daming mga tanong ng mga readers noon sa siraulong author ng libro dahil marami talaga silang nakikitang mali. Pati nga ako na walang pakialam sa romance ay nagtataka na rin. Ang ini-expect ko pa naman ay mapapakita na ng male lead ang kaniyang bangis sa kama--ehem! Ehem!



Ang totoo kasi niyan ay may R-18 scenarios talaga ang nobelang 'to, pero kahit ilang beses mo pang basahin ang libro ay wala kang ganoong scene na makikita kay Vile! Puro si Lucas, Trider, Javier, Deyl, Vance, Theo, Clive, Lemuel, at Alexio lang! Yikes! Isipin ko pa lang ay talagang nanginginig na ang kalamnan ko.



Si Lilian na talaga ang magaling sa lahat huh! Akalain mong lahat sila ay halos patay na patay sa kaniya? Well, wala naman akong pakialam dahil hindi naman ako ang mahihirapan sa huli.



Atsaka, kahit na si Vance ang bias ko sa libro para kay Lilian ay hindi ko pa rin siya trip sa totoong buhay no! Tama ba namang magkaroon ka ng affair sa jowa ng kaibigan mo?! Ganon din ang inis ko sa lahat ng male characters dahil bukod sa pananakit nila kay Heavenhell, ay talagang ang lalandi nila!

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now